Chapter 16

6 0 0
                                    

City's POV

"How can I help you City?" Az asked.

Like? Seriouslyyy? He knows my name?

"City right?" Pagtatanong nyang muli marahil sa tagal kong sumagot ay akala nya mali ang kanyang binanggit na pangalan.

"Wala na kasing upuan sa section namin" diretsong sagot ni Iya.

Like seriously again? Moment ko to e!! This handsome guy is talking to me. Iya naman eeee!

Tiningnan ko si Iya at hindi man lang sya nag abalang lingunin ang kagandahan ko.

"Magkasama ba kayo?"

"Di ba obvious?" Pabalang na sabi nanaman ni Iya.

Goshhhh. This girl is killing me sa kahihiyan. Nakakahiya sa isang poging nilalang gaya ni Az.

"Oh! I'm sorry. Magpapadala nalang ako ng chairs sa pwesto nyo." Az

"Thank you Az!" Sagot ko naman. Sa wakas at nanahimik naman itong si Iya.

Nginitian ko pang saglit si Az atsaka sumunod kay Iya sa paglalakad. Andyan nanaman sya, napakabilis maglakad. In all fairness, mukhang sanay magsuot ng heels si bessy.

Mabilis namang natugunan ni Az ang problema ng section namin. Napakagaling nya talagang student leader. Yun nga lang e lilipat na sya ng school next year. Nakakaiyak naman. But hey we're here to enjoy this night.

Zaleah's POV

Wala pa mang nagaganap masyado e naiinip nako. Lalo pa ng pumunta kami sa section nung Az na yun. I hate the way those guys look on us. Batid kong mga kaklase iyon ni Az. Kaya nga ng masabi namin ang problema e bumalik na ka 'gad ako sa pwesto namin.

A minute after e nagsimula ng iinduct ang mga officers. Of course I am not included kasi bago pa lang naman ako sa university na ito at kung manominate man e hindi din mapipili dahil wala namang nakakakilala sa kin masyado.

Kasalukuyang nakatayo si City sa harap ng bulwagan sapagkat sya'y isa sa mga officers ng ARTS CLUB. Nagulat ako ng malamang hiwa hiwalay ang Music, Arts, PE and Health. Tunay na kamangha mangha ang pamumuno ng mga officers. Dahil sa ilang araw na pananatili ko dito sa University wala pa akong problemang naririnig maliban nung kay City at Kayla. Maayos ang pamamalakad nila, tama nga ang sinabi ni Mavi at Pavi na kung ano man ang naririnig at nababasa ko tungkol sa University na ito ay pawang katotohanan. Masaya naman akong maisip na kabilang ako sa mga estudyante na nag-aaral sa Mary Claredeith University.

Matapos ang inducting of officers ay sunod sunod na ang pag present ng mga kanya kanyang Clubs. Kung saan ang Music Club ay naghanda ng sariling gawang kanta. Ang PE club naman ay sumayaw at madami pang iba. Ang pinakabinibiliban ko ay ang ginawa ng Math Club kung saan nagturo sila ng mga tricks na makapagpapadali ng pag solve ng problems sa Math.

Nagsisimula na 'kong mag enjoy sa gabing ito.

Nagulat ako ng may biglang mangalabit sa likod ko. Si Kayla pala. "Hi" bati nito sa akin. Nginitian ko naman sya. "Can I join you?" She asked. I just nod. Wala pa naman si City dito sa pwesto namin dahil busy pa sya sa iprepresent nya. "Are you feeling okay now?" Tanong ko sa kanya.

"What do you mean?" Kayla

"The last time I saw you parang hindi ikaw yung Kayla na nameet ko sa Library." I giggled a little.

"Ah. That? I forgot to take my meds" she said.

"Anong gamot?"

"Its a type of depressant drugs."

I looked at her waiting for her to explain some more.

"Uhm it helps me to be less angry or tensed. Nakakapag relax yun ng muscles and nerves. Yun nga lang when ever I take it i feel sleepy and light-headed. "

"Ah?"

"That's why nung araw na 'yon medyo wild ako because I don't want to take my medicine. I don't like to feel sleepy during class."

"I get it" sagot ko naman.

~~~~~~~~~~~~~~~~~••••••••••~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hi! I'm back!!! Can someone pls welcome me? Char. It's been a long rest hahaha. Joke. Tinapos ko lang yung isang story ko kaya medyo natagalan din bago ako nakapag update dito. I'm sorry but then I hoped you enjoyed reading my story.

Spread the love guyssss! God bless y'all!

He's Mine Until I Die (On Going)Where stories live. Discover now