REEVA'S POV
June 03, 2009
First day of school. Kagigising ko pa lang sobrang sira na ang araw ko.
Kaninong araw ang hindi masisira kung binuhusan ka ng kalahating balde ng malamig na tubig??? Alam kong mahirap akong gisingin pero sumosobra naman ata yun.
Sa galit ko kanina nasapak ko ang nagbuhos. Si kuya Raven.
Napabuntong hininga ako pagtingin sa wall clock ko.
8:40 pa at sobrang aga pa! kainis.
First day of school so expected na ang pagpapakilala ng klase sa lahat ng subjects kaya wala rin akong matututunan. So bakit ako magmamadali sa pagpasok?Tamad akong pumasok sa banyo at naligo.
Tattered jeans na faded at plain black tshirt ang sinuot ko. Dalawang pares lang ng rubber shoes ang meron ako, white at black. Pinili ko ang black shoes at isinuot ito. Kinuha ko ang aking acoustic guitar na nasa maliit na sofa ng aking kwarto at lumabas na. Hindi na ako nag-abalang pumunta sa kusina para kumain. Sanay na akong hindi nag-aagahan.
Fourth year highschool na ako ngayong taon. Kada taon ay naiiba ang section ko dahil nakadepende ang section namin sa aming general average sa previous year.
Napabuntong hininga ako pagpasok pa lang sa gate. Paano naman kasi,
kalahating kilometro pa ang kailangan kong lakarin para marating ang bulletin board!!! At tirik na tirik ang araw! P*ta!
Pawisan ako ng dumating sa may bulletin board sa gilid ng pintuan ng Principal's office. Nakapaskil na ang mga pangalan ng estudyante at kung anong section nabibilang. Section A-F ang meron kami sa Lightheart University. Hindi na ako nag abalang tingnan ang mga pangalan sa section A-E dahil alam ko namang sa section F ako. Hahaha.
Ganito kasi yon. Pag 92+ ang GA mo, sa section A ka. 88-91 section B, 85-87 section C, 82-84 section D, 80-81 section E, at 79 below ay section F.. At ang lola niyo ay may tumataginting na 77.4 na GA so alam niyo na kung saan ang bagsak ko hahaha.
At ayun na nga, pang number 38 at panghuli ang pangalan ko na nakalista sa section F.
Zafra, Reeva E.
Napatingin ako sa pintuan ng Principal's office na nasa gilid ng bulletin board nang bumukas ito.
Unang lumabas si Mrs. Mendoza na Principal ng school. Sumunod ang isang matangkad na lalaki.
A pair of hazel eyes met mine. Makapal at mahaba ang pilikmata nito na mas lalong nagpatingkad sa kulay ng kanyang mga mata. Thick eyebrows. Pointed nose. Strong jaw. Sexy red lips.
Bumaba ang tingin ko sa kanyang leeg. Gumalaw ang adam's apple nito. Tingin ko'y lumunok ito. My eyes travelled down to his broad shoulders, to his chest. Natatabunan man ito ng polo na suot nito ay alam kong matigas ang dibdib nito na halatang nag gygym. Napalunok ako.
Ito na yata ang pinakagwapong lakaki na nakita ko!! P*ta di ako makahinga!!
Bumalik ang mga mata ko sa mukha niya. A small smile formed his lips. Umakyat yata lahat ng dugo ko sa mukha. Siguro nakita niya kung paano ko siya pagnasaan!
Huminto pala sila sa paglakad dahil may tiningnan pa si Mrs.Mendoza sa bulletin board. Hindi ko man lang napansin na nasa harap ko na pala siya kaya ko nagawang suriin siya ng matindi kanina! Nakakahiya!
Agad akong napatakbo palayo para umiwas sa kahihiyan.
Habol ko ang aking hininga nang huminto ako. Napatingin ako sa room na nahituan ko. Nasa 4-D nah pala ako. Konting lakad na lang para makarating sa 4-F.
BINABASA MO ANG
The Last Lady Standing
Genç KurguHe love books. She loves music. He's the school's Sumpreme Student Council president. She's one of the school's bad ass. He's filthy rich. She's not. He's an epitome of perfection. She's a mess. Is there anyway to make their world meet?