Chapter 18

29 4 0
                                    


James' POV (the confession)

4 years ago.

Nung unang pasok ko palang sa paaralan ng Saint Catherine High School, nakita ko na agad siya. Siya ang lang ang babaeng may maamong mukha at may napakagandang ngiti. Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko dahil ang bilis ng tibok ng aking puso at di ko nalang namalayan na napangiti ako habang pinagmamasdan siya sa malayo.

Pero naglaho ang matamis na ngiti sa labi ko nang makita ko si Aimee. Ang pinsan kong patay na patay sa akin. Kahit na sinabihan ko na hindi pwede ang pagmamahal niya sa akin, ay panay naman ang tanggi niya. Lagi niyang sinasabi na wala siyang pakealam sa sasabihin ng iba basta mahal niya ako at Masaya siya na kapiling niya ako. Mahalaga siya sa akin at mahal ko siya bilang kapitd at pinsan lamang pero yung bilang kasintahan hindi ko alam pero nandidiri ako.

Lihim kong tinitingnan ang babaeng nakita ko nung first day of class, kahit saang anggulo ko man siya titigan napakaganda niya. Sa bawat araw na makikita ko siya mas lalo pa siyang gumaganda, na parang nagkakaroon ng kulay ang mundo ko pag nakikita ko siya. Nalaman ko na magkakaklase sila ni Aimee at sa tuwing susunduin ko sila Aimee, lihim ko din siyang sinusulyapan.

Minsan iniisip ko kung ano ang mararamdaman ko kapag narinig ko ang boses niya, kapag nahawakan ko ang kanyang kamay, ang yakap siya nang mahigpit at matikman ang matamis niyang halik sa mapula niyang malabi.

Nasa library ako, tinakasan ko ang mga kaibigan ko nang nakita ko na papunta siya sa library. Nang malaman ko na kapag recess palagi siyang pumupunta sa library at nagbabasa. Nang makita ko siya sa isang sulok, agad ko siyang nilapitan, makangiting nagpakilala ako sa kanya at ganun din siya. Hindi ako makapaniwala na isang metro ang layo ko kanya. Naaamoy ko ang kanyang pabango, mas maganda pala siya sa malapitan at sa sobrang saya ko, kaya hinalikan ko siya.

Ngunit kumalas siya sa halik ko at sinampal niya ako. Nagmamadali siyang kunin ang gamit niya at ngayon ko lang napansin na may dala siyang camera at tuluyan na siyang umalis. Napangiti na lamang ako dahil sa inasta niya, kakaibang babae. Kakaiba siya sa mga babaeng nakita at nagugustohan ko, siguro kung iba pang babae iyon, tiyak na tutuugon iyon sa halik ko at sa condo ko ang bagsak naming dalawa.

"what the fuck! James! Kung wala ka sa mood, sana hindi mo nalang akong tinawagan." Sabi nung isang babae na hindi ko alam kung ano ang pangalan at sinampal niya ako.

Napailing nalang ako dahil sa sakit nang sampal niya. Ano na nga ba ang nangyayari sa akin? Maraming nang nagagalit sa akin dahil lagi daw akong wala sa mood, ewan ko ba siguro dahil ito sa epekto nang babaeng gusto ko. 


Nalaman ko na binubully siya nina Aimee, kaya sobrang galit ako sa kanya at pinagalitan ko siya ngunit mas umusbo ko pa ang kanyang galit dahil sa nalaman niya about sa library. Na halikan daw ako ng babaeng iyon kahit na pinaliwanag ko sa kanya, na ako ang humalik sa kanya at hindi ang babaeng iyon. Sinabi ko rin na may gusto ako sa babaeng iyon at sa huli sampal lang niya ang sinagot niya sa akin.

Hinayaan ko nalang siya sa kagustohan niya na ibully ang babaeng iyon dahil natakot ako na baka uminom na naman siya nang kung ano, gaya nang ginawa niya kagabi. Sabi ni tita na mommy niya na uminom daw ito na kung anong pills dahilan upang wala siya nang malay at agad siyang dinala sa hospital.

Nakita ko kung paano nila pinahirapan ang babae, Awa ang naramdaman ko sa kanya ngunit wala akong magawa dahil sa takot ko na baka gumawa ng kung ano si Aimee na ipakakahamak niya.

Naging bingi at pipi ako tungkol sa nangyari sa babaeng. Palagi akong tinatanong ng principal na aking ina tungkol sa balita tungkol sa babae na isa daw itong bayaran at kung ano pa. sinabi niya sa akin na nagsumbong sa kanya si Aimee tungkol sa babae na isa daw itong bad influence para sa amin na estudyante dito sa paaralan.

Hide And SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon