Chapter 13

10 5 0
                                    


Nagulat ako sa biglang pag bangon ni Iya.

Hindi ko alam ang gagawin dahil talagang seryoso ang kanyang mukha. Halos hindi mapinta ang inis at mas lalo akong kinabahan ng tumayo sya at pumunta sa harap ng salamin.

"A-a-ah diba may ball tayo Iya?"

"So?"

Hala ayan naman kasi City sinabi ng wag kang pumunta sa bahay nila kasi nga hindi sya pupunta dibaaaaa?

"Mag aayos tayo ng maaga. I came here, so it won't be a hassle. It's okay right?" Pinilit ko pa din ngumiti kahit na kinakabahan.

"Okay."

"Y-you mean sasama ka na?"

"Nandito ka na e"

Lumapit ako sa kanya atsaka ko sya niyakap.

"Nagsasalamin ka pala Iya?"

"Mmm"

Yeah. She's very weird.

"So bat di mo sinusuot sa school yang glasses mo?" Takang tanong ko talaga sa kanya.

"Akala ko ba may sense of fashion ka? Nagko-contact lens ako papuntang school" tuloy tuloy na ani nito ng walang lingunan man lang sa kin.

Nang lingunin ko sya ay abala na ito sa paghahanap ng damit. "Anong connect nun bessywaps?"

"Wala akong isusuot."

"I know right"

"What do you mean?"

"I bought this cocktail dress for my best friend" and I rolled my eyes on her.

Takang lumapit naman ito sa akin atsaka inagaw iyong bag na laman ang cocktail dress. Halata namang namangha ito at saka nakangiting tumingin ulit sa 'kin "Thanks!"

"Welcome! Mag shower ka na at mag aayos pa tayo." Nae-excite na sabi ko naman.

I really am exciteddddd!

"Okay, mag ayos ka na rin matagal ako maligo"

Zaleah's POV

Nagtataka ako sa sarili ko kung paano ako ganon kadaling mapapayag ni City. Malamang eh malulungkot at magtatampo sya kung sasabihin kong umuwi nalang sya dahil ayokong pumunta.

Mayroon kasi sa loob loob ko na ayaw at gusto. Ayaw ko dahil dun sa naglagay ng bouqet sa upuan ko at sa nagdikit ng card sa locker ko.

Hindi ba sila nahihiya sa ginagawa nila? Napakataas siguro ng confidence nila sa sarili kaya nakayanan nilang gawin yun.

Sa ngayon, nasa point ako ng buhay ko na hahayaan ko sila at hindi ko sila papapansinin.

Teka bat sila? Sigurado ba ako na hindi iisang tao lang ang nagbigay nun? Nakakabobo din pala ang pag-iisip no?

"Woi!! Matagal ka pa ba dyan? Kanina pa naghihintay yung bisita mo dun sa magulo mong kwarto ah este malinis na pala ngayon. In fairness ha? Buti nalang at naglinis ka! Naku kung nagkataon mapapahi--"

Hindi na natapos ni Mavi ang sasabihin ng bigla kong buksan ang pinto ng Cr. Halatang nagulat naman sya LALO ng ngitian ko ito.

"Klen klen sino ba yong magandang bata na yon?" Tanong sakin ni Pavi.

"Classmate ko po"

"Yon ba kamo yung bestfriend mo?"

"Opo"

"Oh sya asikasuhin mo na at baka naiinip na iyon kakahintay"

"Opo"

Umakyat na ako sa kwarto at gaya ng inaasahan, napakarami na ng nakakalat na gamit sa kwarto. Lalo na iyong mga alahas at pouches.

"Peace bes"

Nginisian ko lang sya, naupo ako sa harap ng salamin atsaka nya ko sinimulang ayusan.

He's Mine Until I Die (On Going)Where stories live. Discover now