Chris POVAng sarap nga talagang gumising kung ang una mong nakikita ay ang itsura ng babaeng mahal na mahal mo.
I caressed her face and planted a kiss on her forehead.
"Goodmorning, mahal ko" bulong ko.
Marahan ko namang inalis ang pagkakayakap niya sa'kin at saka tumayo na. Dapat bumawi ako sa kanya. Inalaagaan niya ako kahapon. Maybe a breakfast will do.
Tiningnan ko naman ang mga ingredients. Aish wala na palang ingredients. Haist.
Wala na akong nagawa kundi ang magbihis ng pambaba saka ako lumabas para bumili ng ingredients.
Di na rin ako nagtagal sa mall at bumalik rin agad matapos kong mabili ang lahat ng kailangan ko.
Pagkabalik na pagkabalik ko ay agad ko nang sinimulan ang pagluluto. Just a simple breakfast with love, siguro naman sapat na yun para makabawi.
Pancake and egg with milk lang naman ang hinanda ko. Pumasok na ako sa kwarto dala-dala ang tray ng pagkain na niluto ko.
"baby..." I whispered in her ears.
"hmmm" I chuckled. tulog mantika eh.
"baby... pag di ka gumising ikaw ang kakainin ko." I whispered again.
Isa namang sapak sa mukha ang natangap ko. Grabe na talaga siya ah.
"Wag na wag mo'kong ginaganyan, Lee! maagang-maaga binibweset mo'ko!" anas niya halatang antok na antok pa siya sa boses niya. pfft.
"HAAHAHAHAH"
"Anong tinatawa-tawa mo diyan" masama talaga gisingin ang 'sang 'to.
"Mukha kang dinumog ng animnapong mananangal" natatawang usal ko. Pinaningkitan naman niya ako ng mata.
"Gago! Heh!" natawa na lang ako saka kinuha yung pagkain sa side table.
"Goodmorning, Breakfast in bed" natameme naman siya. Sus. kinikilig na yan.
"Kinikilig eh. Pa-thank you lang po" asar ko.
"Anong kinikilig. Expect ko na yan noh" sus in denial eh.
"Ganon? Sige wag na lang 'to, expect mo naman na pala eh." ililigpit ko na sana nang pigilan niya ako.
"Oi, wag na nagugutom na rin ako kaya akin na, sayang ang pagkain" napangisi naman ako.
Inilapag ko na sa bed yung tray at saka siya nagsimulang kumain.
"Gusto mo?" pag-aalok niya sa'kin.
"Kung susubuan mo'ko, bakit hindi" umirap naman siya.
"O ayan, para di naman awkward sa'king kumain habang ikaw nakatitig lang diyan" sinubo ko naman ang kutsarang puno ng pagkain na inialok niya.
"Teka, okay ka na ba?" Tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain namin, kita ko ang pag-aalala sa mata niya. Inilapad naman niya ang palad niya sa noo ko.
"Di ka na mainit" nakangiting anunsyo niya. Ang babaw ng kasiyahan ne'to.
"Pero hot pa rin ako" biro ko pa. She just rolled her eyes.
"Tapusin mo na ang pagkain mo. Mauna na akong maligo. 9:30 pa naman yung schedule natin kay Engr. Malnegro at Architect Fuerzas." napakunot naman siya sa sinabi ko.
"Anong maliligo? Eh kagagaling mo lang sa sakit?" nakunot noong sabi niya.
"Okay naman na ako, baby. Wag ka nang mag-alala diyan" sumama lang naman talaga ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
His Wife (HMW book 2) [COMPLETE]
Romance3 years ago They were married. They were stucked in a one sided Love. They learned to sacrifice each lives, She learned to give a chance, They learned to give a try. But 3 years ago, their story ended, pain drown her and torn her apart, regrets and...