Chapter 4

11 1 0
                                    



Kirck POV

Ang gaan-gaan talaga  nang babaeng to. Buhat-buhat ko siya ngayon papasok sa bahay na nilabasan niya kanina. So? Ito na siguro yong bahay niya. Nakatulog siya kanina sa kotse ko kaya di ko na siya ginising at binuhat ko na lang siya. Nagkaroon tuloy kami ng eksena sa mga kapit-bahay niya.

"Uy si ganda may jowa na." Dinig kong sabi ng tambay na lalaki na malaki ang tiyan.


"Sa wakas may boyfren na rin si ganda." Ganda? Palayaw niya dito? Tss. Magbulag yata ang mga tao dito. Ito? Maganda? Tch!


"Kinis talaga ng legs ni Ganda." Kunot noo kong tignan yong sumipol. I clenched my jaw. Shit! Di ko nagustohan ang sinabi ng lalaking yon. Gusto ko tuloy siyang suntokin sa mukha. Fucking shit! Nanggigil ako. Kaya mabilis ko silang nilampasan. Nakapencil cut skirt kasi ang pang ibaba niyang sout. Medyo na umangat kaya medyo nakalabas ang hita ni Ms. Pimple.

"Where is your key?" Bulong ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin  kaya kinapa ko na lang ang bulsa ng bag niya. Agad ko siyang inilagay sa higaan niya nang makapasok  na kami sa loob.


Hooo. Ang init naman dito. Hinipo ko ulit ang noo niya. Mas lalong tumaas ang lagnat niya. Tinignan ko ang mukha niya. Fuck! May kung anong bagay ang humiwa sa puso ko. Bakit ba ako apektadong-apektado kay Ms. Pimple? Nagpasya na lang ako na iwanan siya sa kama niya.


Kumuha ako ng maliit na planggana at bimpo nilagyan ko ng maligamgam na tubig ang planggana. Dàhan-dahan ko siyang pinunasan gamit ang bimpo. Tapos naghanap ako sa bahay niya ng pagkain pero wala siya pagkain. Mahirap pa pala sa daga ang bàbàeng to! Napailing ako. Kàilangan niyang kumain para makainum na ng gamot. I dialed my phone. I called my secretary.



"Bumili ka ng grocery at gamot sa lagnat. Bilisan mo. I'll text you the address." Utos ko.



Binaba ko na ang phone ko. Wala pang 30 minutes ay dumating na ang inutosan ko.


"Sir." Inabot ko ang mga dala niya.


"Makakaalis kana. Please cancel all my meetings today and tomorrow." He just nodded and he look at me like " what the hell you doing?" . Alam kong marami siyang tanong. "Ano pa ang hinihintay mo?" Itinaas ko ang kilay ko. Di ko na pinuna yong mga titig niya sa akin.


"Are you sure? Or you want me to call Grace..." I snapped my finger to stop him.

"No need. Wag mong sabihin kong nasan ako. Please tell them Im out of town." Sabi ko.


"But..."


"Do I need to repeat myself?" I said in my serious toned.


"No sir. I have to go." Di ko na siya pinansin. Narinig ko nalang ang pagsara ng pinto hudyat na nakaalis na siya. Guminhawa ako ng malalim. Tinupi ko nang hanggang siko ang long sleeve.


Niluto ko kaagad yong dala ng secretary ko. I cooked sopas. Nang matapos ko na ang pagluluto ko ay ginising ko siya para kumain. Hindi naman siya pumalag ng sinubuan ko siya. Siguro wala na talaga siyang lakas para umangal pa. Tch! Nang matapos na siyang kumain ay pinainum ko siya ng gamot at pinahiga ko ulit siya para makapagpahinga na. Pinunasan ko ulit siya gamit yong bimpo. Papalitan ko sana siya ng damit kasi  basang-basa na nang pawis ang damit niya. pero... paano?


"Tumalikod ka muna magbibihis ako." Sabi niya na habang nakapikit. Agad naman akong tumalikod. "Pakikuha po ng damit ko sa aparador hindi ko kasi kayang tumayo nahihilo ako." Mahina niyang sabi utos.


Mr. Pretty Boy Meets Ms. PimpleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon