Chapter 9

43 4 1
                                    

Niko's POV

Natahimik ang lahat nang matapos namin panoorin ang video. Nawalan ng ilaw kasabay ng malakas na buhos ng ulan at makasamang kulog at kidlat. Nagdadalamhati dinang panahon, Paanong may nakakaalam ng nagyari? Kahit na tinakpan ang mga mukha alam ko kung sino sila. Alam ko dahil isa ako sa kanila. Napatingin ako kay Bea na tulala at tumulo ang mga luha niya sa kanyang mga mata. Shit! Lalapitan ko sana siya.

"boo!" sigaw ng nilalang at lahat kami ang nagulat, naririnig namin siyang tumatawa. Halimaw siya, wala kaming kaalam alam kung sino siya at ano ang kinalaman niya sa video. Baka siya ang taong kumukuha ng video. Tang ina!

"ano? Nakikilala niyo kung sino ang mga hayop na pumatay sa babae? O baka naman sasabihin niyo na di niyo ito sinasadya? Hahahahahah. Puta! Magbabayad ako! Buhay ang kinuha niyo buhay din ang kukunin ko!" sigaw nito at nakikita ko sa mga kaibigan ko ang takot sa kanilang mukha.

"lumabas ka! Di kami natatakot sa'yo! Sino ka ba?! Hah!" matapang na sigaw ni Carlos kahit nakikita ko na nanginginig ang kanyang kamay sa takot.

"oo nga! Makakaalis kami dito! Baliw! Mamatay ka na!" sigaw ko sabay punta sa pintuan para mabuksan ang pinto ngunit nang hawakan ko ang doorknob ayaw nitong buksan.

"anong nagyayari?" nag alalang tanong ni Bea sa akin. Bakas sa mukha niya ang takot.

"a-ayaw mabukasan" tanging sabi ko at narinig kong singhal ng mga kaibigan ko.

"hahahahahaha. Walang lalabas dito! Lahat kayo mamatay!" sabi nang nilalang

Shit! di to maaari, kung hindi kami makakalabas dito mamatay kami at ayaw kung mangyari iyon sa amin.

"tang ina ka! Palabasin mo kami dito!" sigaw ni James at kinalampag ang pinto.

habang ang iba ay tiningnan ang pinto sa kusina. Di rin kami makalabas sa bintana kasi may nakapulopot na barbed wire dito, nang sinabi ng iba na lock din ang pinto sa kusina nawalan na kami ng pag asa. Ito na ba ang huling gabi namin sa mundo, naramdaman ko ang mainit na yakap ni Bea. Nang kumidlat Napatingin ako sa kanya at umiiyak siya. Damn I really hate when I see her crying.

"nagsasayang lang kayo ng lakas. Tsk. Tsk. Tsk. Nabobored na ako, maglaro tayo. Hide and seek. Kung sino ang makikita ko papatayin ko. Okay ba? Hahahaha." Sabi nito at bumukas ang ilaw.

"Bea, kasalanan mo ang lahat nang to! Bakit ka nagpapanggap na inosente?! Di ba bahay mo to, kaya alam mo ang pasikot sikot dito at ikaw din nagplano ng lahat ng to!" sigaw ni Josh at napatingin kami sa kanya. Lintik na lalaki to, ano ba ang pumasok sa utak niya at ang lakas niyang mangbintang.

"Josh, tumigil ka. Habang nagtitimpi ako sa'yo." Sabi ko at umiling iling lang siya.

"bakit Niko? Kasabwat ka rin niya? Hah! Eh totoo naman ang sinasabi ko ah. Bakit niya pipigilan ang bodyguards ni Carlos kung wala siyang binabalak sa atin? Ano?!" sigaw nito at agad ko siyang sinuntok.

"tang ina! Wala kang karapatan manghusga ng walang ebidensya!" sigaw ko sa kanya.

"may point naman siya Niko. Why would Bea stop bringing my bodyguards in here. Tell me Bea may pinaplano ka ba?" sabi ni Carlos habang matalim na tinitigan si Bea.

 Tang ina! Ano ba ang problema nila?! Nakita kong umiiling lang si Bea natatakot at di alam ang gagawin.

"di ba Bea she's your best friend back then. Tapos naiingit ka sa kanya. So may dahilan ka kaya mo to ginagawa dahil nakokonsensya kasa ginawa mo sa kanya!" sigaw ni Kate.

Hide And SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon