Chapter 10

43 4 2
                                    

Third Person's POV

"sampu" tangin sabi ng nilalang na nakasuot na puting mascara at agad na nawalan ng ilaw ang bahay.

Tatakbo sana si Niko nang isang putok ng baril ang narinig niya at tumama ito sa kanyang binti. Dahilan upang napaupo siya sa kanyang kinatatayuan.

"ahh!" daing nito habang hawak ang kanyang dumudugong binti.

Nakaramdam siya ng takot at nangnginig ang buo niyang katawan. Nakarinig siya ng yapak na papalapit sa kanya. Maluhang luha siya nang makita niya sa papamigitan ng kulog at kidlat ang taong nakamaskara ng puti.

"maawa ka! Please! Patawad!" nagmamakawaang sabi ni Niko sa taong nakamaskara. Nasisiyahan ito sa nagyayari kay Niko.

"bakit naawa ba kayo nang magkaawa siya sa inyo" sabi nito. 

"simulan na natin to" nakangiting sabi nito. Kahit di nakikita ni NIko ang mukha nito alam niya na nasisiyahan ito sa nangyayari.

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Niko nang putulin ng taong nakamaskara ang kanyang daliri sa kamay habang ito at kumakanta.

"sampung mga daliri kamay at paa... " pinutol naman ang mga daliri sa paa n Niko.

"dalawang mata.. " dinukot ang mga mata nito. Sigaw lang nang sigaw si Niko dahil sa sakit na nararamdaman niya.

"dalawang tainga" kumuha ito ng dalawang kutsilyo at sinaksak sa dalawang tainga ni Niko.

"ilong na maganda" binaril nito ang ilong ni Niko, dahilan upang tuluyan na siyang nawalang ng buhay pero patuloy pa rin sa pagkanta ng taong nakamaskara.

"maliliit na ngipin..

Masarap kumain.." at kunuha niya ang mga putol na daliri ni Niko at isinubo ito sa bunganga ni Niko.

"dilang maliit nagsasabi ...

Huwag na huwag magsinungaling!" kanta nito at hiniwa ang tiyang ni Niko gamit ang Ax na dala nito.

Naliligo sa sariling dugo si Niko habang tumatawa naman ang taong nakamaskara sa kanyang ginawa habang may tumutulong luha sa kanyang mga mata. Nagtalsikan din ang kanyang puting mascara ng dugo na nagbibigay saya sa kanya.

"one down" sabi nito ay nagsimulang maghanap ng ibang kaibigan ni Niko habang mahigpit na hinawakawan ang kanyang pinakamamahal na palakol. 

Niko's POV (the confession)

4 years ago

Ito ang unang araw sa paaralan at kasama ko ang aking pinakamamahal na girlfriend si Beatriz. Magkahawak kamay kaming naglalakad sa school ground papunta sa canteen para makita ang aming mga kaibigan.

Nang nahagip ng paningin ko ang isang babae na nakangiti sa isang lalaki na kinihuhanan siya ng video, napakaganda niya at mala anghel ang ngiti niya.

Nang sumunod na araw nalaman ko na hinalikan ni James ang babaeng iyon habang si Carlos naman ay panay titig niya dito. Nalaman ni Bea na may pagtingin din ako sa babaeng iyon kaya palagi kaming nag aaway.

Isang araw nakita ko ang babaeng maganda na binubully nila Bea, galit na galit siya dito. Pati rin Aimee at Kate. Lumabas ang mga balita na isang bayaran daw na babae iyon at inaakit niya si James dahil anak ng may ari nang school.

Nalaman ko kay Kate na best friend ni Bea ang babaeng iyon, ang pinagtataka ko bakit niya binubully ang best friend niya.

November 25, may isang party na gaganapin ngayon gabi at may plinaplano sina Bea. Sumang ayon din naman sina James at Carlos dahil gusto nilang matikman ang babaeng iyon, nung una ayaw ko pero pinilit ako ni Bea.

"sige na, bae ito na ang last na bibubully namin siya. " sabi niya at kalaunan ay sumang ayon din ako.

Umabot na nang gabi at nakita ko na hinihila nila kate ang babaeng iyon papunta sa kagubatan malapit sa school. Nakita ko lahat nang ginawa nila at atat na atat kami na tikman siya. Oo, may pagnanasa din ako sa kanya dahil maganda din ang hubog ng katawan niya.

Nang mangyari ang inaasam namin hanggan sa nagsawa kami sa katawan niya, ngunit nang laban siya at agad kung kinuha ang baril sa bulsa ako at tinutok sa kanya.

Pero may gumagaw nito at siya mismo ang pumatay sa babaeng iyon, ngunit inagaw ko ito sa kanya. Nalaman ni Bea na ako ang pumatay ngunit kahit anong paliwanag ko sa kanya ayaw niyang tanggapin. Ito ang dahilan ng paghiwalay naming dalawa, nagdaan ang ilang taon ay sariwa pa rin sa aking isipan ang nagyari.

Carlos' POV

Narinig ko ang bawat sigaw at pagmamakaawa ni Niko sa taong nakamaskara, mangiyak ngiyak ako habang naririnig iyon. Gusto ko siyang tulungan ngunit natatakot ako, wala akong kwentang kaibigan. Pinangunahan ako ng takot, nandito ako sa kusina nagtatago. May kasama ako, napatingin lang ako sa kanya. Tulala siya at may malalim na iniisip hindi ko alam kung bakit niya ako dinala dito.

"dude, okay ka lang?" tanong ko sa kanya at madilim ang buong kabahayan ngunit dahil sa kidlat nagkaroon ng pa minsan minsang ilaw.

"okay lang ako. Carlos, may itatanong lang ako sa iyo." Sabi niya at tumingin ako sa direkcyon niya ko ako alam kung anong ginagawa niya dahil madili ngunit may naririnig akong kaluskos galing sa kanya.

Sa lahat ng kaibigan namin, kaming dalawa ay minsan lang magkausap. Di kasi kami ganon kaclose di tulad kay Nikon a parang kapatid na ang turingan namin.

"o ano man yun?" tanong ko pero di ko alam kung bakit kinakabahan ako. Parang may mangyayaring masama sa akin.

Narinig ko ang lamalim na buntong hininga niya, parang may problema siya.

"okay ka lang? mukhang may problema ka ah?" tanong ko sa kanya ngunit natahimik lang siya.

Pagod na ako at gutom, wala pa kaming kain simula nung dumating kami dito. Nagpapadagdag pa ang malakas na ulan kasama ang kulog at kidlat ang takot na nararamdaman ko. Matagal nangyari ang kasalanan namin pero bakit ngayon pa naniningil si katamatayan. Ginawa ko ang lahat para takpan lahat ng nagyari pero bulilyaso pa rin at ito ang kinahihinatnan ng buhay namin. Napangiti na lamang ako habang iniisip iyon pero agad din napawai dahil sa tanong niya.

"takot ka bang mamatay?" tanong niya. Napalingon ako sa diretsyon niya, anong klaseng taong yan.

"oo takot akong mamatay, gusto ko pang mabuhay." Sabi ko

"eh di sana inisip mo yan bago mo yun ginawa" sabi niya

Kasabay ng malakas na kulog at kidlat nakita ko siya nakatayo sa aking harapan habang hawak hawak ang matulis na palakol at sinusuot ang puting mascara. shit!

"tara simulan na natin to."

-END-

Please

Comment

Vote

Thank you!

Hide And SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon