Chapter 9

6 1 0
                                    

Chapter 9



"Shy more!" Sigaw ng photographer. Post ako ng post dito habang hawak ko ang enindorso kong product. "Good." Break muna tayo tas balik ka after 30 minutes.



"Wala ka paring kupas Shy." Complement ng photographer sa akin. "Napakaprofessional mo pagdating sa camera. No wonder kung bakit ikaw parin ang kinuha ng Skin Perfect para sa project na ito."



"Of course! Di lang magaling tong alaga namin. Maganda pa." Sabi ni maam Grace na palapit na sa akin.



Mabilis na lumapit sa akin si maam Grace. Inabotan niya ako ng minaral water. Di ba ang sosyal ko? My secretary is my boss? Nakakahiya nga eh. Nong una tanggi pa ako ng tangi kasi nga nahihiya ako kay maam grace pero ang sabi niya dapat daw nakatuon daw siya sa project na ito. Pero dahil mapilit siya ayon wala akong magawa.


"Agree ako diyan Maam Grace. Hindi kayo nagkamali sa pagpili ng mag e-endorse ng products niyo. She's so beautiful and talented woman. Naalala ko pa nga noon nong teenager pa si Shy napakaraming talent scout ang lumigaw sa alaga mo. Complete package na kasi." Nakakabusog yong mga complements nila sa akin. Naalala ko rin yon. Pero wala akong tinanggap na project kasi nakacontract ako sa Skin Perfect.


"Magaling din po kasi kayong photographer Sir Hugo."


"Sos nambola ka pa. O sya! Magpahinga ka na kasi marami pa tayong kukunan ng litrato. Maiwan ko muna kayo Maam Grace."



"Thanks Hugo." Sabi ni Maam Grace at tuluyan na kaming iniwan ni Sir Hugo.




"Dalawang buwan na tayong magkasama Shy ay nahihiya ka parin sa akin?" Naglakad na kami papuntang room namin para doon na lang muna ako mag na-nap.



"Hindi naman Grace." Pagsisinungaling ko. Pagsinabi ko kasing oo at nahihiya parin ako sa kanya ay nagagalit siya kaya tinatangi ko na lang na hindi na ako nahihiya sa kanya. Sino ba naman ang magiging comfortable kung ang anak ng amo mo ang umaalalay sayo? Kahit sino naman siguro mahihiya rin.



"Good." Inakbayan niya ako. "Hay next month na yong show."sabi niya sabay upo sa sofa. Oo nga pala next month na. "Sana galingan mo ha. First project ko kasi to. I want to impress the board. I want them to trust me that I can really handle the company para hindi na nila e-pre-pressure si Mommy. Hindi kasi nila ako pinagkatiwalaan. Alam mo bang pangarap ko to?" Guminhawa siya ng malalim bago uminom ng juice.




Kaya pala hands on talaga siya sa akin at sa show. Hinawakan ko ang kamay niya."Promise ko sayo Grace na hindi kita bibiguin, tutulungan kitang magustohan ka ng board." Tas yinakap niya ako bigla.


"Thanks Shy." I hugged her back. "Hindi kami nagkamali na ikaw ang pinili namin." Sobrang bait ni Maam Grace sa akin kaya normal na gagantihan ko rin siya sa pamamagitan ng show na ito. Sisiguradohin kong magugustuhan ako ng board at maayos na din ang mukha ko kaya tumaas na ang self confidence ko.




"Wala bang nangungulit sa atin ngayon?" Tanong ko sa kanya. Kaagad naman siyang humiwalay sa yakap ko.



"Yong palaging nagpapadala ng pagkain at flowers?" Tinignan niya ako gamit ang makahulugang tingin niya. Pero hindi ko siya pinansin."Wala na eh. Siguro na pagod na yon? Bakit mo pala na hinahanap? Namiss mo?" She's grinning at me.


I rolled my eyes like wala akong paki.

"Umamin ka na Shy." Tukso niya sa akin.



Mr. Pretty Boy Meets Ms. PimpleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon