Ilang weeks na ang lumipas mula ng dinala siya ng kanilang president sa lugar na iyon. At sa mga nakalipas na araw ay hindi na niya ito nakita pa. Ayaw naman niyang magtanong baka kong ano pang isipin ng nga staff. Ang kanilang Chairman ay naka schedule na ang lipad patungong europe. Talagang mananatili siya sa bansang Muslim, mabuti nalang at open city ang Dubai. Sa tutuo lang ay hate niya ang lugar na ito dahil sa climate. Minsan ginusto niyang marating ito pero para mag tour at hindi mag work. Ngayon na dito siya naka base ay mapipilitan siyang manirahan sa mainit at maalikabok na lugar na ito. At ang mga anak niya ay matatagalan bago makita na ikinaiinis talaga niya.Tumayo at nagtungo sa kanyang private room. Pagod na naupo sa sofa at tumingala saka pumikit. Gusto niyang mag relax kahit saglit, kalimutan ang hindi maganda niyang sitwasyon. Napadilat ng maalala ang Chairman, tumayo at nag halungkat sa bawat sulok ng kwarto. Sigurado siyang may kakaiba sa silid na ito. At iyon ang kanyang aalamin. Inisa isang buksan ang mga drawers, shelves at iba pang maaring lalagyan ng mga Documents. Napasandal sa gilid ng window glass ng malamang empty lahat ng iyon. Hindi sinasadyang mahulog ang kanyang ballpen na hawak. Gumulong iyon patungo sa ilalim ng kama. Nagmamadaling nag yuko at pinilit abutin iyon ng may makapa siyang kakaiba.
"What is this? Hawak ang isang katamtamang puting envelope ay agad na binuksan iyon.
Natutop niya ang sariling bibig ng bumungad sa paningin ang mukha ng kuya Marcus niya. Hindi siya maaring magkamali kahit kabiyak na mukha lang nito ang nakalabas.Nakahiga ito sa isang hospital bed at may mga benda. Isa pang picture ang naruruon at mukha iyon ng kanilang Chairman. Binasa niya ang nakatuping papel at ganon nalang ang panginginig ng kanyang mga kamay. Kasabay ay ang pagdaloy ng mga luha. Napahagulhol siya at halos madapa sa pagtakbo palabas ng kanyang opisina. Panay ang dasal na sana ay maabutan pa niya ang Chairman bago ito makaalis.
"May problema ma'am?
"Where is the Chairman?
"Kanina pa ho nakaalis, may kailangan ho ba kayo?
"How about the President?
"Magkasama ho silang lumipad ma'am.
Nanghihina ang kanyang nga tuhod na napaupo sa sofa na naruruon. Malakas ang pakiramdam niya na may something between Chairman and President. Kailangan niyang alamin kong ano iyon. Nararamdaman niyang may matutukalasan siya, may hiden agenda kong bakit siya naririto.
May dinayal an numero sa kanyang cellphone.
"I need your help as soon as possible.
"I will, give me one week.
"Siguradohin mo na hindi ka papalpak.
"Jusko wala kang tiwala sa akin?
"Hindi naman sa ganon, ah basta next week dapat may result na.
"Copy Madam! Bye Ha Ha Ha...
"What funny? Tot Tot Tot....
Napamura nalang siya ng mawala sa linya ang kausap.
Habang lumilipas ang nga araw ay naiinip na siya. Gusto na niyang makita ang kanyang mga anak. Nagsasawa na siya sa kaka skype, messenger at mga social media para lang makita ang mga anak. Ang gusto niya ay mayakap at mahalikan ng dalawa. Pero anong gagawin niya, hindi siya maaring umalis at iwan ang kanyang position. Sa subrang frustration ay nagtungo siya sa lugar na maari siyang uminom.
Isang foreign bar ang napasokan niya. Sa entrance palang gusto na niyang umatras. Mausok, subrang ingay ang maharot na tugtog, maraming lasing at karamihan ay mga black people. Mga matang nakatutok sa kanya at kinilabutan siya sa isiping baka may masamang mangyari sa kanya. Nagmamadaling humakbang pabalik pero may humarang sa kanya.
BINABASA MO ANG
BOOK #3: SACRIFICES OF A BROKENHEARTED (COMPLETED)
General FictionAUTHOR NOTE: SA MGA GUSTO NG HARD COPIES, PAKI PM LANG AKO SA FB🥰 JM & GIANNE PLEASE, DON'T DO THIS TO ME! PATAWARIN MO AKO KONG NAGAWA KO IYON. MANIWALA KA SA AKIN MAHAL KITA AT HINDI KO GINUSTO ANG MGA NANGYARI. PINAGSISIHAN KO NA ANG LAHAT NG MA...