Chapter 8

16 2 0
                                    



Chapter 8




Nagselfie muna ako bago pumwesto sa kalsada para maghintay ng masasakyan ko papuntang studio para sa training ko.



"Sana camera na lang ako no?" Napalundag ako ng may biglang nagsalita sa kung saan.



"Ano ba? Nanggugulat ka na naman eh?" Singhal ko don sa taong nanggulat sa akin. Tinignan ko ito ng masama.


Siya na naman? Oh my? Kailan ba ito magsasawa? I rolled my eyes like hindi ko gustong andito siya ngayon.


"Kahit hindi bakit ang sagot mo ok lang." He just wink. Hindi man lang niya pinansin ang nakakamatay na tingin ko sa kanya. May pagka abnoy pala ang taong to. Tse.


"Anong sabi mo kanina hindi ko nadinig?" I rolled my eyes again para makita niya ulit na naiirita ako sa kanya. Tsk!


"Sabi ko sana camera na lang ako." Inulit pa talaga. Binigyan ko siya ng "bored look".



Wala na bang bago?


"Para mapadelevep mo? Sos! Alam ko ang mga linyang yan! Yan ang mga sinasabi sa mga taong paasa!" I was about to turn my back at him but he easily grab my wrist kaya napaharap ako sa kanya. I narrowed my eyebrows to him. Kunting-konti na lang masasapak ko na talaga ang taong to. Wala akong paki kung gwapo na naman siya sa sout niyang long sleeve na tinupi ang manggas hanggang siko. Napailing na lang ako sa mga sinasabi ng isip ko. Gosh! Did I complement him? Oh no! This is bad!



"Ano ka ba? Nilalahat mo naman eh. Iba ako sa kanya o sa mga lalaking nakilala o nanakit sayo. Hindi kita idedevelop. Pangingitiin lang kita. Kasi isang ngiti mo lang maganda na ang araw ko. Ngiti ka nga ulit?" Hindi ko alam kung ano ang erereact ko. Pero tong puso ko? Kanina pa namimilipit sa pagtalon.


Tinapik-tapik niya ang pisngi ko at ngumiti siya ng malaki. He pinched my cheeks at tumawa siya ng malakas.



I gulp when my heart beats so fast. Oh my! Bakit mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko? He laugh out loud at hindi fake yong tawa niya. And that makes me crazy. Oh my! Hindi na maganda to. Para akong naestatwa sa ginawa niya. Ang kanyang kamay na nakahawak ngayon sa pisngi ko ay nagdulot ito ng ibang kasiyahan dito sa puso ko. Masama na to.



"Kiss na yan!"



Save by the bell. Hindi ko kasi alam kung paano ko puputulin ang tingin ko sa kanya. Parang ayokong mawala siya sa paningin ko?



Mabilis akong napalingon sa mga tambay na nagche-cheer sa amin. Then na realize ko na sobrang magkalapit pala kami ngayon ni Mr. Pretty Boy. Paano nangyari yon? May magic ba siya?




"T__igilan mo ako mr. Pretty boy ha! Pag ako nainis sayo at masira ang araw ko ngayon talagang magpapaalam ka na talaga sa eggballs mo!!!" Pinilit kong hindi mabulol sa mga salita ko pero nagkamali ako. Talagang nabubulol ako dahil sa kakaibang tibok ng puso ko. Sheeeet! Kinikilig ako. Parang gusto kumawala ng puso ko dito sa loob ng dibdib ko. Wahhhhh. This is bad! Really bad! kailangan kong pigilan kung ano man itong nararamdaman ko kay Mr. Pretty Boy. Ayoko ko ng umasa ulit baka masaktan na naman ulit ako. Palihim kong kinapa ang dibdib ko kung saan naroroon ang puso ko. Oh my! Hindi na ito normal.


"Mr. Pretty boy? Ako ba yon?" He smile at me widely halos kita ko na ang gilagid niya pero bagay parin sa kanya. Habang ginawa niya yon parang may liwanag sa paligid ko o nagday-day dreaming na naman ba ako? "Gwapo ba?" Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong sobrang lapit na ng mukha niya sa akin.


Mr. Pretty Boy Meets Ms. PimpleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon