NOTE: Sa mga gutong maka avail kay JM, paki mssgs ako sa fb nariyan sa profile ko.
"NO! Hindi ako makapapayag, Dad, Mom, sa gusto ninyong mangyari! Mahal ko si Yza at mahal ko ang mga bata. Isa pa, hindi ba kayo naaawa kay Yza? Napaka-unfair sa part niya ang gusto ninyo!" Napatayo si JM sa pagkakaupo nang dahil sa galit.
"Anak, kaya ka namin pinapunta dito dahil alam naming maiintindihan mo ang sitwasyon ng kapatid mo. Pakiusap, anak, kami na ang nagmamakaawa sa 'yo para sa kuya mo. Sa kalagayan niya ngayon, tanging si Yza at ang mga bata lang ang kailangan niya para mabuhay uli. Ilang beses na kaming kinausap ng mga doktor. Matagal na pala ang depression ng kuya mo. Kaya hindi siya nagigising ay dahil gusto na niyang kalimutan ang masasakit na alaala sa kanyang buhay."
Natigagal si JM nang lumuhod sa harapan niya ang sariling ina habang umiiyak.
"Mommy, please, tumayo ka diyan. Mom, h'wag mong gawin sa akin ito, pakiusap po."
"Anak, please, ikaw ang malakas ngayon, ikaw ang nakakaunawa. Alam naming mahal mo si Yza, gano'n din ang mga bata; pero kapatid mo si Charles, karugtong mo siya. H-Hindi ko kaya na tuluyang mawala ang kuya mo." Napahagulgol na si Trisha, pati ang amang si Dave ay hindi na napigilang tumulo ang luha, gano'n din ang dalawa niyang kapatid.
Unti-unting nawalan ng lakas ang mga tuhod ni JM. Hindi niya kayang makita ang mga magulang na umiiyak, lalo na ang kanyang mahal na ina na nagawa pang lumuhod sa kanya para sa buhay ng kuya niya.
"Mommy." Sabay hila sa magkabilang braso ng ina at itinayo ito saka mahigpit na niyakap.
"P-Payag na po ako," garalgal ang boses na pahayag niya.
"Puntahan ko po muna si Kuya. Gusto ko siyang makita at makausap kahit tulog siya. Siguro maririnig naman niya ako."
"Salamat, anak." Sabay tango ng mga magulang niya.
Mahigpit na niyakap nina Chariz at Tristan si JM. "Salamat, Kuya."
Parang natutulog lang si Charles at naibalik na ang nasira nitong balat sa pamamagitan ng plastic surgery. Pero dahil sa maraming tubo ang nakakabit dito ay malalaman mong talagang malubha ang sinapit nitong aksidente. Lumapit si JM sa kanya saka tumungo at idinikit ang labi sa tainga ng kapatid.
"Kuya, please wake up. Mahal na mahal ka namin. Ang daming naghihintay sa pagbalik mo, kaya gumising ka na. Sina Mommy, Daddy, Chariz, Tristan, ako, at ang pinakamamahal mong si Yzabell pati na ang mga anak ninyo, kaya dapat magising ka na."
Hindi na namalayan ni JM na nakayakap na siya sa kuya niya habang umiiyak.
"I'll let her go. Ibabalik ko na siya sa 'yo pati na ang mga anak mo. Kahit masakit, sa pangalawang pagkakataon, magpapaubaya uli ako para sa 'yo. Mahal kita, Kuya, mahal na mahal, dahil kapatid kita at iisa tayo. Naalala mo ba noong maliliit pa tayo? Nangako tayo sa isa't isa na kahit ano'ng mangyari, walang makakasira sa pagiging magkapatid natin. Kung sino ang nakakaunawa o kayang magpaubaya para sa mga mahal natin, kahit mahirap, para sa ikabubuti ng lahat ay kailangang may magsakripisyo, at ako iyon, Kuya. Handa akong magparaya mabuhay ka lang, kaya mangako ka sa akin na gigising ka. Aalagaan mo ang mga anak natin at mamahalin mo ang babaeng mahal natin.
"'Kuya, hindi na ako magtatagal, kailangan ko nang bumalik ng Pilipinas. Alam mo naman na ako ang umako ng dapat ay sa 'yo. Promise, one of these day, darating dito ang pinakahihintay mo. Kaya mag-ready ka na dahil marami kang ipapaliwanag sa kanila, lalo na sa apat na makukulit na iyon."
Hindi mapigilan ni JM na mapaiyak uli. Ang sakit-sakit sa parte niya ang pagpapaubayang gagawin para sa kapatid. Ngunit kailangan niya itong gawin. Agad niyang tinuyo ang mukha at hinaplos ang ulo ng kapatid saka maingat na tumungo at hinalikan ito sa noo.
BINABASA MO ANG
BOOK #3: SACRIFICES OF A BROKENHEARTED (COMPLETED)
Fiksi UmumAUTHOR NOTE: SA MGA GUSTO NG HARD COPIES, PAKI PM LANG AKO SA FB🥰 JM & GIANNE PLEASE, DON'T DO THIS TO ME! PATAWARIN MO AKO KONG NAGAWA KO IYON. MANIWALA KA SA AKIN MAHAL KITA AT HINDI KO GINUSTO ANG MGA NANGYARI. PINAGSISIHAN KO NA ANG LAHAT NG MA...