Chapter 5

8 1 0
                                    

Chapter 5


Shy POV



"Oh bakit pumasok ka pa? Akala ko pa naman may sakit ka?" Bungad sa akin ni maam Lynn ng dumating na ako sa clinic. Kaya pala open na ang clinic. Ako kasi lagi ang nag-oopen nito.

"Ok na po ako maam."

"Baka nagsakit-sakitan ka lang shy." Nagtatampong sabi ni Aileen.

"Nako hindi hà. Papasok naman talaga ako kahapon kong hindi lang ako pinigilan ni mr.prettyboy..." Patay! Huli na para bawiin ko ang nasabi ko.

"Mr. Pretty boy?" Sabay nilang tanong.

"Ahhh." Alam kong hindi nila ako titigilan nito.

"Si sir kirck ba?" Ngiting asong tanong ni Maam Lynn sa akin.


"Magaling bang mag-alaga si sir? Wow ha! ang swerte mo naman shy!" Aileen. With match talon pa.

"Ewan ko sa inyo. I have a lot things to do. Dyan na nga kayo." Kailangan kong umiwas sa kanila baka may masabi pa ako. Wahhh OMG! Ramdam ko parin ang labi niya sa labi ko.

"Hoy! Ngumingiti! May nagpapangiti na sa kaibigan ko," sigaw ni Aileen. Gaga talaga yong babaeng yon! Anong ngumingiti? Sira na nga ang kukuti, malabo pa ang paningin.

"Shy may utang kang kwento ha." Sigaw ni maam Lynn.

"Magkakalove life ka na ba ulit?"

Hindi ko sila pinansin.

"Shy ha! Nagkalove life ka lang ulit nagiging madamot ka na."

"Alam mo Ai? Magtrabaho muna tayo. Mamaya magkukwento ko."

"Totoo yan ah! Wag kang paasa. Tandaan mo mga lalaki lang yong mga paasa!" Tinalikoran na niya ako. Kaya mabilis akong nagpalit ng uniform. Naglagay ako ng kunting lip tint sa lips ko.


"OMG!!!!!!"tili ni Aileen. May packaging tape ba kayo? Pahiram ako please! Kahit andito ako sa dressing room ay naririndi parin ako sa tili ng babaeng yon. My gosh! Pasalamat siya wala pa kaming customer ngayon.

"Shy! Hali ka dali." Hinila niya ako papuntang counter.

"Ano ba?" Nagmask na ako para matakpan yong mga pimples ko.


"May tatlong bulaklak oh. White rose pa. Dba paborito mo ang white rose?" Tinuro niya yong mga bulaklak.

"Then?" Oo nga may bulaklak na nakasabit sa pintoan ng clinic. Hindi ko yata to na pansin kanina sa pagpasok ko?

"May secret Admirer na ako," inunahan ko siya sa pagkuha sa bulaklak. "Akala ko ba ayaw mo na ng mga ganyang stuff?" She pouted her lips.

"Wag ka ngang feelers! Hindi to para sayo para to kay maam Lynn!" Pasimple kong kinuha ang card na nakasabit sa rose. Nabasa ko kasi na Shy ang naka lagay sa card kaya inunahan ko si Aileen. "Nasan ba si maam Lynn? Pwed ba Ai wag kang magpout para kang ugly duckling na walang buntot."

"Harsh mo! Ganyan ka ba talaga mainlove nagiging harsh.?" Nagpuppy eyes pa. Para na tuloy siyang asong ulol.


"Wag mo kong simulan ha." Inilagay ko ang bulaklak sa table ni maam Lynn.


"Ano bang nangyari kahapon? Bakit ka nagkasakit? Inalagaan ka ba ni sir?" Daming tanong. Tch!

"Talaga bang may dahilan yong sakit ko kahapon? " tumango siya ng sunod-sunod tapos with matching puppy eyes pa. Napailing na lang ako sa ka childishsan ng taong to.

Mr. Pretty Boy Meets Ms. PimpleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon