Chapter 9 (heartbeat)
Nangatog ako sa narinig kong putok ng baril. Dahan dahan akong nagmulat ng mata at nakita ko na walang kahit sinong nasaktan.
Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Theodore na nakataas ang kamay na may hawak ng baril.
"Pag hindi pa kayo umalis sa lugar na to ngayon sabay sabay tayong huhulihin ng mga pulis" sabi nya na agad namang nagsink-in samin.
Hinila ako ni Axel at inilalayan dahil sa hindi ko makontrol na panga-ngatog ng katawan ko. Tulala ako at wala akong ibang maisip na matino dahil sa mga nangyayare. Akala ko mamamatay nako! Hindi ko akalaing dadating pa si Theodore para mabigyan pako ng pagkakataong mabuhay. Inilalayan ako ni Axel na makalabas ng Building pero may naalala akong tao na dapat hindi ko iniwan sa loob. Alam kong hindi nya na ako tatawagin pang anak pagkatapos ng araw na to pero tatay ko padin sya.
"Si Dad? Asan na si Dad?" Nangkakagulo ang lahat dahil sa naririnig naming mga sirena ng mga pulis. Napatingin sakon si Axel na may patataka. "T-teka axel! si Dad!" I looked back at nakita ko si Dad na nakatayo sa lugar na pinag-iwanan ko sa kanya. Tulala sya at tipong wala sa sarili. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak ni Axel sakin at saka ko madaling pinuntahan si Dad.
Hinila ko si Dad sa braso pero hindi ko sya mahila kasi ayaw ng mga paa nya na sumama sakin
"DAD TARA NA!"
Hindi nya parin ako pinapansin at tulala parin sya. Nakatingin lang sya ng diretso at nararamdaman ko ang pagtama ng dalawang mga ngipin.
"DAD PLEASE! KAHIT NGAYON LANG MAKINIG KA NAMAN SAKIN!" tumingin sya sakin at kinakabahan na ako ng matindi dahil sa tingin at sa nariring kong sirena ng mga pulis.
"DAD PLEASE?" Malakas pero mahinahon kong pag-yaya sa kanya
Lumakad si Dad at gayun namang inalalayan kami ni Axel. Nakita ko si Jaycee at Joshua na inaalalayan si Rian. And daming gugong nawala kay Rian at ang putla na nya. Agad kaming sumakay ng kanya kanya naming mga kotse, dinala ko si Dad sa kotse nya dahil wala rin naman akong dalang sasakyan. Kinuha ko yung susi at saka nagsimulang pinaandar yung kotse ni Dad. Wala kaming imikan sa loob ng kotse hanggang sa makarating kami sa bahay at naoansin ko na may dalawang sasakyan ang patuloy na sumusunod samin ni Dad. Si Axel at si Theodore.
Pumasok ako sa loob ng bahay at inalalayan ni Yaya si Dad at dinala sa kwarto. Agad naman akong umakyat sa kwarto ko at Kinuha ko yung malaki kong Bagpack at nilamanan yun ng mga damit na madalas kong ginagamit
Hindi tama na mag-stay ako ngayon sa bahay na to. Alam kong nang-gigil pa si Dad sakin at hindi ko alam kung anong kaya nyang gawin sa anak nya. Kanina habang nakatutok sakin ying baril na hawak ni Dad, gusto ko nang matapos lahat pero hindi ko pa pala kaya. Ayoko pang mamatay.
Nilagay ko sa bag ko yung Laptop ko. Yung Uniforms ko. Yung Credit Cards ko tsaka yung mga kailangan ko pang magamit ng mga ilang araw.
I run fast palabas ng bahay at akala ko umalis na yung dalawang ungas na sumunod samin kanina pero nagulat ako ng makita sila sa labas ng bahay namin.
"Axel? Theodore? Ano pang ginagawa nyo dito?" Tanong ko sa dalawang lalake na nag-aantay sa labas ng bahay namin
"San ka pupunta??" Pabalik na tanong naman ni Theodore.
"Aalis" sagot ko naman
"San ka naman pupunta?" Tanong naman ni Axel na may-lungkot sa boses nya. Pag-naririnig ko syang magsalita feeling ko awang-awa sya sakin. Do I look like pitiful?
"Kela Rian muna siguro" sabi ko naman. Saka nagsimulang maglakad palabas ng Village.
"Ihahatid kita dun Alex!" Offer naman ni Axel
BINABASA MO ANG
PRETTY OVERGUN (Wattys2017)
AksiyonIt is about a Girl named ALEXIS VOUX na anak ng isang Governor. Even though his father is a Goverment official, Isang Illegal personality din yung Dad nya aswell. Ironically, his dad is serving the nation but nilalabag din ng dad nya ang law at the...