Chapter Eight

59.2K 916 64
                                    

Chris' POV

"Oh woah woah, Boss nagkabalikan na pala kayo?" napailing ako sa sinabing yun ni Kier. Tsk chismoso.

"Aray! Para sa'n naman yun, bossing" Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Tsk. Isa Kier pag di mo tinahimik yang matabil mong dila igagapos ko yan sa'yo" mariing bulong ko sa kanya.

"Just give me the keys" Kung wala lang talagang maraming tao dito sa kinaroroonan namin ay baka kanina ko pa itinumba ang walang hiyang gungong na yan. tsk.

"Bossing ah, dumadamoves. Kala niyo di ko halata. Uyy si boss luma---"

"Dalawa." mariin akong napapikit at saka hinilot ang sintido ko. Pambihira, daig pa yata ng gagong 'to ang sang batang matigas ang ulo.

"Sus si boss nagde-deny pa" Wala na akong nagawa kundi ang ilabas ang 45 caliber ko at saka yun itinutok sa kanya.

"B-Boss wala namang ganyanan" He gulped. Tsk.

"Vernon!?" Sigaw ni Nath na halatang nagulat sa ginawa ko. Chill baby, tuturuan ko lang ng leksyon ang 'sang 'to.

"The Keys. Falcon." nanginginig naman na kinuha niya ang susi sa bulsa saka inabot ito sa'kin.

"Oo na! etoh na!" agad naman siyang napatakbo papunta kay Dylan nang paputukan ko ang paa niya. Tss. Sayang at di ko natamaan.

"What the hell!? Vernon!?" lalapitan pa sana niya si Kier nang marahan ko siyang pinigilan at saka pinagbuksan nang pinto at pinapasok sa loob ng kotse. Aangal pa sana siya pero pumayag na rin.

"Dylan ikaw na munang bahala dito. Wala akong tiwala sa isa diyan" Dylan just nod saka ako umikot papunta sa driver's seat.

"Hmp! ayhetchu na!" tsk bakla talaga.

We are now heading are way to Zickain Enterprises. Ngayon kase namin napagdesisyunan na opisyal na simulan ang pakikipag konekta sa kanila.

"What?" I said when I feel her glaring at me.

"Gago ka ba!? Why the hell did you do that to Kier!? He's one of your most trusted men at ganon na lang kadali sa'yo ang tutukan siya ng baril sa harap ng maraming tao!? Ghosh! Are you out of your mind Vernon!?" Di ko naman mapigilan ang matawa ng bahagya.

"Goodness! And now! You're even laughing!" di ko na napigilan ang matawa.

"Nagsalita ang hindi. Last week, when I called you to come in my office imediately halos lamunin mo na ako sa sobrang galit mo. You even threatened me that you'll kill me if I won't give you a valid reason why I called you. If you only knew, baby. You look much more scarier than me." Nakakunot noo pa rin siya.

"Well, its different. Saka ba't ba napunta sa'kin ang usapan!? Ikaw yung nanutok nang baril kay Kier!?" I sighed at saka ibinalik ang seryoso kong mukha.

"Remember the rules, baby. Trust no one." She stopped. At saka nagbago ang timpla ng mukha niya. Di ko na naman mabasa ang isip niya.

Nath's POV

Trust no one.

Those words. Right. I should trust no one. But how could I? How could I trust no one if I don't know what to do?

Damn di ko inakala na ganito pala kahirap ang proyektong ito. At saka lang rumehistro sa'kin na pinapasok na pala namin ang mundo sa ilalim. We need to play their dirty games.

At wala na akong takas pa dito. Nasimulan ko na ito. At kapag nakapagsimula na ako, wala sa bokabularyo ko ang sumuko.

Pero kinakabahan pa rin ako. Kinakabahan ako. Ewan ko ba. Pambihira naman kase ang lalaking 'to mas lalo akong kinakabahan dahil sa pinagsasabi niya noong mga nakaraang araw eh.

His Wife (HMW book 2) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon