Chapter 7

14 1 0
                                    




Chapter 7


Grabe ang hectic naman talaga ng schedule ko. Kahapon lang boung hapon kaming nagpermahan ng cotracts tapos ngayon magsho-shopping daw kami ni maam Grace. Wahhh nakakapagod! Hate ko pa naman ang maglakadlakad sa mall kahit noon paman pumapasok lang ako ng mall kapag may bibilhin ako. Tsk.



Pero anong oras na? Kanina pa ako naghihintay kay maam Grace ayaw ko pa namang pinaghihitay ako. Char! Ako pa yong galit ha? Baka napaaga lang talaga ako ng dating. Well, ako naman yong tao na ayaw kong may  naghihintay sa akin ng matagal kasi alam ko ang feeling nang naghihintay. Tulad ngayon? Mas gusto ko yong ako ang naghihintay pero sa mga ganitong sitwasyon ha! Hindi sa mga lalaking walang balls! Tse. Nakakainis! Nakakaloka?! Bakit ba ako nag-iisip ng mga ganung bagay? Stress lang yan sa buhay. Oh My! Maam Grace where are you na po? Anong pyetsa na? Dalawang oras na akong nakatayo dito sa labas ng entrance. Panay pa naman ang tingin sa akin ng mga taong pumapasok sa mall at pasimpleng itinatago yong dala nilang bag. My Gosh! Alam kong hindi halata sa mukha kong puno ng tigyawat pero hindi ako snatcher! Tse. Sampalin ko kayo ng picture ko noon e. Tss. Iniripan ko yong isang babae na matalim ang tingin sa akin. Tse. Ito talaga ang nangyayari sa mga early birds.



"Pangit." Bulong niya.


Wow ha? Ako ba yong pinaparinggan niya? Hiyang-hiya naman ako sa bilbil niyang umabot hanggang sa mukha. Tss. Pa RF ka na teh?


May bilbil pala ang mukha?





"Sorry Shy kong natagalan ako. Inayos ko pa kasi ang schedule mo." Sabi niya at sabay beso sa akin. Wow ha! Secretary ko na pala ngayon ang boss ko. And gusto kong idagdag sa sinabi niya na hindi lang siya natagalan kundi sobrang tagal niya talaga. Imagine 2 hours akong naghihintay dito kay maam Grace? Pero joke lang. di ko pwde sabihin yon baka ipatapon pa ako nito sa pluto. 😊



"Sana po ako na ang gumagawa non." Nakakahiya kaya na siya pa yong umayos sa mga schedule ko.


"Trabaho ko yon at tsaka ayokong mastress ka. Tsaka  wag mo na akong po pohin kasi magkasin-edad lang naman tayo." Ang bait talaga ni Maam grace at ang ganda pa. Siya na lang kaya yong gawing model? Para hindi na sila gagastos ng malaki sa akin. Hay!


"Ehhh..." kahapon pa namin to pinagtalonan. Ang sabi ko sa kanya ako na ang bahala sa lahat ng schedules ko pero ang kulit talaga ni Maam Grace. Tsaka heto pa? Anong itatawag ko sa kanya?



"Grace lang dapat ang itawag mo sakin.Wag ka nang umangal. Pepektosan kita." Pabirong niya akong tinapik. Oh dba ang cool ng boss ko. "Lets go na sa loob" hinila na niya ako papasok sa loob ng mall.


Kung makapanghila naman to si maam grace? Close lang? O nagmamadali lang? Kaya ko naman kasing bumili ng damit ng ako lang mag isa dba? Tsaka bakit ba ako andito? Di naman ako mamimili ng damit.


Pumasok kami sa isang boutique. Wala akong pera. Pili siya ng pili ng mga damit, short pants, dress at marami pang iba. Bumili din siya ng bags at traveling bag. Siguro mag-aabroad to si maam. Ang dami niyang binili. Wow! Iniisip ko kung gaano kalawak yung walk in kabinet niya. Kasing laki rin kaya nong sa akin noon? Hay!


"May business trip kayo maam?" Tanong ko ng magpahinga kami saglit. Nakayuko lang kasi siya busy siya masyado sa cp. Kanina habang pumipili siya ng mga damit busy din siya sa pagsagot ng tawag sa cp niya. Busy siya pero nakapagshopping  parin? Grabe talaga tong mga mayayaman na to. Tsk. Mas nakakapagod palang maging alalay noh? Feeling ko kasi ako ang alalay ni Maam Grace. Kahit saan siya andon ako at tinatanong pa ako kung gusto ko ba daw yong damit o hindi. Pero hindi naman niya ako hinayaang sumagot sa tanong niya. Parang excited siya sa mga pinamili niya na ewan? Ewan ko? Duh! Di ko na problema yon. Tse.



Mr. Pretty Boy Meets Ms. PimpleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon