ako nga pala si SARAH MENDEZ, fourth year college na ako, at kumukuha ng CIVIL ENGINEERING sa Saint Vincent University, isa ako sa mga napipisil na maging Suma Cumlaude sa aming paaralan, kahit papano masaya na ako at biniyayaan ako ng ganitong utak, hindi ako pinanganak na matalino, nakuha ko lang siguro sa pagbabasa at pagtitiis, bukod kasi dito sa talinong taglay ko wala na akong maipagmamalaki pa..
hindi nga ako masyadong napapansin dito, invisible ako rito, pero tanggap ko na, sanay naman na ako eh, hindi kasi ako palaayos sa sarili ko, bukod sa baduy na may suot pa akong makapal na salamin..
at ngayon nga ay nakaupo ako sa isang bench, na malayo sa madaming tao, first day of school.. sa wakas at makakapagtapos narin ako, kahit papano makakahinga na ng maluwag luwag ang aking mga magulang, hindi kami mayaman, masasabe ko na middle class lang lami.. nagbabasa ako ng paborito kong horror book, ng may biglang nagsigawan sa may di kalayuan.
hindi na ako nagabala pa kung sino ang dumating, dahil alam ko na na ito si KURT DELA CRUZ, pamangkin ng may-ari ng school, at captain ball sa basketball, oo siya ang heartthrob ng buong school, siya lang naman ang nakakagawang pakiligin at maging wild ang mga babae sa buong school eh..
GIRL1: hi kurt! kamusta ang bakasyon mo?
narinig kung sabe ng isang babae, natawa lang ako, ano bang meron ang lalaking yan? bukod sa playboy na, at puro yabang lang ang alam..
GIRL2: ang gwapo mo parin..
dinig ko pa sabe ng isang babae kahit malakas ang hiyawan ng mga babae, natawa lang ako..
hindi nag-iisa si kurt, kasama niya ang dalawa pa niyang kaibigan, na kagaya niya eh mga heartthrobs rin. ang tatlong yan ang pinakanapapansin sa team nila, at magkakapareho pa sila ng course.. kumukuha sila ng ACCOUNTANCY.
patuloy parin akong nagbabasa, dahil mamayang 9:00 pa naman ang simula ng klase ko.. ng biglang lumapit ang grupo nila kurt saakin, nakasunod parin ang mga babaeng nagkakandarapa sa mga ito.. sinirado ko na ang libro, dahil nabwibwisit ako dahil maingay na..
kurt: hi miss nerdy
jayson(kaibigan ni kurt): hindi siya nerd pare, weird..
nagkatawanan silang tatlo, nabwisit ako kaya tumayo na ako para humanap ng mas tahimik na lugar.
ryan: oh hindi namin sinasadya na abalahin ka sa binabasa mong, ano nga ba yan? hahaha!
sarah: wala ka na dun, pwede ba sabihin niyo sa mga babae niyo na padaanin nila ako?
kurt: hahahaha! hindi ka parin nagbabago miss, masungit ka parin, simula 1st yr tayo, ang sungit sungit muna.. hahahaha!
nagkatawanan nanaman sila..
sarah: wala kasi akong panahon sa mga bagay na walang kwenta, kausapin niyo ako kung tungkol sa pag aaral hindi para s kayabangan, excuse..
inirapan ko sila bago ako lumakad palayo, narinig ko pa ang mala demonyo nilang tawa!
oo totoo yun, simula nung 1st year kami, tinatangka nila akong kausapin, pero makita ko palang pagmumuka nila, nabwibwisit na ako..
BINABASA MO ANG
The Genius and The Heartthrob
Teen Fictionpano nga ba mabubuo ang love sa isang genius na kagaya ni SARAH MENDEZ na walang ibang inatupag kundi ang mag-aral ng mag-aral at, ang tanging mga kaibigan ay ang kanyang mga libro.. at si KURT DELA CRUZ na walang ginawa kundi ang magpalit ng magpal...