Chapter 8

20 7 1
                                    

City's POV

Nagulat ako ng biglang magmadali si bessywaps sa pagpasok sa room.

**Bouquet spotted**

Ayun naman pala. Teka sino naman nagbigay nun?

Sumunod nalang din ako sa kanya. May hawak hawak syang card na syang inagaw ko naman.

"Ay oh ang ganda mo naman Iya may pa bokey ah? Kanino daw galing bes?"

"Try mo kayang basahin total na sayo naman yung card" sarkastikong tugon nito.

Kahit kelan talaga. Araw araw may regla tong pwend kong ito eh.

Tiningnan ko pa sya na ng aasar na paraan. "Oo ito na te! Can't wait na ba?"

At pagbukas.

"Ay te? Waley name. Ito lang oh I have always known it was you. "

"Tss"

Yun lang ang isinagot nya atsaka lumabas ng classroom.

"Hoy? San mo dadalhin yang bouquet?"

"Sa kotse!"

"What the heck?"

"Sa tingin mo ba kasya to sa locker?"

Napaka nga naman.

Mabilis naming narating ang parking lot.

"Hala te? Haggardo Versoza ampeg natin. Makatakbo ano kabayo te o Cheetah?"

Walang akong natanggap na sagot sa kanya. Habang may inaayos pa sya sa loob ng kotse nya eh nanalamin na muna ako sa kotse atsaka nag pulbos.

Pulbos at liptint lang sapat na hihi.

"Let's go?" Yaya nya pa sakin.

Sumunod naman ulit ako sa kanya. Dumaan na muna kami sa canteen atsaka sya bumili ng SNEAKERS. Nakakatawa talaga sya kasi hindi sya nauubusan ng tsokolate sa bag. Hindi pa nga ubos eh bibili nanaman.

Pumasok na kami sa classroom at gaya ng inaasahan ko eh andun na ang lecturer.

Zaleah's POV

"Good morning Teacher. Good morning classmates. Sorry I am late" nagsalita si City. Atsaka sya pinaupo ni Teacher Hermosa.

"Good morning Teacher. Good morning classmates. Sorry I am late" ginaya ko lang din ang sinabi ni City at sinenyasan naman ako nung Teacher na maupo.

May parte saking naiinis at nagtataka kung sino ang nagbigay ng bulaklak? At kung bakit walang pangalan? Anong pakulo yun? Bakit sa upuan ko pa nakalagay? Baka naman hindi sakin yun? Baka naman mali lang ng upuang nalagyan? Baka--

"Miss Collins?" Tawag pansin sa 'kin nung lec.

"Yes teacher?"

"Are you listening to me?"

"Ofcourse"

"So what am I trying to say?"

"You said Hussein's invasion of Kuwait in 1990 led to the U.S then led Persian Gulf war of early 1991" maayos na tugon ko naman dito.

Nangiti na muna si Teacher Hermosa bago nagsalita "Good. I thought you were busy imagining things" 

Mabuti nalang at nabasa ko yun kanina sa library. Ang totoo eh yun lang ang natandaan ko. Mabuti nalang at hindi na sya nagtanong ng kung ano pa.

Ang sumunod na mga subjects namin ay puro pasulat nalang ang pinagawa samin ng lec. Para daw may ma review kami ngayong weekends dahil idi-discuss nila iyon sa Monday.

Natapos na din ang lahat ng klase at dumiretso ako agad kay City.

"Matagal ka pa ba?" Tanong ko dito na animong inip na inip na sa paghihintay.

"Nagmamadali ka ba?

Natigilan naman ako sa tanong nyang yun.

"Masasamahan mo ba ako sa Guidance Office?"

Mas lalo kong ikinagulat ang tanong nyang yun.

"Anong gagawin mo dun?"

"Pinatawag ako ni Az."

"Okay"

Ganun na nga ang ginawa namin ng mailagay ang mga gamit sa locker eh dumiretso kami sa GO.

Pagkakatok na pagkakatok eh binuksan iyon ng isang babae. Si Katrina, nabasa ko iyon sa ID nya. Mas nagulat ako ng makita kong nandoon sina Teacher Monton at

R-r-rossel Kayla??

~~to be continued~~

He's Mine Until I Die (On Going)Where stories live. Discover now