Chapter 12

27 6 0
                                    

City's POV

Nagising ako sa lakas ng alarm clock.

'9 Am? Ang aga namang nag ring ng alarm clock kong to. Ano bang meron?'

Umupo na muna ako sa kama atsaka nag-isip kung bat ganoon ako kaagang nagising. At halos mahulog na 'ko sa kama ng maalala kong may induction ball nga pala kami.

Wahhhh! My heart

Nang maalala ko din na pupuntahan ko si Iya, inayos ko na ang mga dadalhin ko.

Make-ups? Check
Iron? Check
Pang kulot? Check
Ipit? Check
Earings? Check
Bracelets? Check
Necklace? Check
Shoes? Check
Cocktail dress for me? Check
Cocktail dress for Iya? Check

Yiehhhh! Excited na 'kong ibigay kay Iya itong regalo ko. Nung itanong ko kasi kung may isusuot na sya eh hindi ako naniwalang meron na, kaya binilhan ko din sya at saktong sakto ito.

Sana nga lang magustohan ito ng robot na yun. Sa tingin ko naman eh magugustohan nya. Magaling syang pumorma at laging bagay ang suot nya nung hindi pa sya nagu-uniform. Laging #oof HAHAHA.

Kumain na muna ako atsaka naligo. Nang maayos na lahat ay saka ko inilagay lahat ng gamit sa kotse. Bumalik lang ako sa kwarto ng maalala ko iyong card na galing sa bouquet ni Iya. Nang makadaan ako sa sala ay nakita kong nag aagahan na sina Mommy't Daddy.

Natigilan nalang ako sa paglalakad ng tingnan nila ako mula ulo hanggang paa. "Join us Cristine" pang-a-anyaya sakin ni Daddy.

"No thanks. I'm done"

"Where are you going?" Nagtatakang tanong naman ni Mommy.

"To my friend's house" sagot ko naman dito.

"So what's with the stuffs in your car?"

"May ball kami mamaya. Doon nalang ako mag-aayos sa bahay nila" naiinip na talagang sagot ko sa kanila. Nang hindi na sila sumagot eh saka ako umakyat sa kwarto upang kunin nga yung card.

Bumaba na ako at hindi ko na pinansin sina Mommy't Daddy, nagdire diretso ako sa aking sasakyan atsaka ito pinaandar. Alam ko na ang daan papunta kena Iya dahil last week ini-hatid ko sya doon matapos naming pumunta sa mall.

Wala pang halos bente minutos eh natunton ko ang bahay nila. Ang totoo kasi eh magkasunod lang kami ng Village. Natutuwa pa nga ako ng maalala kong bahay sana nina Iya ang bibilhin ni Dad noon. Maganda din kasi sya at malaki, second floor atsaka may malaking garahe, kulay krema ang pintura at mayroong apat na kwarto sa loob. Ipinark ko na muna ang kotse ko atsaka ipinindot iyong door bell.

~ding dong~
~ding dong~
~ding dong~

"Excuse me who are you?"

Tanong sa akin nitong matangkad, maputi at magandang babae. Mukhang kaedad lang namin sya.

Ate ba sya ni Iya? Wala naman syang nabanggit sakin?

"Si Iya po?"

"Woi! Ikaw ba si Cristine Limme?"

"Ah yes po"

"Ah pasok ka, lagi ka kasing kwini-kwento sa 'kin ni Klen klen"

'Klen klen? What the fck HAHAHAHA'

Itinuro nya ang daan papasok sa kwarto ni Iya at mas malinis pa iyon sa inaakala ko. Nakapatong ng maayos ang mga books. May mga nakasampay na damit sa talagang sampayan. Maayos ang cabinet at meron syang study table. May mga bags din sya nakasabit sa likod ng pinto, at maayos na nakalagay ang mga ito.

Natawa naman ako ng lapitan ko si Iya. Nakailang picture na 'ko sa kanya pero hindi pa din sya nagigising. Napatalon nalang ako ng mag ring ang alarm clock.

Napakalas naman ng tunog nito. Hahaha!

"What are you doing here?"

He's Mine Until I Die (On Going)Where stories live. Discover now