GINAMIT ni Marcus ang kaniyang connection. Matapos masigurong safe ang mag-ina sa pinagdalhan niyang lugar ay binayaran din niya ang mga nurse at ibang doctor para manatiling sikreto ang lahat. Malakas ang kaniyang pakiramdam na hindi mabuti ang kalagayan ng babaeng tinutulungan niya sa asawa nito. Ayon sa cctv na ipinadala ng kaniyang tauhan ay nahuli nito ang asawa na may ibang babae sa loob pa mismo ng pag aari niyang apartment building. Kung saan din nahuli nito na may babae ang asawa na naging sanhi ng pagbi-bleeding nito. Matapos makapag bilin sa dalawang babae na magiging kasama ng mag-ina ay plano na niya sanang umalis ng mag ring ang kaniyang cell phone.
"Yes, Hello?"
"Sir, pinaghahanap na ng mga Montemayor ang mag-ina. At kagagaling lang nila ng hospital," nagmamadaling sambit nang kausap niya sa telepono.
"Siguraduhin mong mananatiling sikreto at walang magsasalita sa mga staff ng hospital," paalala ni Marcus sa kausap.
"Yes boss, ako na ang bahala dito at babalitaan na lang kita," tugon nito.
"Good," sabay cut ng linya.
Nilingon ni Marcus ang tulog na babae. Ang sabi ng doctor nito ay anytime magigising na ito. At ang baby ay nagsimula na sa pag iyak.
Marcus is the grandson of the rich Ortega family. Naririto siya sa Pilipinas para sa kagustuhan ng namayapa niyang lolo sa side ng kaniyang ama. Hindi masyadong malinaw ang mga sinabi ng abuelo bago ito namatay. Basta ang alam lang niya ay may kapatid siya sa Pilipinas. Ayon sa kaniyang lolo ay na buntis lang ng kaniyang ama ang magandang modelo na isang Filipina. At ng ipinanganak siya ay pinalabas na namatay sa oras na iniluwal ng kaniyang ina. Itinago siya ng ama at dinala sa Europe, dahil nag iisa siyang lalaki sa angkan ng kaniyang ama. Nong mamatay ang ama ay saka lang ipinagtapat nang kaniyang lolo ang lahat. Three years ago ay nalaman niyang sa squatter area lumaki ang kaniyang kaisa-isang kapatid. At noong puntahan niya ito ay wala na. Ang sabi ay may lalaki daw na sumundo dito dahil buntis pala iyon.
Magmula ng araw na iyon ay hindi na niya nalaman kung saan nakatira ang kapatid pero hindi siya tumigil sa paghahanap. Until one day, may babaeng buntis siyang nakita na nakahandusay sa loob ng elevator na aga naman niyang tinulungan.
Malakas ang pakiramdam niya na may connection sila nito noong mabuhat niya ang buntis na babae. Nakaramdam siya nang lukso nang dugo nang magdikit ang kanilang balat, kaya naman agad na nag request siya nang DNA test sa pagbabakasakali na ito ang kaniyang hinahanap na kapatid.
Noong lumabas na ang DNA result, laking gulat ni Marcus nang napatunayan niyang ito na nga ang matagal na niyang hinahanap. Sisiguradohin niyang ilalayo ang mag ina sa asawa nito at sa buong Montemayor. Wala siyang pakialam kung ano ang kahinatnan ng lahat. Basta masiguro na ligtas at maging maayos ang mag-ina.
"Ugh..." bumalik siya sa realidad nang marinig ang daing nito. Lalo na ng lumakas na ang ungol na tila nahihirapan. Kaya mabilis na lumapit siya at inalalayan maka upo. Nilagyan pa niya ng unan ang bandang likuran nito para maging komportable sa pagkaka sandal sa headboard ng kama.
"W-who are you? Nasaan ako, a-ang anak ko?"
"Shhh... relax Miss, narito ka sa bahay bakasyunan ko sa mansion. And don't worry wala nang makakapakit sa inyo dito."
Nagugulohan man si Gianne ay nanahimik na lang siya. Sa ngayon ay kailangan niya ng shelter para sa kanilang mag-ina.
"S-salamat ho, p-pero bakit ako naririto? S-sa inyo ba bahay na ito at s-sino ho kayo?" may pag alaalang tanong niya sa matangkad na lalaki.
"Sa ngayon hindi ko pa masasabi sayo, pero please wait kahit five days lang. May gusto lang akong masigurado at saka ko sasabihin sayo ang lahat. Basta sa ngayon ang masasabi ko lang ay safe kayong mag-ina dito."
BINABASA MO ANG
BOOK #3: SACRIFICES OF A BROKENHEARTED (COMPLETED)
General FictionAUTHOR NOTE: SA MGA GUSTO NG HARD COPIES, PAKI PM LANG AKO SA FB🥰 JM & GIANNE PLEASE, DON'T DO THIS TO ME! PATAWARIN MO AKO KONG NAGAWA KO IYON. MANIWALA KA SA AKIN MAHAL KITA AT HINDI KO GINUSTO ANG MGA NANGYARI. PINAGSISIHAN KO NA ANG LAHAT NG MA...