Chapter 7

1K 29 0
                                    

gusto sanang patapusin ni sarah ang laban, pero may narinig niya ang usapan ng mga kababaihan sa left side niya, siya nag topic, narinig niya ang isang babae..

girl1: diba sis, yan yung feeling na babaeng laging inaaway ang kurt natin?

girl2: yeah sis, lakas din naman ng loob niya no?

tawanan sila, akala nila hindi ko naririnig?

girl3: buti sana kung kagandahan, pangit naman hahahaha!!

hindi ko na kayang dinggin pa ang panglalait nila, kaya kahit gusto ko man na tapusin ang laban na yun, umalis nalang ako, hay mahirap talaga kung outcast ka, ano ba kasing naisip ko at kinalaban ko ang isang sikat na tao.. naupo nalang ako sa bench. dinig ko parin ang hiyawan ng tao sa gym. napabuntong hininga nalang ako. nakita ko sila abby at jenny.. umupo sila..

abby: pwedeng makiupo? (nagsmile)

ako: sure (smile back)

pinatong nila ang bag nila sa mesa, at umupo..

jenny: wala ka bang friend? lagi ka kasing nag-iisa eh 

ako: wala (tipid kung sagot habang nagbabasa ng paborito kung libro)

abby: (tumikhim) pwede mo ba kaming maging friend?

tinignan ko silang pareho, nagtinginan sila at yumuko. sinarado ko yung librong binabasa ko.

ako: wala naman akong nakikitang masama kung magiging kaibigan ko kayo. (pormal kung sabe)

jenny: talaga? (masigla at nakangiti niyang sabe)

ako: oo naman..

at dun na nga, nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan.. kung kailan last year ko na dito sa school dun pa ako nakahanap ng mga kaibigan..  nagkwentuhan kami ng nagkwentuhan..

jenny: alam mo sa totoo lang? matagal ka nanaming gustong lapitan, kaso wala kaming lakas ng loob, kasi sa totoo lang, nakakatakot ka.. no offense

natawa ako sa tinuran ni jenny..

ako: ganun na ba ako nakakatakot? hahahaha!!

abby: oo, nakakahiya kasi, pero alam mo? matagal ka nanaming hinahangaan, ang talino mo kasi super, pag exams nga, lahat na kami hndi na alam ang uunahing reviewhin, habang ikaw nakaupo lang sa sulok at hindi kumukibo..

natawa nalang ako hahaha! nakakatawa pala sila eh ^_^

jenny: hindi nga namin alam kung pano ka nakakasurvive ng mag isa mo lang, kung pano mo nalagpasan ang tatlong taon mo dito sa college, ng walang kaibigan, kausap

tawa ako ng tawa sakanila, cool naman pala sila eh.. ang hindi ko alam, mata palang nakasubaybay saamin..

KURT's POV

pagkatapos at pagkatapos ng game nila kurt, ay naglibot siya, hinahanap niya si sarah, oo mahal na niya ang dalaga, yung babaeng baduy at weirdo na yun. natatawa siya sa naisip niya, "love is blind" nga talaga, hahaha! ay hindi, maganda si sarah..

hanggang sa nahanap na niya ang dalaga, kausap niya ang dalawang pang nerd na si jenny at abby.. napangiti siya sa nasaksihan niya.. si sarah, tumatawa ng buong puso, hindi niya maitatanggi sa nasasaksihan niya ngayon na mahal na nga niya talaga si sarah, at maganda siya, may mga ilang hibla kasi ng kanyang buhok ang nawala sa ayos at ngayon nga ay nahahangin, habang tumatawa..

ngayon lang niya nakita na ganito kasaya si sarah, napapansin na niya ito noong first year college palang sila, noon pa man ay ganun na ang ayos ng dalaga, walang pinagbago, at noon pa man ay iniirapan na niya ako, at sumisimangot kapag nagkakasalubong sila, natatawa siya, kasi noon palang pala ay makikita na niya na kinamumuhian siya ng talaga, too bad, at talagang ang babaeng gusto pa niya talga ang namumuhi sakanya, okay lang sana kung ibang babae wag lang si sarah..

naisip tuloy ni kurt, ano kaya ang feeling ng siya ang nagpapatawa sa dalaga, nagpapangiti, at nagtatanggol.. pero kabaligtaran ang nangyayari, siya ang dahilan kong bakit sumisimangot ang dalaga, at laging inaapi ng ibang estudyante.. tsk! ano ba ang nangyayari!

The Genius and The HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon