Jar of Hearts
CHAPTER 9
RIGHT THING
ELIZA’S POV
Mabilis kong inayos ang sarili ko at aking hinanap yung address book ko.
Nang Makita ko iyon, agad kong hinanap yung address nila Sarah.
Hayst!
Right thing- here I come.
ALONA’S POV
“Saan kayo niyan?” tanong ko kay Jeff.
Tumawag kasi siya’t pinaalam sa akin na umalis na si Sebastian sa bahay nila ni Eliza at pansamantalang makikituloy sa kanya.
“Dito sa condo ko” sagot ni Jeff from the other line.
“Ah, oh sige. Pupuntahan ko lang si Sarah” and I ended our call.
“Ma, punta lang po ako kina Sarah” paalam ko sa mama ko na nasa kusina.
“Sige anak, ikamusta mo na lang ako” sagot naman niya.
“Opo” at umalis na ako sa bahay.
Since medyo malapit naman ang bahay nila Sarah, napag desisyunan kong maglakad na lang.
Habang palakad ako papunta sa kanila, may isang itim na kotse ang bumalandra sa tabi ko.
Huminto yung kotse sa mismong harapan ko. Parang kinakabahan ako nito ah?
Mas kinabahan ako ng Makita ko kung sino ang lulan ng kotse… si Eliza!
SEBASTIAN’S POV
Nandito na ako sa condo ni Jeff. Nag aayos lang kami ng gamit ng biglang…
“Tol” sabi ni Jeff. Mukhang may problema ata?
“Bakit?” nag aalalang tanong ko.
“K-kasama ni Alona s-si Eliza!” sabi niya.
Nakaramdam ako ng takot ng sinabi niya iyon.
Hindi malayong pati si Sarah ay madamay sa kung anong plano ni Eliza.
“Nasaan sila?” tanong ko.
Mas natakot ako sa sagot niya.
“Kina Sarah”
ELIZA’S POV
BINABASA MO ANG
Jar of Hearts
Teen FictionWill love would be better a second time around? Kaya niyo pa kayang harapin ang ilang consequences sa dadating sa buhay niyo? Kung mahal niyo ang isa't isa, makakaya niyo? Pero what if things were not okay for them. Will love bloom again? THE BUCKET...