Chapter 13

40 4 1
                                    

Third Person's POV

Tahimik na sinusundan ng taong nakamaskara si Beatriz na papunta sa sekretong lagusan kung saan makikita ang basement ng bahay. Nang makapasok si Beatriz, lihim naman na pinagmamasdan ng taong nakamaskara ang ginawaga nito.

Hanggan sa nailawan ng dalagita ang isang larawan na nagpabigay lungkot sa kanya. Ang larawan ng babaeng dahilan ng lahat ng ito, makikita mo sa kaunting liwanag ang matamis na ngiti nito at ang maamong mukha. Pero tinapon lang ni Beatriz ang larawan dahilan upang mulikha ito ng ingay, napailing na lamang ang taong nakamaskara sa inasal ni Beatriz.

"tsk tsk tsk" agad na narnig ni Bea ang ingay na iyon, pinatay niya ang ilaw ng flashlight at agad itong nagtago. Hudyat din ito upang hanapin ng taong nakamaskara si Bea mula sa kanyang tinataguan.

Naririnig ni Beatriz ang yapak sa paligid na nagbibigay takot sa kanya. Tahimik na nagdarasal ang dalaga na sana hindi siya matagpuan ng killer. Pero nagsimulang bumuhos ang kanyang mga luha dahil sa sinabi ng kiler.

"paghanap kita, patay ka" sabay halakhak nito na nagbigay kilabot sa dalaga.

Nanginginig si Beatriz sa takot ng narinig niya na nagsimulang kumanta ang killer.

"miss beatriz had a house, EIEIO...

And on this house she had some lies, EIEIO..

With lie lie here and lie lie there..

Everywhere in here they make a lie.."

Tinakpan ni Beatriz ang kanyang bibig upang mapigilan na gumawa ng ingay mula sa kanyang pag iyak. Alam niya na may gumawa sila ng kasinungalingan, tao din siya at nagkakamali rin pero tama bang kamatayan ang kapalit ng lahat ng nangyari? Napapikit na lamang siya dahil sa kanyang iniisip.

Muntik nang sumigaw si Beatriz nang nakarinig siya ng ingay malayo sa kanyang pinatataguan.

"miss beatriz had a house, EIEIO..

And on this night, she's on the basement, EIEIO..

With a small cry here and a small cry there..

Everywhere in here she was so scared.."

Napasinghap na lamang si beatriz dahil naririnig pala ng killer ang pag iyak niya kahit na pinipigilan niyang marinig ito. kaliwa't kanan ang pagtingin sa paligid habang na nginginig at painagpapawisan dahil may narinig naman siyang ingay ilang metro ang layu sa kanya. 

"miss beatriz had a house, EIEIO..

And on this night, she will be killed, EIEIO..

With my ax on my hand and the knife at my waist,

Get ready to clean your mess...

..

.....

Miss be-a-triz had a house, E-I-E-I-o..

And on this time, she's in front of me..

E-I-E-I-O... E-I-E-I-O.." sabay ng pagkidlat nakita ni beatriz ang isang anino mula sa kanyang likuran at may hawak itong palakol sa kanyang kamay.

"AHHHHHHHHHHHHHH!" sigaw ng dalaga sabay takbo ngunit natamaan ng palakol ang kanyang paa at umaagos ang mapula at malapot na liquid.

Takot ang kanyang naramdaman nang masilayan ang taong nasa kanyang harapan sa magagamitan ng kidlat, ang puti nitong mascara ay mag bahid na dugo at ang itim itong kasuotan may may bahid na kung anong, hindi man niya malaman ang mga ito ngunit nandidiri siya.

"pa-parang awa mo na. Ma-maawa ka sa akin." Nanginginig na sabi ni beatriz ngunit di siya pinakinggan ng taong nakamaskara bagkos ay pinutol na lamang nito ang kanyang kabilang paa.

Sabay ng pagbuhos ng malakas na ulan at kidlat ay ito rin ang pagsigaw ni beatriz ng malakas dahil sa pinapahiran siya ng killer, habang binabalatan ang kanyang mukha gamit ang matulis na kutsilyo. Hindi pa na kontento ang taong nakamaskara at kinuha nito ang kanyang pinakamamahal na palakol at tiniga ang buong katawan ng dalaga.

Nagkalat ang iba't ibang bahagi ng katawan ni beatriz, ang dating puting sahig at naging pula ito dahil sa dugo ng dalaga. Nakangiting umalis ang taong nakamaskara sa basement at bumalik sa second floor upang hanapin ang iba pa at patayin.

Nang makalabas siya sa kwarto ni Beartiz iyang mahigpit na yakap ang sumalubong sa kanya dahil upang magulat siya. Nang tingnan niya kung sino ito at agad din niya itong niyakap, matagal tagal na panahon din na inaasam asam na yakapin niya ito at sa wakas ay nakamit na niya.

Naramdaman na umiiyak ito, agad niya itong pinatahan.

"shhhh.. baby wag ka nang umiyak, may gagawin pa ako at pati ikaw." Sabi niya sabay punas sa mga luha na tumutulo mula sa mga mata.

"do you think, it is the right thing to do?" tanong nito sa kanya, ito ang unang pumasok sa kanyang isip bago simulan ang planong ito pero kung hindi nila ito gagawin, sino? Sino ang gagawa nito? Ito na lamang ang paraan upang makamit nila ang gusto nilang maghiganti.

"oo, ito ang tama para sa atin ngunit sa mata ng batas at nang Panginoon, hindi. Pero kung hindi namin ito gagawin, sino?, sino ang gagawa ng hustisya para sa atin para sa kanya? Look, baby kung ayaw mo you can stay in your room at ako na ang bahala sa lahat." Sabi nito ngunit umiling lamang ang taong kausap nito.

"no. they made a wrong mistake so they must pay for it." Matapang na sabi nito, napangiti na lamang ang taong nakamaskara at niyakap ulit ito.

"don't worry baby. After this, there will be peace in our mind and heart." Sabi nito at hinalikan ang noo nito.

"paano yung iba naming kasama?" tanong nito

" wag kang mag alala. Walang masamang nangyari sa kanila." Sabi niya at kinuha ang nabitawang palakol.

Ngunit bago pa man niya makuha ang pinakamamahal niyang palakol may binulong ang taong nasa harap niya. Sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi ng marinig niya ito.

"I need to go, bye mag iingat ka ah! oh by the way. i miss that song." sabi nito ang agad na bumaba sa second floor, ngumiti na lamang siya at agad na naglakad upang hanapin ang iba at upang sundin ang kagustohan ng taong nagbigay lakas sa kanya.

Claire's POV

Matapos kung tingnan ang video bumuhos ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, paano nila nagawa ang bagay na ito sa kanya?! Ano ba ang dahilan upang gawin nila ang bagay na iyon sa kanya?!

Galit, ito ang aking nararamdaman dahil sa pananood ko. Nagagalit ako dahil ito ang dahilan kung bakit nawasak ang pamilya namin. Kung bakit wala akong maalala at kung bakit ito nangyayari sa amin.

Awa, naawa ako sa taong iniwan ko dahil wala akong maalala at sa taong dapat ay binigyan ko ng lakas sa panahon na manghihina sila dahil sa pagkawala niya.

Pagkasuklam, nakakasuklam ang ginawa nila at nagawa pa nilang magsinungaling para lamang matakpan ang gulong ginawa nila.

Isa lang ang nasa isip ko at ito ang hanapin ang taong pasimuno ng lahat ng ito. habang siya ay nagtatago sa kasinungalingan ginawa niya, panahon na para sa kabayarang ginawa niya, agad akong umalis ng kwarto para puntahan siya.

-End-

Please

Comment

Vote

Thank you!

Hide And SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon