Chapter 6

11 1 0
                                    



Chapter 6

"Kumain na muna tayo. Bago ko kayo ihahatid sa mga bahay niyo." Anyaya sa amin ni Mr. Pretty boy.


"Libre mo sir?" Nako! Paglibre talaga. nagstar-star ang mga mata nito. Si Aileen talaga nakakahiya. Nagtulog-tulogan parin ako para makatakas sa kahihiyan na nagawa ko. Pero pinatay ko na ang headset ko.



"Oo my treat." Tsk! Pumayag pa ang gago!



Nako! Pagsisihan mo talaga ang pag-anyaya mo niyan! Malakas yan lumamon!



"Kung ganun sige sir basta libre niyo po to ha." Aileen saan mo ba nilagay ang kahihiyan mo? Basta pagkain talaga!


"Paano si Shy?" Wow himala! Tinawag ako sa pangalan ko. End of the world na ba bukas? Gusto ko siyang tignan pero ayokong buksan ang mga mata ko baka kasi mahalata akong na nagtulog-tulogan lang ako.



"Ok lang yang si Shy sir. Hindi rin naman yan kakain pagdumating yan sa bahay niya. Diretso lang yan sa pagtulog!" Aba! Hindi man lang ako tanongin kong papayag ba ako??? Justice please?



Paalala niyo mamaya ha! na pektosan ko silang dalawa!



Ramdam ko na huminto na ang sasakyan.




"Dito tayo sir? Mahal dito eh. Sosyal. E naka pang uniform lang kami baka pagkamalan pa kaming polubi dyan sa loob." Buti alam mo maam Lynn.


"I owned this French resto. Dont worry." Yabang! Tss.



"Talaga sir! Ang yaman niyo naman pala sir."




"Cr lang muna kami ni Aileen sir." Narinig ko ang pagsira ng pintoan ng sasakyan. So? Nakababa na sila? Hindi man lang ako ginising?




"Ok. Ako na ang bahàla kay Shy." Tapos ayon iniwan na nila ako. Wahhh mga walang hiya! Hindi na talaga ako sasama sa inyo. Paano to? Acting parin ba? Paano?



A. Idilat mo na lang ang mga mata mo Shy. Wag kang umarte di ka maganda!




B. Hayaan mong gisingin ka niya.





C. Wag kang dumilat para halikan ka ulit.





Erase ang letter C! Pahamak!




Bahala na. Ramdam kong lumapit siya sa akin. Gagawin ko kaya yong letter C? Ay hindi! Anong letter C? Bakit ba puro halik na lang ang nasa isip ko ngayon?



Letter A. Didilat na ako! 



Pero nagsisisi ako kung bakit letter A ang pinili ko. Sana ginawa ko na lang yong letter B.


Sobrang lapit kasi ng mukha niya sa mukha ko. Kahit siya nagulat din. Walang gumalaw sa amin kasi pag gagalaw ang isa sa amin sure ng maglalapat ang mga labi namin. Tumitig ako sa mga mata niya. And I hate it! Bakit ang ganda ng mga mata niya? Ang tangos pa ng ilong. At yong labi niya kasing pula mansanas. Labi ba to ni snow white? O nag lipstick ba to? Feeling ko hindi na ako humihinga.




Ba't di mo halikan para malaman mo ang sagot? Bwesit ka! Bakit ka ba nangangaral dyan isip!!!



Gusto mo naman e.



Ikaw na ang gumagawa total ikaw naman yong nakaisip!!!




"Gi__gisi__ngin sana kita using my lips. Pero atat na atat ka yatang matikman ang matamis kong labi ako."



Mr. Pretty Boy Meets Ms. PimpleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon