- DAY 2 -

551 24 13
                                    

Natasha's POV
- DAY 2 -

Kahapon, buong araw ko talaga siyang hinantay. Nakatambay lang ako dun sa secret code na ibinigay niya sa akin. Kasi nga, diba sabi niya babalik daw siya? Haay. Pero, wala... Hanggang gabi, hinantay ko talaga siya nun, pero hindi rin naman siya sumipot. Nalimutan niya sigurong may kairog na siya dito sa Omegle---I mean, may kachat na pinagbigyan niya ng secret codes? Haay.

But today is another day! Kailangan ko nang mag-online ulit. At siyempre, hahantayin ko uli siya. Interesado ako nang sobra sa kanya. Gusto ko siyang makilala nang sobra.

Wala nang toothbrush-toothbrush, hila-hilamos at kain-kain muna. 10am na rin kasi, pero kagigising ko lang talaga. Eh, wala eh... Ganyan talaga pag bakasyon. Mayroon tayong kanya-kanyang productive na araw! Diba?! Kaya binuksan ko agad 'tong laptop ko...

*AFTER 10 MINUTES*

Aba'y pucha. Dapat pasalamatan ko pa 'to dahil kung kahapon, 15 minutes pa bago magstart 'to. Pero ngayon, sampung minuto nalang! Haaay. Okay na rin. Wala rin naman kasi masiyadong nakaopen na tabs kaya hindi masiyadong mabagal eh. Pero c-in-lose ko 'yung Skype, folder, MS word, FB, Twitter at Wattpad na nakaopen dito sa tabs ko. Omegle lang ang ilalagay ko. Baka kasi pag mag-log 'tong laptop ko, bigla pang mag-DC pag nagkataon. Tsk!

Tinype ko agad ang mga keywords na binigay niya sa akin. BULAKLAK, PARU-PARO at PUNLA. Sa katunayan, wala pa rin akong ideya kung bakit 'yan pa ang binigay niyang keyword sa akin. Kung gusto niya talagang rare, puwede namang... ASHDGQWT, DKAJDLQ, o kaya PSKDNAGQ. Hahaha! Oh diba? Rare na rare talaga 'yan! Pero, okay na rin naman 'yan. Bakit ngayon ko lang ba naisipang magreklamo, kung kailan naibigay na niya sa akin 'yan kahapon. Pfft. Bobong Natasha.

You're now chatting with a random stranger. Say hi!

Omegle couldn't find anyone who shares interests with you, so this stranger is completely random. Try adding more interests!

Yan ang lumalabas. Haay. Eto na naman. Maghahantay na naman ba ako? 'Di bale na. Makapag-find muna ng ibang interests. Ah! Alam ko na, Korea... Baka sakaling may makilala akong lalaking Koreano. Hehe.

You both like Korea.
Stranger:
hi asl

Korean? Tatanungin ako ng ganyan? Hmm.

You: 16yrs old, Female, Philippines. You?
Stranger: 24 m India

You have been disconnected.

Phew! That was... Ugh. Kinabahan tuloy ako bigla dun. Indian? Mapapadpad dito sa Korea?---Este, naghahanap siguro 'yun ng Koreanang babae. Ano ba 'yan. Tinamad na naman tuloy ako. Siguro nga, talagang hahantayin ko nalang uli si Kevin Omegle...

**

After 3 hours, sinubukan ko na ulit-ulitin 'yung keyword na ibinigay niya sa akin. Desidido talaga akong hantayin siya. Gusto ko talaga siyang maabutan...

You both like Bulaklak, Paru-paro and Punla. 0______0 OMG! TOTOO BA 'TONG NAKIKITA KO?! SIYA NA BA 'TO?! WAAAAAAH!

You have been disconnected.

Sa sobrang pagpanic ko, naclick ko tuloy ang ESC two times! Teka. Hindi pa rin kasi ako makaget over. Siya na ba talaga 'yun? Hala. Baka naman, may naligaw lang dun? Ah teka, baka naman mali ako ng basa? Baka naman ang nakalagay dun ay, "Omegle cannot find chuchu..."? Waaaah! Totoo ba 'yun?!

ISA RIN PALA AKONG MALAKING TANGA! BAKIT BA D-INISCONNECT KO BIGLA DUN!? SHIT NAMAN TALAGA! WAAAAAH!

Tinype ko ulit 'yung keyword na 'yun...

Omegle's Love Story (ONE SHOT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon