Chapter 4

42 5 2
                                    

Claire's POV

Nandito kami sa NAIA, naghihintay kami kay Niko at Carlos. Isang oras nalang bago yung flight namin papuntang Palawan.

" ang tagal naman nila!" asik ni Kate, habang panay pindot sa kanyang phone.

"relax Kate, baka hang over dahil party sa bahay nila." Sabi ni Bea.

"arghh. Kahit kailan yung ex mo." Sabi nito at umirap.

 Tinawanan lang siya ni Bea pero parang may halong lungkot sa pagtawa niya. Feel ko mahal pa ni Bea si Niko pero di ko alam ang dahilan kung bakit sila naghiwalay at tsaka ayaw ko din tanongin baka kasi masyadong private ang reason.

Napatingin ako kay Van, na panay ang post sa fb. Ilang minute ang lumipas nakarating si Niko at Carlos na bakas sa mukha nila ang takot at may kasama silang limang man in black. WTF! Bodyguards?!

"dude, anong ginagawa ng bodyguards mo dito?" tanong ni James.

"we need them at di tayo sasakay dyan. Nagparequest ako kay dad na gamitin yung private plane namin." Tanging sabi ni Carlos, dahilan para magtaka kami. Kailangan namin sila? Para saan?

"wait lang Ca-Carlos, anong ibig sabihin nito?" tanong ni Aimee.

"Paul at Drew, pakibantay si Aimee. Understand?" autoridad na saad ni Carlos ang naunang naglakad sa amin. 

Weird huh, there is something fishy about this two. Nagulat nalang kami hinablot ni James ang braso ni Carlos.

"Carlos, bakit mo naman binabantayan si Aimee sa mga bodyguard mo?! May gusto ka ba sa girlfriend ko?!" sigaw ni James, narinig kong hinghap ni Van. 

Nakita kong tumingin si Carlos kay Aimee bago tumingin ulit kay James. Sasagot na sana si Carlos nang nagsalita si Bea.

"alisin mo yang mga bodyguard mo Carlos, it's just a week vacation sa Palawan at we're f*cking safe in there!" galit na sigaw ni Bea.

"sure ka ba Bea?" tanong ni Niko sa tabi ko.

"WTF! Niko, nakapunta na tayo doon. Remember?! We're safe, hindi mo na kailangan ang mga bodyguards na yan! Aberya lang yan sa vacation natin!" sabi ni Bea.

Bumuntong hininga si Carlos at binitiwan sya ni James, na matalas pa rin ang tingin sa kanya.

"arghhh. Cge, fine. Pero kung may masamang manyari sa atin, ikaw Beatriz ang mananagot. Wala naman masamang magdala ng bodyguards at para sa safety lang din natin iyon. But you still insist about it. Kaya pagbibigyan kita pero sa private plane tayo sasakay." Sabi ni Carlos at naunang lumakad papunta sa private plane nila.

"aimee, mag uusap tayo pagdating natin sa villa ni Bea." Malamig na sabi ni James sabi ni James at sinundan si Carlos. Napatingin ako kay Aimee na may namumuong luha sa kanyang mata.

"let's go" sabi ni Kate.

Nang nakasakay na kami sa private plane nila Carlos ay tahimik lang kami. Hindi magkatabi si Aimee at James, habang si Niko at Carlos ay mukhang may seryosong pinag uusapan na sila lang din ang nakakarinig. Si Kate, Jake, Joshua at Bea ay tulog habang ako at si Van ay tahimik lang.

"Claire" tawag sa akin ni Van, napansin ko ang tahimik niya simula nung nag initan sila Bea, Carlos at James.

"ano yun Van?" tanong ko sa kanya, para ka siyang maluluha na kung ano di ko maexplain.

"pwede ba akong umiyak sa balikat mo?" sabi nito kahit di pa ako nakasagot ay agad nya akong niyakap at umiiyak na siya. Napalingon sina Niko at Carlos sa amin, pati din si James na narinig ko ang malutong niyang mura.

Hide And SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon