"Confirm, na mayroong amnesia ang dating asawa mo JM magmula nang maising siya sa pagkaka-coma ay wala na siyang naalala pa."
"Paano mo nalaman ang tungkol doon Jake?"
"May kaibigan akong doktor sa mismong ospital na kinaroroonan ni Gianne."
"Ah, okay, sige salamat."
"Welcome pinsan, ngayon gabi ang lipad ko pauwi ng Pilipinas baka may ipagbibilin ka?"
"Wala naman, regards na lang sa kanilang lahat doon."
"Okay sige, maiwan na kita."
"Ingat pinsan."
"I will, bye."
Nag ring ang cellphone ni JM, ang kaniyang pinsan si Josh yon, kaya kumaway na lang siya sa pinsang si Jake.
"What's up? Kailan ang uwi ninyong mag-ama dito sa Pilipinas? Ang sabi ni Auntie Trisha ay plano mong ilipat dito ang anak mo?"
"Hindi pa sigurado dahil pinag iisipan ko pang mabuti kung tama ba na bumalik kami riyan. Kaya lang nakita ni Harry si Gianne sa news kaya gusto niyang umuwi raw at nang makita ang kaniyang ina. Kaya lang ay nag aalala ako na baka masaktan lang ang aking anak."
"Bakit hindi mo subukan, sabi mo mahal mo pa ang ex-wife mo. Ito na ang pagkakataon ligawan mo uli, tamang tama may amnesia hindi ka mahihirapan pa."
"Hindi gano'n kadali 'yon baka magkamatayan lang kami ng Marcus na 'yon."
"Bakit iyan ang iniisip mo? Limang taon na ang nakalipas baka nagbago na ng pananaw ang Kuya ni Gianne. Saka baka ikaw pa ang makatulong sa kaniya para bumalik ang alaala niya.
"Pag iisipan ko muna pinsan."
"Sige ikaw ang bahala, bye."
"Bye."
SA Germany ay nakatanggap ng tawag si Marcus at hindi napigilan ang magalit. Talagang hinahamon siya ng mga Montemayor na ito. Matagal ng hiwalay ang kapatid at ai JM na yon para magkaroon pa ng ugnayan sa mga Montemayor ngunit ano itong kaniyang nabalitaan? Ngayon niya na realize na maling binigay nila ang anak ng kapatid sa ama nito. Siguro kung hindi niya sinunod si Gianne sa kahilingan nito ay tahimik sana ang kapatid ngayon. Sa mga ginawa ni JM sa kanyang kaisa isang kapatid ay galit na galit pa rin siya dito. Kailangan niyang kumilos bago pa makagawa ng hindi maganda ang mga Montemayor. Kaya agad na tinawagan ang kaniyang kaibigan.
"Hello, dude napatawag ka?"
"I need your help bro."
"What help do you want?"
"Si cassandra nariyan sa Pilipinas, at ayaw kong magkaroon pa ng ugnayan ang kapatid ko sa lalaking iyon."
"Pakakasalan ko na ba ang kapatid mo?"
"Yes, as soon as possible! Ako ang bahala sa company mo. Basta siguraduhin mong kasal lang kayo sa papel at huwag na huwag mong hahawakan kahit dulo ng daliri ni Cassandra!"
"Baliw! Paano ko isusuot ang singsing kung pati daliri ay hindi ko pwedeng hawakan?"
"Ah, basta darating ako bukas kaya mag ready ka na dahil next week ay ikakasal kayo dito sa Europe."
"Ang lakas ng sapak mo dude, eh kong hayaan mo na lang kaya ang kapatid mo sa akin? Hindi ko siya sasaktan pangako....
"Fuck you! Kung hindi kita kabababata ay baka maniwala pa ako sa iyo! Kahit utot mo ay kilalang kilala ko kaya tigilan mo ako Janus."
BINABASA MO ANG
BOOK #3: SACRIFICES OF A BROKENHEARTED (COMPLETED)
General FictionAUTHOR NOTE: SA MGA GUSTO NG HARD COPIES, PAKI PM LANG AKO SA FB🥰 JM & GIANNE PLEASE, DON'T DO THIS TO ME! PATAWARIN MO AKO KONG NAGAWA KO IYON. MANIWALA KA SA AKIN MAHAL KITA AT HINDI KO GINUSTO ANG MGA NANGYARI. PINAGSISIHAN KO NA ANG LAHAT NG MA...