Chapter 2

16 2 0
                                    






Nakakapagod naman ang araw na ito parang ayokong bumangon para magtrabaho pero hindi pwde, kailangan kong magtrabaho para may makain ako. Pinilit ko ang sarili ko na bumangon kahit masakit ang katawan ko. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Dahan-dahan kong ginawa ang mga morning rituals ko. Feeling ko lalagnatin ako. Uminom din kaya ako ng feeling na gamot para feeling na gumaling din ako. Lol.



3 months na ang nakalipas mula nangyari yon sa amin ni mr.prettyboy sa parking lot at di na ulit siya nagpafacial sa amin. Siguro naghanap na yon ng ibang facial spa. Bakit ba parang nalulungkot ako? Tss. Ignore! Erase! Erase! Piktosan kita jan Shy e. Dapat matuwa ka nga kasi di na bumalik ang mukong. Safe na ang puso este safe kana sa gagong yon. Bakit ba nadadamay lagi sa usapan ang puso ko? My Gosh! Nerendahan na kita heart kaya wala kang karapatang magmahal. Kaya manahimik ka diyan.


Nababaliw na ata ako. Kausapin ba ang sarili? Tsk!



Tumunog ang chime. Meaning may pumasok sa clinic. Nandito na kasi ako sa Skin Perfect at kasalukuyan akong naglilinis.

"Good morning po." Bati ko sa customer na pumasok sa clinic nakayuko pa ako sa ilalim ng counter kasi may pinupunasan pa ako. Opener ako kaya ako lang mag-isa ngayon. Mamaya pa sina Maam Lynn.


"PaFacial." Boses palang kilala ko na to. Kahit isang beses palang kaming nagkatagpo. At Sana hindi ko na lang inangat ang ulo ko. Sana hindi ko nalang siya naisip kanina. Nagsisisi tuloy ako. Hindi ko naman siya iniisip ah! Napaisip lang ako kanina sa kanya.


I cleared my throat. " wala pa po si Aileen sir. Bumalik na lng kayo mamayang 1pm." Sabi ko. Inabot ko ang mask ko at isinout yon. Para takpan ang pimples ko.


"I want you to handle me." Simpleng sabi niya. Parang di na siya galit ah.


"But..."


"No buts ms. Pimple" putol niya sa sasabihin ko.

Tinitigan ko siya sa mata at naghihintay ako ng "joke lang." pero wala talaga lumabas sa bibig niya. As in close lang yong bibig niya.




"Do I need to repeat myself Ms. Pimple?"


Bahala siya. Hindi pa ata nadala. Patago akong umirap. "3,500 po." Pinili ko yong pinakamahal na treatment namin. May mas mahal pa nito pero for acne yon. E wala naman tong acne kaya for normal type of skin lang ang inoffer ko.


"Too expensive." Matipid niyang sabi. Tch. Napakakuripot talaga ng lalaking to.


"Complete package na po siya sir. May deep cleansing na po kayo at treatment po to redefine the contours of your face at may vitamin c mask na din po para hindi po mamumula yong face niyo after pricking." Subok lang naman kung aangal. May kung ano dito sa puso ko ng magkatagpo ang mga mata namin. Di ko gusto ang reaksyon ng puso ko. At di ko rin gusto ang mgat mata niya na seryosong nakatitig sa mga mata ko. Shit! "Sensitive po yong face niyo kaya kailangan niyo po ang treatment na yon." Umiwas ako ng tingin sa kanya.


"Ok." Nagulat ako sa sagot niya. Akala ko aayaw siya o magwawala o maninigaw. Like what he did nong andito siya. Pero ngayon? End of the world na ba? Bumait ah!



"Pakisulat po ng name niyo dito sir. KIRCK HOULWERSIC.

Hmmm. Foreigner? Pero mukhang pinoy naman siya? Tss. Wala akong paki.



"This way po sir." Giniya ko na siya sa loob at pinapasok ko siya room. Baka magbago pa ang isip niyo. Pinahiga ko siya sa bed at nilagyan ng breast towel sa dibdib niya para hindi madumihan yong edge ng damit niya. "Prepare lang po muna ako sir." Sabi ko. Guminhawa ako ng malalim bago ako nagprepare ng facial set.


Mr. Pretty Boy Meets Ms. PimpleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon