Nath's POV
"Hija, ang aga mo pa rin ah" napangiti naman ako kay lola.
"Good morning po, nagluto na po kami ni manang ng breakfast, mao po na po kayo" umupo naman si lola.
"ah ano po ang gusto niyo? kape o gatas?"
"Coffee na lang hija" tumango naman ako saka tinimplahan ng kape si lola.
"Ang swerte talaga ng apo ko sa iyo, hija. Alagang-alaga mo siya" napailing na lang ako saka ngumiti kay lola.
"Lola ilang beses niyo na pong sinabi yan" uminom naman ng kape niya si lola.
"But its true hija, alam mo, alam kong mahal na mahal ka ng apo ko hija, kaya sana paniwalaan mo siya" nagtaka naman ako sa sinabing yun ni lola.
"Good morning" bati ni Vernon sa'min pagkababa niya.
Lumapit naman siya kay lola saka bumeso at bumati rito bago niya ako nilapitan at hinapit sa bewang palapit sa kanya saka niya ako hinalikan sa labi. Just a peck only.
"Hai pati yata itong kape ko ay di na malebelan ang kasweetan niyo" natawa naman kami ni Vernon sa sinabing yun ni lola.
"La, nakabihis po kayo? aalis kayo?" tanong ni Vernon kay lola Fely.
"Actually, aalis nako"
"Pero bukas pa po ang alis niyo?" tanong ko
"Yes, but SM called me na nandito na daw siya sa Manila at naikuha na niya ako ng room hotel na malapit lang sa airport kaya napag-isip-isip ko na doon na lang matulog kasama si SM" napatango-tango naman kami ni Vernon.
"Well if that's the case, ihahatid ko na lang kayo" sumang-ayon naman ako sa sinabi ni Vernon.
"Tama po si Vernon, lola. At saka magbreakfast na ho muna tayo bago kayo umalis"
"Well pa'no ko ba matatangihan ang mga apo ko" nagtawanan naman kami saka naupo na sa hapag kainan.
"Vernon kape mo" pag-aabot ko sa tinimplang kape ko para sa kanya.
"Thank you Lee" saka niya ako kinindatan dahilan para lihim akong mapairap.
"You look good together, as always" naramdaman ko naman ang pag-akbay sa'kin ni Vernon.
"You said that a millionth times already, la" nakangiting iling ni Vernon
"Bye po lola, ingat po kayo sa flight niyo bukas" nakangiting paalam ko kay lola.
"Goodbye hija, mag-ingat rin kayo dito. Pag sinaktan ka nitong gagong apo ko eh tumawag ka lang sa'kin at lilipad agad ako dito" natawa naman ako sa sinabing yun ni lola.
"I will po" nauna naman na si lola na pumasok sa kotse.
"Lee" nagulat naman ako nang may biglang yumakap sa'kin mula sa likod.
"Tss, chansing ka din eh. O bakit?" ramdam ko naman ang pagngiti niya.
"Sabay tayong mag lunch?" bulong niya. Di ko naman alam kung ano ang isasagot. Takteng kaba 'to.
Ibubuka ko na sana ang bibig ko nang nakawan niya ako ng halik sa labi.
"I won't take no for an answer, Lee" huling bulong niya bago niya ako nilubayan at tumungo na sa sasakyan niya. Para naman akong naging lutang sa pangyayari.
Damn it Nathalie! Compose yourself.
"Ang bango naman ho niyan, ma'am Nath" wika ni Manang sa'kin. Ngumiti naman ako saka inihain ang niluto kong afritada.
BINABASA MO ANG
His Wife (HMW book 2) [COMPLETE]
Romance3 years ago They were married. They were stucked in a one sided Love. They learned to sacrifice each lives, She learned to give a chance, They learned to give a try. But 3 years ago, their story ended, pain drown her and torn her apart, regrets and...