City's POV
Talagang naiinis ako sa Rossel Kayla nayun dahil akong pinalabas nyang masama sa GO. Ang totoo naman dun eh hindi ako ang may kasalanan kundi ang mga kaklase ko. Lahat kasi ng upuan eh inupuan nya maliban dun sa upuan ni Zaleah. Lahat tuloy ng kaklase ko ay nagalit sa kanya kaya sya nabugbug. Nakakairita naman talaga sya dahil pag kinausap mo ay tititigan ka lamang.
Kasalukuyang kong tinatahak ang daan papuntang Capillo Mall.
Sigurado ba si Iya na may isusuot na sya sa Ball? Sa tingin ko eh wala pa haha.
Napagdisesyunan kong piliin iyong cocktail dress na off shoulder tsaka may mga palamuti na talagang bagay sa kulay ko.
Mabuti nalang at black ang sa 'ming mga grade 10 dahil kung ibang color mahihirapan akong maghanap n'g babagay sa kulay ko.
Masaya akong tumungo sa cashier atsaka iyon binayaran. Walang tigil ang pagsilip ko sa paper bag na dala ko atsaka ngingiti ngiti. Kumain na muna ako sa isang restaurant bago umuwi.
Excited na 'kong i-transform ka from robot to a princess Iya hahaha!
Nang makarating sa bahay ay hinanap ko na muna sina mommy at daddy pero as usual si Lola lang ang nandun.
"Mommy? Daddy?" Naiinip na tawag ko sa mga magulang.
Nagmamadaling lumabas naman si lola galing sa kitchen at natutuwa ng makita ako sa sala. "Oh? Cristine Limme apo? Wala dito ang parents mo nasa work pa sila"
"Ganoon po ba? Sige po aakyat na po ako at marami pa 'kong gagawin"
"Teka, kumain ka muna nagluto ako ng paborito mong ulam"
"Wala po ako sa mood kumain ng adobo ngayon eh. Atsaka po baka maparami pa ang lamon ko at hindi magkasya itong damit na binili ko para sa ball namin bukas"
"Ganoon ba? Bumaba ka nalang kapag gutom ka"
"Opo. Don't worry Lola, kumain na din ako sa mall."
"Osya sige. Take care!"
Atsaka ako lumapit sa kanya upang magbeso. Umakyat nga ako sa kwarto at dumiretso sa Cr upang makapagpalit ng shirt at pajama.
Nang makalabas ng Cr ay saka ko kinuha ang Cellphone sa side table at tumungo sa Veranda.
*Dialing Iya's number*
[Hello?] Nagtatanong ang tonong sambit nito.
Good evening Iya! Masigalang bati ko naman dito.
[Hanep sa pangalan ah? Pretty City? Baka--]
Natawa naman ako ng bahagya dahil ako nga ang naglagay ng number ko dun at pinag-trip-an ko ang name HAHAHA!
Hephep! Pangit mo!
[Lakas mo!]
Kaya ako napatawag--
[May nagtatanong?]
Bad! Sabi ko kaya ako napatawag para sabihan kang pupunta ako dyan sa bahay nyo para maaga tayong makapag ayos for the ball!
Animong baliw na nagtititili sa excitement.[May sinabi ba akong pupunta ako sa ball?]
Nagtaka naman ako ng super sa sinabing 'yon ni Iya.
Baliw ka na talaga! Sabi mo pa nga kanina may isusuot ka na!
[Joke ko lang yun. Di ako pupunta sa Ball. Tinatamad ako e.]
Naiinis na 'ko sa bestfriend kong to. Pati ba naman ball eh tinatamad pang puntahan.
Ha? Eh pano yung nagbigay ng boquet? Baka umaasa yun
[Edi umaasa sya. Tss.]
Sige na nga lang. May magagawa pa ba ako ha? Xin xin xin--
Ay bad ulit? Pinatayan ba naman ako ng phone. Tss. Bahala ka tomorrow magsisisi ka HAHAHAHA!
YOU ARE READING
He's Mine Until I Die (On Going)
RomanceShe's weird. She's Young. She's Dumb. Not Broke. He's Cool. He's Cute. He's Kind. Not Strong.