Author's note
1. Nagmumura ang author
2. Nakakabitin ang UD
3. Mabilis mapikon ang main
character
4. Masama ang ugali ng authorSupport nyo po yung isa ko pang story which is "Owned". Lovelots!
SOMEONE'S POV
"Gising na!" Ingay na paulit ulit kong naririnig, sabay ng pagdilat ng aking mata'y bigla akong napatili ng makita ko ang kalendaryong bumungad sa aking harapan.
'Oo nga pala'
Ganon na lamang ang aking pagkadismaya.
"Oh anong oras na ah? Bakit ngayon ka lang bumangon, aba baka naman kelangan pa kitang sugudin dyan sa malagubat mong silid para lang gisingin ka! " pambungad ni Mama sakin.
At hindi na 'ko nakinig pa dumiretso na'gad ako sa cr upang maligo. Iniisip ko kung anong pwedeng mangyari ngayong araw.
'Sana hindi ako mapagtrip-an'
"Oh pavi?" Batid kong galing kay Mama ang tinig na yun, alam nyo bang sobrang lakas ng boses nya yung tipong ang normal na pagsalita nya eh bulong ko na.
Author's note:
Mavi- Mama
Pavi- Papa
(Yung Vi eh galing sa pangalan ng barkada ko.)
Tsaka maka-singit lang bakit ba? ^_^"Oh Klenklen, anong oras ang klase mo? Baka malate ka first day mo pa naman." Ani pavi. "Oo nga, atsaka bat ganyan iyang suot mo? May uniform ka na dun ah naihanda ko na yun nung isang linggo pa" dagdag ni Mavi.
"Ayoko nung uniform namin at isa pa first day ngayon pwede naman akong ma-late. Pwede din akong magcivilian kasi transferee ako diba po?" Sabat ko.
Alam kong hindi nila nagustohan ang pagsagot ko kaya nanahimik nalang kami hanggang matapos ko ang pagkain.
'Ito na ba yung school na pinapangarap nila Mavi't Pavi? Wala namang kakaiba'
Sa totoo lang hindi ko alam kung asan ang mga estudyante, walang katao tao tanging nakikita ko lamang ay iyong malalaking buildings at iyong malapad na field. Mali ba yung kalendaryo namin?
'Guard ba ng school yun? Matanong nga'
"Excuse me po Guard" magalang na pagbati ko "asan po yung mga--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla syang tumawa.
"Late ka na oh" sagot nya na iniling iling pa ang ulo. "Andun yung hall nandoon ang mga estudyante dahil may pa-welcome para sa mga freshman and transferees" malumanay na paliwanag nya.
"Ah okay thanks" tipid na sagot ko atsaka tinahak ang daang itinuro nya papunta sa Hall. Hindi mawala sa aking isip ang tinig nya ang weird lang, bat ganon sya umasta? Nang makarating ako sa hall eh automatikong natigilan ako at napanganga.
'Shet bat ang daming tao?'
Napakalaki ng hall at pakiramdamam ko ako lang ang walang kakikala. Dahil nga sa nahihiya ako, tutungo tungo akong naglakad hanggang makarating sa vacant seat. Hindi pa naman yata ako late dahil hindi pa nagsisimula ang pa-welcome kuno. Habang nakaupo at nagmamasid eh bigla kong naisip ang mga pangyayari simula ng magising ako.
Flashback
Tinapos ko na kaagad ang pagkain ko atsaka nag paalam kena Pavi't Mavi. Taka naman nila akong nilingon.
"Anong sasakyan mo anak?" Nag aalalang tanong ni Pavi
"Ah mag-je-jeep nalang po ako" sagot ko.
YOU ARE READING
He's Mine Until I Die (On Going)
RomanceShe's weird. She's Young. She's Dumb. Not Broke. He's Cool. He's Cute. He's Kind. Not Strong.