Prologue

21 1 0
                                    




"Upo po tayo sir cool down massage na po tayo." Nakangiti at magalang kong utos sa customer.

"Tapos na ba?" He asked.

Tumango ako habang nakadungaw sa kanya. "Massage po muna tayo sir." Bumangon siya. "Talikod ka po sa akin." Tumalikod rin naman siya.

Hmm. Masunurin. Sinimulan ko na ang pagmasahe ko sa likoran niya. Di ko maiwasang di makapag evil smile.

Kagat-labi kong pinalandas ang kamay ko sa likoran niya. Malaki kasi ang katawan niya. Medyo mahirap e masahe. " Ok na po sir. Counter na lang po ang bayad."

"Oh! Thank...what the fuck?" Magpapasalamat sana siya sa akin pero na palitan ito ng malutong mura ng makita na niya ang kanyang mukha sa salamin. Napapalibutan kasi ang boung room ng salamin. Gusto kung humalakhak pero pinigilan ko nalang ang sarili ko. Naka mask naman ako kaya di niya makikita ang pagngesi ko. Inosente ko siyang tinignan.

Agad-agad namang pumasok sa room si Maam Lynn. "Anong nangyayari dito Shy?" Alam niyang mangyayari talaga ito. Matalim na tingin ang binigay niya sa akin. Pero binaliwala ko lang yon. Kinagat ko na lang ang mga labi ko para pigilan ang paglawak nito. Gusto ko talagang tumawa. Perfect!

"Fuck!" Muling mura ng customer.  Muli niyang sinuri ang kanyang mukha sa salamin.

"May problema po ba sir?" Ngumiwing tanong ni Maam Lynn sa customer. "What did you do Shy?" Bulong na tanong niya sa akin. Nagkibit-balikat lang ako. Ayokong magsalita baka kasi imbis na mag explain ako ay matawa pa ako. Hahaha!

"Shit! Hindi mo ba nakikita ang mukha ko? Damn! Where's your manager?" Galit na sigaw ng customer. Kaligayahan ko talaga to. Sige pa magalit ka pa po.

"I'm the manager sir." Namumutlang sabi ni Maam Lynn.

Tumalikod na ako. Si Maam Lynn na ang bahala don. Mabilis ang hakbang ko palabas ng room ng may biglang humila ng braso ko at dahil hindi ko inaasahan yon ay boung pwersa akong napasubsub ako sa matigas na bagay? Wait? Katawan pala! Aw! Dibdib pala! Nakakapit ako sa braso niya para di ako ma out of balance.

Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko kung kaninong dibdib yon. Lalaki. Sa pagkataranta ko ay napaatras ako at namali ako sa pag-apak kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko para hintayin ang pagbagsak ko sa sahig.

Pero...

"Oh my God Shy!" Tili ni Maam Lynn ang nagpamulat ng mga mata ko. Hindi ako bumagsak sa sahig!

Double ang panlalaki ng mga mata ko ng mapagtanto ko ang ayos naming dalawa. Ang isang braso niya ay nakayapos sa biwang ko at ang isa ay nakaalalay sa likoran ko. Medyo nakaliyad ako kaya nakayuko din siya sa akin at kung titignan sa likoran niya ay parang naghahalikan na kami. At andon si Maam Lynn. Napatitig ako sa mukha niya. My God! Ang gwapo niya! Napakaperfecto ng pagkahulma ng mukha niya. Medyo nakaawang ang mga labi niya. Na amoy ko rin ang mabango niyang hininga. Mabilis kasi ang paghinga niya.

"Are you done checking at me? Greek God ba?" Nakita ko ang pag angat ng gilid ng labi niya.

Manyak!

Mabilis na lumipad ang kamao ko sa mukha niya. Greek God? Gago ba kamo! Tch!

"Fuck!" Mura niya habang nakasapo ang dalawang kamay niya sa ilong niyang natamaan sa suntok ko. Bumilis ang paghinga ko at nanginginig ako sa inis.


"Shy!" Agad akong itinago ni Maam Lynn sa likoran niya.

"Fuck lady! Bakit mo ako sinuntok?" Hindi ko na pinansin ang tanong niya. Mas binigyan ko ng tuon ang puso kung kumakawala sa dibdib ko. Shit! Tinanggal ko ang face mask na nakaharang sa haft sa mukha ko. At pasimple kong pinaypayan ang sarili ko. Na iinis parin ako sa kanya. Ayokong may humawak sa akin ng ganun. Nandidiri ako!


"Are you deaf? Kanina pa kita tinatanong ah!" Namumula na ang mukha niya sa galit. "Look what she did to my face?" Baling niya kay Maam Lynn.

"Sir, normal lang po talaga na mamumula yong face natin after facial po." Magalang kong sabi. Kahit na aalibadbaran na ako sa kanya.

"Really?" He said in sarcastic tone. Habang pinipisil pisil ang ilong niya na nasuntok ko. "Damn!"

"Yes po. Kaya po nag offer po ako sayo ng mask po para ma lessen po yong pamumula ng face niyo po. Pero ayaw niyo e." Dagdag ko. I secretly rolled my eyes. Duh? Arte nito? First time niya bang nagpafacial?

"I came here to relax Miss! The fuck!" Napamura siya ng makita niya ang mukha ko. Duh! Di ko na tinago ang pag irap ko. " Ganito ba ang hitsura ng beauty therapist niyo dito?" Tanong niya kay Maam Lynn na ngayon ay nakayuko na. "Itong mukhang to ang humawak sa mukha ko?" Paninigurado niya. I just nodded. Kahit gustong-gusto ko na siyang sagotin.

"Sir on treatment po siya kaya ganyan yong mukha niya ngayon." Mahinang sabi ni Maam Lynn. "Sorry po sir."

"Hindi ko ito babayaran!" Sabay talikod sa amin.

What?
Anong sabi niya?

Mabilis kung hinablot ang braso niya. "What do you mean by that sir?" Pinapainit niya ang ulo ko. " Ginawa ko lang po ang trabaho ko po sir. Normal lang po ang pamumula ng mukha niyo!" Gigil kong sabi. God! Pigilan niyo po ako! Baka madagdagan ko pa tong pamumula ng mukha niya.

"Hands off!" Hindi ko siya sinunod. Mas hinigpitan ko pa ang pagkahawak ko sa braso niya.

"No." Umiiling kong sabi. "Unless you pay." Matapang kong sabi.

Umangat ang gilid ng labi niya. God! Ang gwapo talaga! Shit! Ano ba itong iniisip ko.

Kahit ganun ang epekto niya sa akin. Di ko parin pinapahalata sa kanya. Walang emosyon ang titig na binigay ko sa kanya. "Magbayad na po kayo bago pa po kami tumawag ng guard dito."

"Woah! Ako pa ang tinatakot mo Miss Pimple?" Now. Wala akong paki sa pangalang tinawag niya sa akin. " Fuck! Fuck off! Let go!" Nandidiring umatras siya sa akin at boung pwersa niyang binawi ang braso niya sa akin. " You're crazy Miss Pimple! After you massacre my face? May gana ka pang humingi ng bayad sa akin?Tch! Dapat ikaw tong magbayad! You punched me. Remember?"



Bakla! Kung makairap akala naman nito gwapo! Hoy mister! Di ka po gwapo bagay lang yan sayo! Bagay lang yan sa mga lalaki. Yan ang nararapat sa inyo! Dapat kayong pumangit para wala na kayong mabiktima na mga babae. Para wala ng pusong masasaktan dahil sa inyong mga lalaki.

Tch! Mga lalaking maaamo ang mukha? Yan yong magaling manluko! Paasa! Magaling magpaluha ng mga babae!

Ako si Sheila Dela Cruz, 23,Single at naniniwala ako sa kasabihan na ang lalaking manloloko ay manloloko talaga! Di yan magbabago. Ipusta ko pa yong EX kung manloloko! Walang balls!

Man hater ang banyag nila sa akin. Well? I dont care. Tch!

Sa mga lalaki lang naman ako ganito. Pinapapangit ko yong mga mukha nila. Kumukulo talaga ang dugo ko sa mga lalaki kapag naghahandle ako sa kanila. Kaya umiiwas na ako hanggat maaari pero kanina? Wala akong choice e. Walang ibang maghahandle kaya ayon. Isa akong beauty therapist sa tinatrabahoan ko. Trabaho ko na pagandahin ang mga may problema sa mga mukha pero may magtitiwala pa ba sa isang tulad ko na pudpud ng tigyawat ang boung mukha?

Mukhang may bagong pet ako ngayon ah. Alam kong di ako tatatantanan non. Tse! Di po ako takot! Tch! I'm always ready for this. Ito ang mga larong gusto ko. Sa tagal ba naman akong ganito? Ngayon pa ba ako matatakot? Tch! See you again Mr. Pretty Boy.

Mr. Pretty Boy Meets Ms. PimpleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon