Epilogue

63 5 2
                                    

Claire's POV

Nakatulala lang ako habang nakaupo sa upuan dito sa station ng mga pulis, hindi ko na alam ang nagyayari sa aking paligid. Hindi ko rin alam kung okay ba si Josh o hindi, tumutulo nanaman ang aking mga luha kapag naalala ko ang mukha ni josh.

Panay tanong ang babaeng pulis sa akin tungkol sa nangyari sa bahay, pero kahit isa sa mga tanong niya di ko sinagot.

"Claire" napatingin ako sa taong may ari ng boses at tuluyan na akong umiyak nang makita ko siya. Agad naman niya akong niyakap.

"shhh.. Claire, nandito na si kuya. Wag ka nang umiyak." Sabi ni kuya Alexander habang niyayakap ako.

Kahit saan man sia magpunta palagi lang akong nakabuntot sa kanya habang hawak ang kanyang kamay. Natatakot ako na baka mawala ulit ako at mawala lahat ng to.

Kinakausap niya ang babaeng pulis kanina tapos umalis kami para umiwi.

"Claire, nag alala ako. Nang narinig ko ang balita tungkol sa iyo. Agad kong tinawagan ang mommy mo at daddy mo na ako ang bahala na mag uwi sa iyo total malapit lang ang bagong tirahan ko dito." Sabi ni kuya habang nakatingin lang ako sa harapan.

Ito na ang katapusan ng lahat na hinanakit na nararamdaman namin. Pwede na kaming mamuhay ng maligaya at mapayapa.

Third Person's POV

Pitong buwan na ang lumipas, nag iisa lamang nakatayo si Claire sa puntod na ngayon nya lang nabisita dahil hanggan ngayon di niya matanggap ang pagkamatay nito. Unting unti naman tumutulo ang luha sa kanyang pisngi.

"sorry, kung ngayon lang ako na ka punta. Busy kasi ako sa school." Sabi niya at umihip ang malamig na hanagin dahilan upang makaramdam ng malig sa katawan si Claire.

Panahon ngayon ng taglamig dahil magpapasko na. niyakap ng dalaga ang kanyang sarili at umupo ito lupang kanyang tinatapakan.

"alam mo. Miss na miss kita. Miss ko ang ngiti mo, ang tawa mo, ang lahat na nasa iyo." Saad ng dalaga sabay himas sa lapida nito na nakaukit ang pangalan ng taong napakahalaga sa kanya.

Parang niyakap siya ng hangin habang sinasabi ang kagatang iyon, di pa kasi makapaniwala si Claire na wala na ito. sa pitong buwan na lumipas iyak at pighati ang kannyang naramdaman. 

Pinahid niya ang mga luhang tumutulo sa kanyang pisngi nang naramdaman niya ang mainit na yakap mula sa kanyang likuran.

"umiiyak ka na naman eh" sabi ni Josh habang nakayakap kay Claire.

"eh kasi naiiyak ako eh pagnakikita ko si ate eh." Sabi ni Claire

"hi po, ako po si Joshua Lim, boyfriend po ako ni Xia. Promise po aalagaan ko ang bunsong kapatid nyo." Sabi ni Josh habang tumatawa si Claire.

"tumigil ka sa kaka PO mo Josh, hindi naman matanda si ate Xandra eh. Isang buwan lang ang agwat namin. Hahaha" sabi nito sabay tayo at ganon din ang ginawa ni Josh.

"sorry naman. Hehe, tara baka naka simangot na naman si Jake kahihintay sa atin sa mall." Sabi nito at sabay silang umalis.

Nakangiting pinagmamasan ni Claire si Josh habang nagmamaneho, hindi kasi siya makapaniwala na buhay ito matapos itong barilin ni Aimee. Nang dinala ito sa hospital, nagkaroon ito ng tansyang mabuhay. Nakita din ng ibang pulis ang katawan ni Jake na humihinga at agad din nila itong dinala sa hospital.

Masaya siya dahil buhay ang mga ito, ngayon tapos na ang larong sinimulan nila at maninirahan na sila ng mapayapa.

Sa kabilang banta, napakamot ng uli si Detective Mark Asuncion dahil isang malaking misteryo sa kanya ang nangyari pitong buwan ang nakakalipas. Tungkol ito sa Hide and Seek Murder case, nasa sanitarium siya habang hinihintay ang nurse na ihatid siya sa kwarto Number 1125.

Ang kwarto kung saan ikinulong si Aimee Jane Martin, gusto niyang personal na kausapi ang dalaga tungkol sa nangyari sa kanila sa vacation house ng Acuna sa Palawan. Makikita mo sa pasilidad na ito ang putting pintura, at napakalinis nitong tingnan.

Napansin ng detective na nagmamadali ang mga nurse at mga gwardya, hinila niya ang kamay ng isang nurse. Makikita mo sa mukha nito na balisa at takot ito.

"anong nagyayari dito?" tanong ng detective.

"nakatakas si 1125, ngunit bago pa man siya makaalis may iniwan siyang sulat. Pasensya nap o pero kailangan ko pong magmadali." Saad nito at tumakbo, may nahulog na pirasong papel sa nurse.

Pinulot ito ng detective, nang buksan niya nag pape, napapikit lang siya sa kanyang nabasa ito makikita din na ang ginamit na pangsulat nang taong ito ay ang kanyang dugo. Sariwa pa ito at mukhang matatagalan pa bago niya malutas ang misteryo sa kasong kanyang hinahawakan.

Papatayin ko kayo! Maglalaro pa tayo ng habulan! Ready? 

-THE END-

thank you for reading my first story! i really really hope that you like it!

Hide And SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon