Chapter 10

19 7 0
                                    


Cx's POV

Nangingiti ako hindi dahil sa nababaliw ngunit dahil hinuhulaan ko kung anong naging reaksyon nya ng matanggap ang bouquet.

Flashback

"Oy" tawag pansin ko doon sa babaeng alam kong section Wolf-Rayet.

"Yes? My dear?" Malanding sambit nito.

Naiinis akong kausapin sya dahil sa mata nyang nangse- seduce . Di bagay sa kanya mukha sya tae pero wala akong choice. "Nakalabas na ba si Zaleah?"

"You mean Ms. Collins?"

"Yes" nauubos ang pasensyang sagot ko dito.

"Wait. I'll check" sabi nito atsaka pumasok sa room nila.

"Yah she's out. Why?"

"Nothing. Saan dyang ang upuan nya?"

"Right there!" At itinuro nya iyong upuang nasa last row sa gilid ng bintana.

"Thanks!"

"Welcome my dear!"

Atsaka ko tinalikuran iyong babae. Pumasok ako at maswerteng walang tao sa loob. Inilagay ko ang boquet sa upuan nya. Nag iwan ako ng card ko saan may qoute. May nakalagay ding pangalan doon na nakadoodle pero hindi ko masisigurado kong mahahalata nya iyon.

End of Flashback

Haysss! Sigurado akong maganda ka bukas Zaleah. I can't wait to see you.

Zaleah's POV

P A R K I N G   L O T

Hindi din nagtagal at nakalabas na kami ng gate.

"Iya!" Nagulat ako ng tawagin ako ni City.

"Hey?"

"May susuotin ka na bukas?"

Susuotin? Bukas? Bakit? Debut nya ba?

"Debut mo ba?"

"Tange! Na- guidance office ka lang naging boploks ka na"nang-aasar na tonong sambit nito.

"Induction ball bukas diba?"

Demmit. Oo nga pala!!!

"Ah yah!Meron. Ikaw?"

"Wala pa eh. Bibili palang ako. Samahan mo 'ko!"

"Eh? May gagawin ako mamaya eh"

Kahit wala naman ajuju.

Bakas naman sa mukha nya ang pagkalungkot. Nagpaalam nalang din sya atsaka iminaobra ang sasakyan patungong mall.

Sumakay na din ako sa kotse ko atsaka nilisan ang MCU.

Nagmano lang ako kay Mavi't Pavi atsaka umakyat sa kwarto para maligo at magbihis. Napatalon naman ako sa takot ng makitang nandun si Ate Kate.

"Aba? Pinanindigan eh no? Di nga ako sinundo. Oh bat ngayon ka lang?"

"Sinabi ko naman sayo diba? Bakit umasa ka ba?"

"Hindi hahaha"

Atsaka kami parehong nagtawanan. Pinalabas ko na sya ng kwarto dahil sinabi kong may gagawin pa ako.

Oo. Kahit wala naman. Pupunta kaya ako sa Ball?

Napabalikwas ako sa higaan ng malimutan ko ang Boquet sa kotse. Agad akong bumaba atsaka iyon kinuha. Abala si Mavi sa pagluluto ng hapunan samantalang gumagawa naman si Pavi ng paperworks kaya hindi na nila ako napansin. Kinuha ko na din iyong red card na nakita ko sa locker.

'Wala namang pangalan kung kanino galing itong boquet. Asan na ba kasi yung card?'

Hindi na 'ko nag abalang hanapin pa dahil sabi ni City wala naman daw nakalagay na pangalan ng nagbigay.

Kaya binuksan ko iyong red card at ayun gaya nga ng nabasa ko eh Can you be my date? Ang nakalagay doon. Nirotate rotate ko pa ang card, nagbabakasakaling makita kung may nakasulat kung kanino galing.

Wala naman kalokohang kalandian to.

Nakahiga na 'ko at pipikit na sana ng mag ring ang phone ko. Bago ko ito sagutin eh pumunta na muna ako sa bintana dahil malakas ang signal dun.

Pretty City calling

Hello? Nagtatanong ang tonong sambit ko.

[Good evening Iya!]

Hanep sa pangalan ah? Pretty City? Baka--

[Hephep! Pangit mo!]

Lakas mo!

[Kaya ako napatawag--]

Ako naman tong pinigilan ang pagsasalita nya HAHAHA!

May nagtatanong?

[Bad! Sabi ko kaya ako napatawag para sabihan kang pupunta ako dyan sa bahay nyo para maaga tayong makapag ayos for the ball!]
Animong baliw na nagtititili sa excitement.

May sinabi ba akong pupunta ako sa ball?

[Baliw ka na talaga! Sabi mo pa nga kanina may isusuot ka na!]

Biro lang yun. Di ako pupunta sa Ball. Tinatamad ako e.

[Ha? Eh pano yung nagbigay ng boquet? Baka umaasa yun]

Edi umaasa sya. Tss.

[Sige na nga lang. May magagawa pa ba ako ha? Xin xin xin--

Pinatayan ko na sya ng cellphone. Buo na ang desisyon kong hindi pumunta. Para san pa? May sasayaw lang naman dun at ii- induct ang officers. Tapos sasayaw ang mga malalandi mag- iinom uuwi kinabukasan may mabubuntis.

Pinilit ko nalang makatulog .

He's Mine Until I Die (On Going)Where stories live. Discover now