ZALEAH'S POV
Nang makalabas ako ng Hall eh suminghap na muna ako ng sariwang hangin saka naglakad. Teka ano nga bang number ng room ko? Eto nanaman yung sakit ko. R-r-room 17? Ah hindi room 18 nga pala. Asan na ba yun? Matapos ng nakakahilong paglalakad sa mainit na daan, hindi ko alam kung bakit ako naiinitin gayong nasa hallway naman ako, hindi ko na malayang nasa tapat na pala ako ng Room 18. Pinasok ko iyon ng nakatungo at gaya ng inaasahan eh pinagtinginan ako ng mga bagong kaklase ko. Naghanap ako ng bakanteng upuan at medyo maswerte na din dahil may natira pa. May natira pa mga bes.
Nagulat ako ng biglang magsitayuan ang mga kaklase ko, nakisabay nalang din ako at dun ko napansing may teacher na pala sa harap. Mukha syang mataray at strikta pero wala akong pake sa kanya. "Good Morning Class" tugon nung teacher sa harap. "Good Morning Teacher" sagot ng mga kaklase ko. "Take your seat" utos ni Ma'am. "Thank you Teacher" magalang muling sagot ng mga kaklase ko. Sabay sabay kaming umupo at nakipagramdaman sa isa't isa. "To those who don't know me, My name is Teacher Lissa Monton your new adviser for school year 2017-2018, mayroon tayong transferee, will you stand up, go here in front and introduce yourself" ani Teacher Lissa, batid kong ako iyong tinutukoy nya kaya agad akong tumayo with confidence naman na sa ngayon.
"Good Morning, my name is Zaleah Claine Xin Collins a transfer student from Sacred Milestone University" yun lang ang sinabi ko at nag dire-diretso nako hanggang makaupo sa bandang likuran at yumuko. Akala ko eh marami kaming transferee (s).
Discuss
Discuss
DiscussBigla akong nabuhayan ng marinig ko ang ring na senyales na tapos na ang klase at Lunch Break na. Dahil siguro sa pa-welcome kanina kaya isang subject lang eh break na kagad. Lumabas ako ng classroom na iyon at pumunta sa Canteen. Nararamdaman kong napakarami ng taong nakatingin sa 'kin pero hindi ko na sila pinansin. Ikinagulat ko ang biglang pagbagsak ko ang sakit ng balakang ko.
'What the hell was that? '
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko ang isang lalaking inaalay ang kanyang kamay. Hindi ko tinanggap ang kamay nya, tumayo ako at tinulungan syang damputin ang mga gamit nyang nahulog dahil sa banggaan namin. Ng mapulot ko ang mga iyon ay isa isa kong iniabot ang mga ito sa kanya, halos sketchpads ang mga ito. Isa syang matinong lalaking nakasalamin at nakasuot ng black na t-shirt siguro'y transferee din sya gaya ko. "Are you okay?"unang salitang naiusal nya. Naibalik ako neto sa wisyo. "Ah yes,how about you?" pagbabalik tanong ko dito. "Yeah, sorry nga pala di kasi kita napansin" sabi nya. Tinanguan ko nalang sya at akmang aalis ng hinawakan nya ang braso ko. May kung anong kaba akong naramdaman. "What's your name?" Napatulala ako sa kanya. "Hey!" Agaw pansin nya pa sa 'kin. "M-m-my name is Zaleah Claine" nauutal na sabi ko pa at medyo natawa naman sya kaya iniayos ko ang sarili ko ng bahagya "How about you?" Ibinalik ko lang ulit ang tanong sa kanya. "My name is Cx" nangingiting aniya. "Cx for real? What does it mean?" Takang tanong ko. "Give me your phone and you'll know" na syang ikinagulat ko. Anong akala nya sa'kin easy to get? Tsk tsk. Baka masapak ko lang sya neto. "Just give me your phone" pag uulit nya pa sa tanong. Wala sa sariling iniabot ko naman ito. Nag type lang sya it ibinalik sa' kin. "I'll see you around" ngiting paalam nya pa. Tiningnan ko sya hanggang sa mawala na sa paningin ko. Clark Xandro Guardian nothing special.
Inis kong ibinalik ang phone sa bulsa at naglakad papunta sa Canteen. Maganda yon at naninibago ako dahil ngayon ko lang nalaman na may gantong University dito sa Naujan. Di-aircon ang canteen, madaming tables and seats may for single person, two people at group. Pumila na 'ko at ng ako na "Set C po at isang sneakers and C2" masiglang tugon ko. "Humanap ka ng upuan at ise-serve nalang iyon sa iyo iha" at iniabot nya sakin iyong number 24 batid kong table number iyon. Naghanap ako ng upuan na para sa isang tao at ng makakita ako eh ngingiti ngiting naglakad ako papunta don. Hindi pa naman naise-serve iyong pagkain kaya naisipan kong kunin ang cellphone ko ng i-On ko ito may texts akong narecieve.
YOU ARE READING
He's Mine Until I Die (On Going)
RomanceShe's weird. She's Young. She's Dumb. Not Broke. He's Cool. He's Cute. He's Kind. Not Strong.