Nath's POV
"Are you okay?" tanong sa'kin ni Christopher. Nakaupo kase ako ngayon sa vanity table ko habang nilalagyan ng make up ang mukha ko.
"Chris... Ah n-nothing" Saka ako bumalik sa pag-aayos.
"Kung may bumabagabag sayo, just tell me Nath" Nakangiting sabi niya saka ako hinalikan sa pisngi. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Thank you Chris" sagot ko.
"Sige na, baka malate tayo. I'll wait for you downstairs." tumango lang ako at saka ngumiti sa kanya. Nabalik naman ang tingin ko sa sariling repleksyon ko sa salamin.
I stared at my own eyes at napangiti na lang ako ng mapait nang makita ko ito. Kahit mismo ang sarili kong repleksyon ay di ko magawang lokohin gaya ng pagloko ko sa isip ko. My eyes just keep on showing what my heart is telling me... and that is... I still love him.
Mahal ko pa rin siya even after knowing what he did. I still love him kahit pa dumaan na ang tatlong taon. Mahal ko pa rin siya kahit na galit ang meron sa puso ko ngayon. Pero hindi...
Hindi pwedeng mahalin ko siya dahil hindi yun ang karapat-dapat.
Ayoko nang magpakatanga ulit...
Ayoko nang gawin ang mga kabobohang desisyon na ginawa ko noon.
Natatakot nako na baka sa oras na piliin ko ulit na mahalin siya ay baka marami na namang buhay ang mawawala... Na baka sa oras na mahalin ko siya ay baka sa huli ako na naman ang luhaan at iniwan.
Pero...
Meron pa ring parte ng puso ko na gusto siyang pakingan. Meron pa ring parte ng isip ko na naniniwala na hindi niya yon ginawa lahat. Na isa lang yung pagkakamali ni Nathan o baka gusto niya lang siraan si Christian.
"Hon! its almost time. Baka malate tayo!" Sigaw ni Christopher mula sa baba. I sighed at saka nagbihis na.
Saka ko na lang ito iintindihin...
Chris's POV
"Sir, meron pong naghahanap sa inyo." nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang kumatok ang sekretarya ko. May dinaanan kase ako saglit sa building ng kompanya bago dumiretso sa venue kung saan ipapakilala ang bagong empire at ang muling pagbabalik ko bilang si Lee.
"Papasukin mo... at saka umuwi ka na" utos ko at saka inilapag ang baso ng wine na iniinom ko.
Nagulat naman ako nang makita kung sino ang naghahanap sa'kin.
"Para ka naman yatang nakakita ng multo nang makita mo ako" nakataas kilay na sumamo niya. Iba yata ang dating niya ngayon?
"Jam... I-I thought..." di ko na napigilan ang sarili ko at saka napayakap sa kaniya. Labis akong nag-alala simula nung naihatid ko siya sa bahay nila dahil ilang lingo ko rin siyang di nakausap o nakita man lang.
Niyakap naman niya ako ng pabalik at saka napangiti.
"Akala ko di ka na dadating" saad ko matapos ang yakapan namin.
"Pwede ko bang iwan sa ere ang nag-iisang lalaking di ako iniwan kahit kailan? di naman yata makatarungan yon" nakangiting sagot niya.
Natawa na lang kami sa isa't-isa hangang sa pumagitna din ulit yung katahimikan. I only stared at her habang di ko mapigil ang ngiti ko.
"Baka naman magalit yung asawa mo sa mga tingin mong yan sa'kin, Vernon. Matagal na akong tapos sa pahina na yan ng buhay ko. Ayokong masayang ang ganda ko ngayong gabi" natawa naman ako sa sinabi niya. Its really her. The Jam I used to know before.
BINABASA MO ANG
His Wife (HMW book 2) [COMPLETE]
Romance3 years ago They were married. They were stucked in a one sided Love. They learned to sacrifice each lives, She learned to give a chance, They learned to give a try. But 3 years ago, their story ended, pain drown her and torn her apart, regrets and...