Prologue

147 9 5
                                    

4 years ago

November 25

Isang nawawalang patay na katawan ng babae ang nakitang hubo't hubad sa kagubatan, di kalayuan sa paaralan ng Saint Catherine High School. Ayon sa mga pulis may isang unknown number daw ang tumawag sa kanilang estasyon at sinasabing may nakitang siyang patay na kawatan. Nagpagkalaman naming na ang babaeng ito ay nag aaral sa saint Catherine high School. Ayon naman sa SOCO ay pinahirapan muna ito bago ginahasa ang nasabing babae bago ito tuloyang pinatay ng suspect. Nag iimbestiga din ang mga pulis sa paaralan upang malaman ang dahilan ng krimen. Ito po si Antionio de Guzman nag uulat.

Matapos kong panoorin ang balita, nag uunahan na ang aking mga luha sa pag agos. Nakita ko ang buong pangyayari, kilala ko kung sino ang babaeng sinasabi niya na patay na, nakita ko kung sino ang pumatay sa kanya. Pero dahil sa takot ay di ko siya pinagtanggol.

" oh, itigil mo na yan, ayaw na ayaw nya nakikita kang lumuluha." Malamig na sabi nya at binigyan ako ng panyo.

Alam ko na galit na galit sya sa akin dahil napakaduwag ko at walang kwenta. Nagpalamon ako sa takot na nararamdaman ko.

"j, oo galit na galit ako pero ayaw ko ding syang magalit sa akin pag nakita niyang binugbog kita hanggang sa mamatay ka, magagalit iyon sa akin" Sabi niya at napatingin ako sa kanya. 

Nabalot ako ng takot dahil sa sinabi nya, pero kahit anong mangyari ay handa ako sa anomang kaparusahan ko.

Nasa isang bangkuan lang sya habang pinagmamasdan ang alak sa kanyang harapan. Lungkot at pighati ang nakikita kong emosyon sa kanyang mga mata. Marami na din ang nangyayari sa kanyang buhay, naawa ako ngunit kasalanan ko ang lahat. naiinis ako! 

"sorry nakapaduwag ko." Mahinang mambit ko at naagaw ko ang atensyon nya. Ngumisi sya  at nagbigay iyon ng kilabot sa akin.

"mapapatawad kita kung tutulongan mo ako.

.

.

.

Tinago nila ang kanilang kasalan at tutulongan mo akong hanapin ang taong gumawa ng kasalan."

Tumango ako bilang pag sang ayon sa kagustohan nya at sabay kaming na patingin sa larawan nya na buhay pa sya noon pero patay na ngayon.

-END-

what can you say?

wag kalimutan na magcomment at magvote. thank you!

Hide And SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon