Pain#2

23.9K 885 87
                                    

ANG akala ni JM ay naka-move on na siya kay Yza dahil nariyan na si Gianne sa kanyang buhay, ngunit isa pala itong pagkakamali. Nang makita niya ang kanyang ex-wife no'ng araw ng kanyang kasal ay bumalik sa kanya ang lahat. Bumalik ang araw kung paano niya ito ipinaubaya para mabuhay lang ang pinakamamahal niyang kapatid; ang araw na pumatay sa kanya, ang araw na wala na siyang mailuha pa sa sobrang sakit. Nang magkita sila ni Gianne sa resort, inakala niyang totally naka-move on na siya. Puro saya at kaligayahan ang naramdaman niya sa piling ni Gianne. Kaya naman nang mabuntis niya ito ay agad niya itong niyayang magpakasal. Ano ang kanyang gagawin ngayon kung sa bawat oras ay laman ng kanyang isipan ang dating asawa?


Para siyang sinasakal sa isiping nasasaktan na sa mga nangyayari ang kanyang asawa. Papaano kapag nalaman ni Gianne na ang Yzabelle na pinakamamahal niya ay ang pinsan nito? Ano ang mangyayari sa kanila? Hindi na niya alam ang gagawin. Ang gulo-gulo na ng isipan niya at kung uuwi siya sa bahay ay mahihirapan siyang makita ang kanyang asawa na nasasaktan.


Halos dalawang buwan na mula nang ikinasal sila at hindi pa rin niya natutupad sa asawa ang pangako. He promised her na dadalhin niya ito sa Paris at doon sila magsi-stay nang isang buwan para sa kanilang honeymoon. Ngunit hindi na niya kayang tuparin ang pangakong 'yon.


Lasing na lasing na umuwi ng bahay si JM. Gano'n pa man ay palaging naghihintay si Gianne sa kanyang pagdating. Matiyaga ito na inaalalayan ang asawang halos hindi na makagulapay sa kalasingan. As usual, sa sofa ito hahantong at doon na niya ito huhubaran para bihisan ng pantulog.


"I'm so sorry, Gianne. Hindi ko sinasadya na masaktan kita. Patawarin mo ako kung nangyari sa atin ang bagay na ito. Gulong-gulo na ang isipan ko at hindi ko alam kung ano pa ang tama at mali. Ang alam ko lang ay mahal na mahal ko pa rin siya."


Hilam sa luha si Gianne matapos mabihisan ang kanyang asawa. Nagmamadali siyang umakyat sa kanilang kuwarto at doon humagulgol. Anim na buwan na ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Miss na miss na niya ang asawa pero palagi naman siyang iniiwasan nito at uuwian na lasing.


"Anak, kumapit kang mabuti. Sorry sa nangyayari sa amin ng daddy mo. Hayaan mo, anak, ngayon lang 'to. Pero promise, mahal na mahal ka ng daddy mo." Habang hinahaplos ang sariling tiyan ay walang-tigil ang pagtangis niya. Gustong gusto na niyang umalis, pero hindi niya kayang iwan ang kanyang asawa. Mahal na mahal niya ito. Isa pa, sa kalagayan niyang ito ay hindi siya puwedeng basta umalis. Kailangan niyang magtiis muna hanggang sa makapanganak siya.


***


SA paglipas ng mga araw ay walang nagbago sa kanilang pagsasama. Trabaho, office at pag-iinom ang kaulayaw ni JM. Sa umaga paggising nito ay balewalang kakain at maliligo then papasok sa trabaho. Gano'n na sila sa araw-araw. Idinadaan na lang din ni Gianne sa kaiiyak ang lahat ng sakit at hinanakit niya sa buhay.


Isang text messages ang natanggap ni Gianne mula sa hindi kilalang numero.


From: 0959*******

Go to this place. Your husband has a surprise for you, don't miss it.


Nagdadalawang-isip siya kung pupuntahan niya ang lugar dahil anytime ay puwede na siyang manganak, pero baka maghintay ang kanyang asawa.

BOOK #3: SACRIFICES OF A BROKENHEARTED  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon