Chapter 17

37 4 1
                                    


Jake's POV

Nagising ako sa isang silid na madilim, hindi ko alam kung nasaan ako o kung ano man ang nangyari basta ang huling natatandaan ko ay magtatago na sana kami ni Claire nang biglang may tumama sa ulo ko dahilan upang mawalan ako ng malay. Napahawak ako sa ulo ko, damn ang sakit pa rin.

Shit! Si Claire, kailangan kong mahanap siya. Baka paano siya, alam kong takot na takot siya dahil na nangyari tapos namatay pa yung isang kaibigan namin na si Van at wala akong alam kung buhay pa ba ang iba kung kasama dito sa bahay o baka umalis na sila at iniwan kami?! Nakakabanas.

"arghh." May narinig akong daing at medyo malapit lang sa akin. Agad ako nakaramdam ng takot dahil baka ito yung killer na gustong pumatay sa amin.

"ang sakit ng ulo ko, arghh!" saad nito pero pamilyar sa akin ang boses nito. Teka ba si—

"Josh?" sabi ko para makuha ko ang atensyon niya.

"tang ina! Sino ka?! Papatayin mo ba ako?!" sigaw niya. Confirm si Josh nga.

"tanga! Si Jake to! Okay ka lang?" tanong ko at tumayo upang makapalit sa kanya.

"tae, ang sakit ng ulo ko? Teka nasaan tayo?" nagtatakang tanong niya, nang makalapit ako sa kanya tinulungan ko siyang tumayo.

"tara, labas na tayo dito. Kailangan nating makalabas at makahingi ng tulong." Sabi ko.

"teka, Jake. Si Claire kailangan nating mahanap si Claire." Sabi niya at tumango lang ako.

Nang makalabas kami, nalaman namin na nasa storage room kami dito sa may kusina. Dahan dahan kaming lumakad ni Josh kasi natatakot kami na baka mahanap kami ng killer at patayin kami. Pero habang naglalakad kami, nakaramdam ako ng kung ano sa inaapakan ko. Parang may tubig at kung anong malagkit ang tinatakapan ko samahan mo pa nang mabahong amoy.

"shit! Ano naman tong natapakan ko! Ang baho!" singhal ni Josh.

"josh, pwede ba mamaya ka na magreklamo dyan. Tumahimik ka baka marinig tayo ng killer at patayin tayo." Mairing na bulong ko sa kanya.

"hmp. Si Kate ang killer for sure or di kaya si Aimee. Nasa dalawa lang yan." Sabi niya.

Nang nakita namin na sinaksak ni Aimee si Van, nagkaroon ako ng ideya na baka siya rin ang killer. Pero bakit? Ano naman ang dahilan niya? Dahil nanaman ba ito kay James? Lingtek na lalaking iyon, kundi ko lang naging kaibigan matagal ko nang sinapak yon.

"time out muna, pahinga muna. Please." Sabi ni Josh. 

"baliw ka ba?! Dito mo pa naisipan magtime out eh ang baho dito?!" asik ko sa kanya. Totoo naman ah! Ang banyo. Ewan ko ba kung bakit.

"eeehhhh, tiisin mo na muna yung baho Jake." Parang bading na saad ni Josh

"hoy! Tumigil ka! Para kang bading! Yuck!" sabi ko.

"sinong bading?! Gagu ka ba?!" aakma niya akong susuntukin nang makarinig kami ng putok nang baril at isang sigaw kasabay nito ang pag ilaw ng buong bahay.

Sabay namin nitingnan ni Josh ang paligid at nalaman namin na nandito kami sa kusina pero ang mas lalong nagpabigay sa aming ng kilabot ay ang tinapakan namin.

Base sa nakikita ko, pamilyar ang suot niyang damit. Narinig ko na dumuwal si Josh kung saan, dahil ang nitapakan namin ay ang nagkalat na parte ng katawan ni Carlos.

Aimee's POV

Iyak ako nang iyak sa harapan ni James at wala akong pakealam kung ano man ang sabihin nang iba sa akin, sa pagmamahal ko kay James. Oo, magpinsan kami. Alam na alam ko iyon at lagi niya itong sinasabi pero panay ang pagtangi ko at lagi ako nagbulag bulagan sa mga sinasabi niya. 

Ang tanging gusto ko lang naman ay mahalin niya rin ako, alam kong bawal pero kasalanan ba ang magmahal? Nagmahal lang naman ako pero bakit? Bakit sa pagkakataong ito, hindi masuklian ang pagmamahal na ibinigay ko.

"James, I don't care kung magpinsan tayo basta mahal kita!" sigaw ko sa kanya upang maramdaman niya na sa pagsigaw ko ay mahalin niya rin ako.

Si James lang ang taong nandiyan sa tabi ko, sumusuporta sa kagustuhan ko at ayako kong mawala siya sa piling ko. Gagawin ko ang lahat maging akin lang siya at ako lang ang mamahalin niya. Kahit patayin ko ang lahat na babaeng nagkakagusto sa kanya o ang babaeng gusto niya. Kaya kong dungisan ng dugo ang mga kamay ko alang alang lang sa pagmamahal ko sa kanya.

"stop this, Aimee" seryosong sabi niya pero imbis na sumagot ay niyakap ko lang siya.

Mahigpit na yakap, ayaw kong malayo sa kanya. Mahal na mahal ko siya at ikamamatay ko kung mawala siya. Siya ang buhay ko at magsisi ang taong aagaw sa kaya mula sa akin.

"mahal na mahal kita." Umiiyak na saad ko kanya. 

Na sana ay maramdaman niya, kahit konti lang. kaya kong kalimutan ang lahat basta mapasaakin lang siya. Kaya kong ipaglaban ang pagmamahalan namin para lang makasama siya. Ngunit ang tugon niya sa aking sinabi ay iba, tuluyan na akong nawala sa sarili.

Ito ba ang isusukli niya matapos ko siyang mahalin ng buong buo na halos gawing kong halimaw ang sarili ko! Ito ba! Ano pa ba ang kulang?! Dahil lang ba magpinsan kami?!

Galit, galit ang naramdaman ko nang titigan ko siya. Wala na akong nakitang pagmamahal sa kanyang mga mata.

Dahan dahan kong kinuha ang kutsilyo sa aking hita, habang nakatingin sa kanyang mga mata. Ang mga mata nang mahal ko, sana bago mo sinasabi ang mga salitang iyon binitawan naisip mo na kayang kong pumatay nang iba, paano nalang kaya kung ikaw. Gumuhit ang isang ngiti sa aking mga labi nang akama niya akong itulak ulit agad kong tinusok ang kutsilyo sa tagiliran niya.

Nakita ko kung paano nang laki ang kanyang mga mata dahil sa gulat at sakit. Dahan dahan niyang napaupo habang ako ay nakayakap pa rin sa kanya. Kinuha ko ang kustilyo at sinaksak sa kanyang puso. Lumabas ang dugo sa kanyang bibig at puso. Hindi ko alam pero nakikita ko ang sarili kong hinahalikan siya habang ang kanyang mga mata ay unti unting pumikit at ang mga luha ko ay umaagos sa aking mga mata.

"kung hindi ka mapapasaakin, walang ibang babae ang magmamay ari saiyo." Kasabay nito ang pagwala ng kanyang buhay.

Agad akong tumayo at hinayaan ang kanyang katawan na nakahiga sa sahig. Pumunasan ko ang aking mga luha at lumabas sa kwarto. Pero may napatid akong matigas na bagay at nang nakaroon ng liwanag dahil sa kidlat, nalaman ko na palakol pala ito. may bahid pa itong dugo. Napangisi nalamang ako at kinuha ito.

Ngayon kailangan kong hanapin ang bwisit na si Beatriz at papatayin siya, bumaba ako sa second floor at nasa sala ako. Tahimik ang buong sala, ngunit may narinig akong kanta kung saan. Agad ko itong sinundan, nakakakilabot ang narinig kong kanta. Parang twinkle twinkle little star ito ngunit iba ang lyrics.

Sa isang pinto, dito ko narinig ang kanta. Pamilyar ang boses na kung sino man ang kumakanta. Binuksan ko ito ngunit nalock. Shit! Napasinghap ako nang makarinig ako nang putok nang baril sabay nito ang pag ilaw nang buong bahay. Ginapamit ko ang palakol para mabukasan ang pinto hanggang sa masira ang door knob at agad akong bumasok.

Tumigil ang oras ko nang makita na dahang dahan nahuhulog sa sahig ang katawan ni Kate habang ang babaeng sa likod niya ay nakangisi lang. Muling bumuhos ang aking luha at nangingig sa galit ang buo kong katawan, hindi ako pakanapaniwala sa ginawa niya. Hayop siya! hindi niya dapat pinatay si Beatriz! ako! ako dapat ang papatay sa kanya!  

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!! Papatayin kita!"

-END-

Please

Comment

Vote

Thank you!


Hide And SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon