tapos na ang unang araw ng pasukan, as usual binigyan na kami ng research paper, naglalakad ako pauwi saamin, malapit lang kasi, hindi ako katulad ng iba na kahit dalawang building lang ang layo ng school sa bahay eh sasakay pa.. hindi pa sila nasasayangan? 5 pesos din yun noh!
naglalakad ako sa loob ng campus wala pa kasi akong balak na umuwi eh, susulitin ko na, kasi lalayas na ako dito next year, ang bilis lumipas ng panahon kailan lang noong hindi ko mahanap ang room ko, at kailan lang nong kami pa ang pinakabata sa school..
maganda ang school. ito ang pinakamalaking school sa buong cabanatuan, maganda mag-aral dito, kasi presko, napapaligiran ito ng mga puno, kaya hindi ka pagpapawisan.. feel na feel ko ang maglakad sa may mga bench kasi mahangin, ng lapitan ako ng dalawa kung kaklase ko, pinakaclose kong kaklase pero hindi ko kaibigan. katulad ko ay nakasuot rin sila ng malalapad na salamin, kami ang laging binubully, kasi hindi kami palaayos..
abby: mag-isa ka nanaman? ang talino mo talaga, hindi ka nagpatalo sa propesor natin sa dabate kanina
ngumiti si abby ng malapad, may braces ito, ibig sabihin maluwang ang bibig, napasmile nalang ako.. kasi natutuwa ako sakanya, napakamasayahin niya
jenny: oo nga sarah, idol ka kaya naming dalawa ni abby
katulad ni abby, may braces din siya, para silang kambal, pati sa ayos magkapareho..
sarah: salamat, matalino rin naman kayo eh, nahihiya lang kayong tumayo hindi ba?
abby: baka kasi mali ang answer namin eh, pero pag tama ang answer ko at naunahan ako, ang sakit sa kalooban
jenny: ako kasi baka tawanan lang ako ng mga kaklase natin eh, may pagkaclumsy kasi ako
nagsad face ang mga ito.. napasmile lang ako..
sarah: alam niyo? wala namang mali sa mga sagot natin eh, lahat tama, kailangan mong magrecite kung alam mo, wag kang mahiya, mali man o tama at least nagtry ka diba?
abby: hindi kasi kami kagaya mo sarah na matapang kahit weird.. nagagawa mung pagtanggol yang sarili mo kahit magisa mo lang
ako: alam niyo kasi, kung hindi ka lalaban, habang buhay ka nilang maging libangan at-----
ng biglang may nagsalita na familiar na boses sa may di kalayuan yan tuloy nabitin
kurt: uy! nagsama ang tatlong weirdo hahaha!
kasama niya ang buong team ng basketball..
ako: tara na guys, may mga bacteria kasi na biglang sumulpot, baka dumikit pa saatin..
naghiyawan ang mga kasamahan ni kurt nagsalita ang isang kasamahan ni kurt...
*kurt bacteria ka daw oh hahaha, papayag ka nalang bang ginaganun?
tumayo si kurt at naglakad patungo sa amin. at tumigil sa mismong harapan ko, nahalata kong nahintakutan ang mga kasama ko..
kurt: sinong bacteria ang sinasabe mo miss? ako? kung magkaganun man ako ang pinakagwapong bacteria na makikita mo. pasalamat ka nga eh nakita mo ako.. at heto, kahit uod pa yan hindi didikit sayo!!
nagtawanan at naghiyawan ang mga kasamahan niya, kami na ang center of attraction ngayon, nakalimutan ko sikat nga pala si kurt, kaya wala pang 5 minutes ay napapalibutan na kami ng mga estudyante
ako: sabihin na nating gwapo ka nga, pero para saakin, isa ka lang ordinaryong lalaki dito sa campus na walang ginawa kung magpasikat, wala namang laman yang isip mo eh, kung hindi ikaw ang captain ball ng basketball bakit sisikat ka ba?
taas kilay kung sabe
naghiyawan ang mga estudyante, kasi walang gumaganun kay kurt, walang maylakas na loob, kaya nagulat sila, pati ako nagulat..
kurt: excuse me, kung walang laman ang isip ko kundi puro hangin, hindi ako magiging forth year student ngayon, edi sana puro bagsak-----
ako: pamangkin ka ng may ari nito
naghiyawan ang mga tao.. hindi nakasalita si kurt kaya sinulit ko ng umalis, hinila ko ang kamay nila abby at jenny at mabilis na linisan ang lugar..
tuloy tuloy parin ang hiyawan ng mga tao, narinig ko na sabe ni ryan kung hindi ako nagkakamali..
ryan: tol mukang nakahanap ka na ng katapat mo ha? wala ka pala sakanya eh, hahahaha kahit pala ganun yun palaban din pala hahaha, pahiya ka noh?
kurt: tumahimik kayo!! (malakas ang boses na sabe)
tinawag ako ni kurt..
kurt: hoy miss weirdo hindi pa tayo tapos, never pa akong natalo kahit kanino, at lalong hindi ako magpapatalo sa isang kagaya mo!!
kunwari hindi ko narinig, tuloy tuloy parin ako sa paglalakad..
BINABASA MO ANG
The Genius and The Heartthrob
Jugendliteraturpano nga ba mabubuo ang love sa isang genius na kagaya ni SARAH MENDEZ na walang ibang inatupag kundi ang mag-aral ng mag-aral at, ang tanging mga kaibigan ay ang kanyang mga libro.. at si KURT DELA CRUZ na walang ginawa kundi ang magpalit ng magpal...