Jar of Hearts
CHAPTER 10.2
CONFLICT
ALONA’S POV
Nasa sala kami nila Sebastian at Jeff. Tinatanaw ko naman sa may bintana sila Eliza at Sarah.
Kamusta kaya ang pag uusap nila?
“Alona” tawag sa akin ni Jeff.
“Bakit?” tanong ko naman.
“Ano na kayang nangyayari dun?”
“Ewan. Intayin na lang natin sila pumasok” sabi ko naman.
Ilang sandali’y pumasok na ang dalawa.
Agad ko silang sinalubong, samantalang sina Sebastian at Jeff ay nanatiling naka upo sa sofa.
“Kamusta?” sabi ko.
“Okay lang” sagot ni Eliza.
Binigyan lang naman ako ni Sarah ng isang ngiti.
Lumapit naman si Eliza kay Sebastian.
“Sebastian, let’s cancel the marriage”
Pagkasabi nun ni Eliza, nagulat kami ni Jeff.
SEBASTIAN’S POV
“Sebastian, let’s cancel the marriage”
Pagkasabi nun ni Eliza, nagulat ako.
Napatayo ako at kinausap si Eliza.
“Why?” tanong ko.
“Coz I’m setting you free” sagot niya’t may tumulong luha buhat sa kanyang mga mata.
Dahil na rin sa awa ko sa kalagayan niya- niyakap ko siya.
“Sshh… tama na. And thanks for setting me free” casual na sabi ko.
Kumalas naman siya sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
“You’re always welcome. Sana maging Masaya kayo ng tunay na mahal mo” at binaling niya ang kanyang tingin kay Sarah.
Napatingin din ako kay Sarah at napansin kong umiiyak siya.
Tumingin muli sa akin si Eliza at hinalikan ako sa noo.
“Thank you for everything”
BINABASA MO ANG
Jar of Hearts
Teen FictionWill love would be better a second time around? Kaya niyo pa kayang harapin ang ilang consequences sa dadating sa buhay niyo? Kung mahal niyo ang isa't isa, makakaya niyo? Pero what if things were not okay for them. Will love bloom again? THE BUCKET...