Painfull#14

18.8K 849 66
                                    


One week na ang nakalipas mula ng magkita silang mag aama sa hacienda. Ganon din ang di inaasahang pagkikita nila ni Gianne sa highway. Pero wala siyang maisip kong may dapat siyang gawing move. Sunday kaya naman naisipang pumunta sa mall na pag aari mismo ng pamilya. Matagal na siyang hindi nakakapasyal duon at may kailangan din siyang bilhin sa men's shop.

Simpleng jeans at t-shirt ang kanyang suot na pinatungan ng hoody jacket. Pagpasok sa luob ng mall ay isinuot sa uli ang hoody para di siya masyadong mapansin ng mga tao. Pero dahil sa subrang tangkad ay pansinin parin siya.

Madadaanan niya ang mga boutique ng relo kaya naisipan na dalawin din ang kaibigan sa Rolex Watch Gallery. Nakatalikod ang kaibigan kaya naman sinamantala niya iyon agad na nilundag ito.

"Dammit....! Malakas ma sigaw nito sa pagkagulat.

"Ha Ha Ha kumusta na fvcker?

"Oh my man...! Kailan kapa dumating? Bakit hindi ka muna tumawag?

"One week na ako dito, let's go pare...

"Sandali pare "give me thirty minutes may importante akong client na parating. Alam mo naman sayang din iyon baka biglang mag back out pag hindi ako maabutan. Magikot ikot ka muna riyan.

"Sige, punta muna ako sa men's shop.

"Okay, basta thirty minutes.

"Sure pare.

Sa katapat na lady's boutique nakatayo si Gianne. Panay tingin sa sariling relo dahil late na siya sa pupuntahan.

"Hey! Is that you cassandra?

"And you are?

"Janus" kaibigan ako ng kuya Marcus mo, i know hindi mo ako natatandaan. One time lang tayong nagkita at saglit lang. Sino pala ang hinihintay mo? Bakit ka nakatayo dito?

"Ah yong kasamahan ko sa work, dito kasi ang meeting place namin. Mukhang na trafic iyon kaya wala pa.

"Gusto mo tawagan mo nalang siya at ako na ang maghahatid sayo sa pupuntahan mo?

"Huwag na maaabala pa kita, baka parating na din iyon.

"Hindi ka nakakaabala at free time ako ngayon kaya halika na ihahatid na kita.

Iilang beses pang tumingin siya sa kanya relo pero talagang late na siya. Wala pa naman ang kanyang kotse dahil nagka aberya kaya na sa talyer.

"O-okay lang ba talaga sayo?

"Of course, halika na.

Kinilabutan si Gianne ng dumantay ang kamay ng lalaki sa kanyang braso. Gusto niyang hilahin iyon pero nakakahiya naman kong gagawin iyon. Isa pa inaalalayan lang naman siya nito kaya sinikap na maging normal ang kilos.

"Oh my man, 'bakit nanghahaba yang leeg mo at sino ang tinitingnan mo?

"W-wala naman dude parang kilala ko lang yong couple. Oh akala ko ba thirty minutes?

"W-wala eh tumawag yong client, nagka emergency daw kaya bukas na niya kukunin yong item.

"Good, let's go dating gawi.

"Dating gawi ba? Akala ko nagbago kana Ha Ha Ha.

"Ang hirap dude at kahit ilang beses mo pang baguhin ang lahat. At the end iiwan ka din niya. Mas masakit lang ang alam mong nagsakripisyo ka para sa kanya pero "goodbye" lang pala.

"Hugot ba yan "my man? O tutuo na, masyado kang seryoso. Until now siya parin ba?

"I don't know at ayaw ko nang alamin pa. Mas okay na ako sa buhay ko ngayon.

BOOK #3: SACRIFICES OF A BROKENHEARTED  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon