Island#1

34.6K 983 53
                                    

DUMATING sa El Montemayor Private Resorts si JM galing sa ilang buwan niyang pagliliwaliw sa iba't ibang bansa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DUMATING sa El Montemayor Private Resorts si JM galing sa ilang buwan niyang pagliliwaliw sa iba't ibang bansa. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang nangyari sa kanila ni Yza pero kailangan niyang tanggapin na wala na ito sa buhay niya. Isa pa ay annulled na silang dalawa ni Yza kaya dapat na talaga niya itong kalimutan.


Ilang bansa na ang napuntahan ni JM pero hindi pa rin siya makawala sa sistema ni Yza, ang babaeng minahal niya mula pa nang unang araw na makita niya ito. Pero dahil sa kapatid niya ay sinikap niyang kalimutan ito.


Dito muna siya sa isla, dahil kung nasa Maynila siya ay hindi niya maiiwasang makita ang dating asawa sa mansiyon. Isa pa, ang gumugulo sa isipan niya ay si Gianne Cassandra Lopez, ang babaeng inabutan niya sa mansiyon nila noong panahong ipinaubaya niya ang asawang si Yza sa kanyang kapatid na si Charles. Hinalikan niya ang dalagang iyon. Siguro dahil sa sobrang frustration niya sa nangyayari sa pagitan nila ng kapatid, pati ang dalaga ay napagbalingan niya.


Naglalakad-lakad siya sa dalampasigan nang makuha ang kanyang atensiyon ng isang babaeng sa tingin niya ay binabastos ng mga kalalakihan. Nagmamadali niya itong nilapitan at agad na tinulungan. Hinarap niya ang mga kalalakihang nagpipilit na hawakan ang babae. Mabuti na lang at may mga guwardiyang nakakita sa nangyayari at agad hinabol ang mga lalaking agad nagtakbuhan. Pagbaling ni JM sa dalaga ay nagkagulatan pa sila nito.


"You?"


"Ikaw?"


Sabay pa nilang tanong sa isa't isa. "Kailan ka pa rito?"


"Kararating ko lang. Ayaw ko nga sana pero gusto ni Tita Trisha na dito muna ako para daw makalanghap ako ng sariwang hangin at makapagpahinga."


"I see. Let's ride a boat, mamasyal tayo."


Natilihan si Gianne. Bigla niyang naisip ang eksenang nangyari sa pagitan nilang dalawa two months ago.


Agad siyang hinila ni JM, ayaw bigyan ng pagkakataong tanggihan siya nito. Isang may kalakihang speedboat ang tinungo nila. Mabilis niyang binuhat ang dalaga.


Napahigpit ang pagkakayapos ni Gianne sa leeg ni JM sa takot na baka malaglag siya sa tubig.


Nang maisakay siya ni JM ay mabilis din siyang umakyat doon. May pagmamadali ang kilos na pinaandar ni JM ang makina ng speedboat at mabilis silang sumibad palayo sa pampang.

BOOK #3: SACRIFICES OF A BROKENHEARTED  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon