mabilis na lumipas ang araw, at october na, magkakaroon nanaman ng event ang Saint Vincent University, taon-taon ito ginaganap, kung saan magtatagisan ng galing sa sports ang mga mag-aaral, as usual out of place nanaman si sarah, kasi maski isang laro ay wala siyang alam..
kasabay ng paglipas ng araw, napapadalas ang pag-aaway ni sarah at ni kurt, tama nga ang mga kaibigan ni kurt, nahanap na niya ngayon ang katapat niya, at sa katauhan pa ng, weirdong babae na to. hindi talaga makapaniwala si kurt sa mga mangyayari..
habang tumatagal rin ay nakikita na ni sarah ang paglala ng tumor ng kanyang ama, mahirap man, ay kakayanin nila, dahil kung panghihinaan sila ng loob na mag-anak, san kukuha ng lakas ang kanyang ama para ipagpatuloy ang paggagamot, dahil nga sa hindi kami mayaman, nagpasya akong maghanap ng trabaho, para makatulong ako sa pinasyal na problema kahit papano..
habang nanonood ang mga ilang sa ibat-ibang klase ng palaro, andito si sarah nagbabasa ng horror book, na hiniram pa niya kay abby nung nakaraang araw, may sarili siyang mundo, wala siyang pakialam, basta nagbabasa siya ng horror, asa iba siyang mundo..
3 oras na ang nakakalipas, at natapos na ni sarah ang libro, hindi naman kasi siya gaano kakapal, ngunit maganda.. wala ng gagawin si sarah.. nag isip siya.. maglilibot muna siya, at kung san siya dalhin ng paa niya, dun siya..
dinala siya ng kanyang mga paa sa gym, kung saan basketball ang nilalaro doon.. nagtataka siya kung bakit siya andoon.. tatalikod na sana siya ulit ng nakita niya si kurt na, nacorner ng tatlong lalaki sa kabilang team, hiyawan ang mga babae! hmm.. wala naman sigurong masama kung manonood ako saglit hindi ba? :) umupo si sarah sa pinakamataas na bahagi ng bleacher..
KURT's POV
masaya si kurt kasi dumating na ang araw na pinakahihintay niya, magpapasikat nanaman siya para dumami ang mga taga hanga niya, pero sa dinami dami ng babae, pilit niyang hinahanap ang isang babae, na hindi na ata kumpleto ang araw niya pag di niya nakasumbatan ito. natawa siya sa naisip niya, 5 months na silang ganun.
second quarter na ng game, pero hindi niya parin nakita si sarah, naiinis na siya, siya ang nagpapanalo sa team nila, para saan ba at siya ang captain ball kung hindi siya magaling hindi ba? pero ang kabilang team, naisip ng couch nila na bantayan siya ng kanyang tatlong magagaling rin, walang magawa si kurt..
hanggang sa nakita niya sa mga naguumpukang mga babae, ang hinahanap niya, napangiti siya, tignan mo ang gagawin ko sarah, ng mapabilib kita sa galing ko. at yun nga! nagawa niyang makawala sa tatlong nagbabantay sakanya, naghiyawan ang mga tao..
last quarter na.. tinignan niya ulit sa pinakamataas na bahagi ng bleacher, kung saan doon pumwesto si sarah, pero hindi na niya makita, parang may kulang sakanya, parang nawalan siya ng lakas. nagpa sub. nalang siya.
nanalo ang team nila kurt, 79 . 61 ang score.. at dumami nga ang fans niya, kaya naglakad si kurt na parang boss, hiyawan ang mga babae, dahil talgang gwapo si kurt, may taas na 5'11, at makinis ang kanyang maputing balat, singkit at may killer smile, perfect din ang kanyang ngipin, at ang buhok niyang pang korean. sino ba namang babae ang hindi magkakagusto sakanya? pero isa lang ang pinagtatakhan ni kurt, bakit kinamumuhian siya ni sarah? ang babaeng lihim na niyang minahal noon paman, hindi niya alam kung kailan nagsimula. pero isa lang ang tanging sigurado niya, mahal niya ang dalaga.
BINABASA MO ANG
The Genius and The Heartthrob
Teen Fictionpano nga ba mabubuo ang love sa isang genius na kagaya ni SARAH MENDEZ na walang ibang inatupag kundi ang mag-aral ng mag-aral at, ang tanging mga kaibigan ay ang kanyang mga libro.. at si KURT DELA CRUZ na walang ginawa kundi ang magpalit ng magpal...