CHAPTER 15 ANOTHER LOVE STORY?

137 7 0
                                    

Jar of Hearts

CHAPTER 15

ANOTHER LOVE STORY?

SARAH’S POV

“Sarah, Eliza magbreakfast na kayo. Dalian niyo na’t baka malate pa kayo” tawag sa amin ni Mama.

Ay, oo nga pala dito muna pansamantalang tumitira si Eliza para makapag bonding sila ni Mama.

Tuwang tuwa naman siya nun eh? And luckily pumayag din naman si Papa. After niya kasing malaman yung tungkol kina Mama at Eliza naintindihan naman niya yung sitwasyon and yung konting alitan between Tita Lucia and kay Mama ay naayos na rin.

“Ito na po. Eliza tara na” sabi ko at sabay kaming lumabas ng kwarto ni Eliza’t bumaba na.

Tumungo kami sa dining room upang saluhan sina Mama’t Papa upang mag almusal.

“Sarap naman nito tita” sabi ni Eliza.

“Wag mo na kaong tawaging tita, mama na rin ang itawag mo sa akin gaya ni Sarah”

“Sige po” at nagpatuloy kami sa pagkain.

 *beep* *beep*

“Oh, sina Sebastian na ata yan” sabi ni Papa at dumungaw sa may bintana.

“Oh, siya’t dalian niyo na at anjan na si Sundo” sabi ni Papa sabay tingin sa akin.

“Naku, si Papa” sabi ko sabay kuha ng mga gamit ko.

“Tara na” aya ko kay Eliza.

“Bye” paalam naming dalawa ni Eliza kina Mama at Papa.

Kumaway  na lamang sila sa amin.

Pumasok na kami sa kotse ni Sebastian. Driver for today: Jeff.

“Oh, good morning” bati ni Jeff.

Ngumiti lamang kami ni Eliza.

“So, kamusta ang mag ate?” sabi naman ni Sebastian.

“Masaya” sabi ko :)

“Super saya” sabi naman ni Eliza.

Nalaman nga pala nila Sebastian, Jeff, Joshua at Alona yung tungkol sa amin dahil sinabi namin iyon ni Eliza sa kanila.

MALAYA UNIVERSITY

“Tol hanapin ko na lang Alona” paalam ni Jeff.

“Sige lang tol, kung gusto mo itanan mo na rin” pang aasar ni Sebastian.

Jar of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon