Chapter 12

1K 20 0
                                    

may kaguluhang nangyayari sa canteen ng school.. pinagtritripan ng mga estudyante sila jenny at abby..

tin: hoy kayo, diba kayo yung kaibigan nung sarah? 

tumango ang dalawa.. napapalibutan na sila ng mga estudyante.. andun lang sila ng bigla silang lapitan ng mga kababaehan, kung hindi sila nagkakamali ay mga myembro ng kanilang pep squad..

joy: at pareho niya ring, baduy, weird at pangit

tawanan ang mga tao..

tin: balaan niyo si sarah ha? wala siyang karapatan para pagsabihan na mayabang si kurt namin, ha! ang kapal ng muka niya kasing kapal ng salamin niya, ang pangit naman hahahaha!!

tawanan ulit ang mga tao, nakita at narinig ni kurt ang mga sinabeng yun ni tin, ang cheer captain ng kanilang pep squad, noon pa niya pinagpipilitan ang sarili niya kay kurt pero ayaw niya rito.. lalapitan na sana niya ng biglang tinulak ng isang babae si tin, at napaupo ito, at ang babaeng yun ay walang iba kundi si sarah, hiyawan ang mga estudyante

napangiti si kurt, kasi alam niyang kayang kayang ipagtanggol ni sarah ang kanyang sarili, at mga kaibigan niya, kaya hindi na siya nakialam, pero lumapit siya para pag dumami ang sila tin ay madali lang niyang maipagtatanggol ang dalaga, nagsalita si sarah.. 

sarah: ginagamit mo ang kagandahan mo para magpahiya ng tao at tapakan ang pagkatao nila?

The Genius and The HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon