Chapter 12

4 0 0
                                    



Chapter 12


Naiihi na ako sa kaba. Ilang minuto na lang magsisimula na ang show. Oh my ghad! Ang dami-daming tao. Sabi ni maam Grace ay mga investor daw ang mga yon at mga board of director.


"Relax Shy. I know you can do this."Bulong sa akin ni grace. Hinawakan niya ang nanginginig kong kamay.


"Hindi ko maiwasan na hindi kabahan Grace. Paano kung magkamali ako? Paano kung madapa ako habang rumarampa?" Yumugyog ang balikat ni Grace habang nagpipigil na wag tumawa.



"Hindi na nila yon makikita dahil alam kong hindi ka magkakamali. Galingan mo maraming mga talent scout ang andito baka magustohan ka nila at kunin ka na nila. Shy,it is your time to shine. Baka maging international model ka pa kapag nagkataon."

Ako naman ang napatawa sa sinabi niya." Impossible yan Grace but anyways, Thank you Grace." Sincere kong sabi.


"Ge na maiwan na kita." I just nodded." Good luck. Galingan mo ha?"

Sinundan ng mga mata ko si Maam Grace hanggang makalabas ng pinto. Andito kasi kami ngayon sa back stage. Naghahanda kami para sa show.


"You're so beautiful, Shy." Napalingon ako kay Drake na nasa tabi ko na pala. Kanina lang ay andon siya sa labas para e set yong mga camera na gagamitin niya mamaya sa show. Kanina pa siya abala dahil kailangan niyang kunan ang lahat na andito.



"Thank you Drake. Hindi ka na ba busy?"


He nodded his head. At ngumiti siya sa akin.
"Picture muna tayo, Shy."



"Ge." Nagsmile ako at pumwesto siya sa likoran ko sabay click niya sa phone niya.



"Thanks. Punta kana doon. Magsisimula na kasi." Nakita kong ibinulsa niya ang phone niya sa pantalon niya.


"Oo." puwesto na ako sa backstage. Sasayaw muna kami ng partner ko bilang intermission number.


Nagsimula nang magsalita ang Emcee at wala talaga akong maintindihan sa mga sinasabi niya sa stage kahit dinig na dinig ko ang mga sinasabi niya at hindi nagtagal ay tinawag na din kami para magperform. Nabibingi ako sa sigaw at palakpakan ng mga tao. Feeling ko lalabas na yong puso ko sa sobrang lakas ng talbog nito. Nagpost pa nga lang kami nito ha. Hindi pa kami nagsimulang sumayaw niyan. Pero maslalong lumakas ang sigawan ng mga audience nang nagsimula na ang tugtug. Ibubuhos ko lahat ng lakas ko para maging successful ang show na to ayoko kong mapahiya si maam Grace at si mrs. Ching.



"Woooh! What a brilliant dance!" Comment ng Emcee ng matapos ang intermission number namin. Hindi ko alam kung paano ko sinimulan at tinapos ang sayaw namin. Sinalubong ako ng mga staff sa backstage at nagcongratulate sila sa akin.



Maya-maya pa ay tinawag sa stage si Mrs. Ching. Nagpasalamat siya sa lahat na dumalo at lalo na sa diyos. After that they play an advertisement na ginawa namin sa pinas hawak yong mga ene-endorse kong mga new products ng SP. Napaluha ako ng makita kung maganda pala ang result pati din yong mga pictures ko. Ang gaan pala sa pakiramdam.


The show was very successful. Madaming natuwa sa show, lalo na nong lumabas na ako para sa huling rampa ko. Lahat ng mga tao don ay talagang sa akin nakatuon ang kanilang mga mata. Marami ding nagtatanong kung saan daw ako nakuha nina mrs. Ching ng ipinakilala nila ako sa harapan ng mga board of directors at investors ng matapos ang show. Tapos na show pero may party pa kaya andito ako sa harapan ng mga kaibigan at kakilala ni Mrs. Ching na mommy ni Maam Grace.

Mr. Pretty Boy Meets Ms. PimpleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon