Chapter 11 - Grace

10 0 0
                                    

Chen's POV.
"Ms. Chen, uuwi na ba kayo sa Valdez's residence?" Tanong sakin ni George pagkatapos niyang ibigay sakin ang kapeng hiningi ko.

"Yeah, kailangan ko ng pumasok. Dalawang araw rin akong absent.." Sagot ko sabay simsim ng kape.. Ahh, this is heaven. Gustong-gusto ko talaga ang kapeng gawa ni George, Hindi ko alam kung ano ang nilalagay o inihahalo niya dito pero gustong-gusto ko, one of the reasons why I want to go home. Madaling araw akong nagising dahil kailangan kong pumunta ng maaga kila Tita Cindy. Pagkatapos ng nangyare samin sa bar ni Christian Di muna ako umuwi, gusto kong pahupain muna ang galit ko dahil baka kung ano ang magawa ko sa gagong lalakeng yun..

"Ah, ganun ho ba? Kailan naman ang balik nyo?"

"Hindi ko alam but, I'll make sure na makakabisita ako kada linggo.. By the way thanks for this coffee, I really like it.." Wika ko, yumukod lang ang huli ng mapasalamatan ko at umalis na. Nang five na ay naligo na ako.
Pagkatapos kong maligo ay siya namang pagtunog ng cellphone ko.

*New rules* ringtone ko yun may aangal?

"Hello, who's this?"

"Hello, Cheniah! It's nice to hear your voice again.." Sabi ng isang malaking boses na tila natatakpan ng kung ano.. I look at the caller's ID but it wasn't one of my contact. Unregistered number. At ang nakakapagtaka Hindi pa ako nagpapakilala pero kung tawagin niya ang pangalan ko ay parang normal lang yun at magkakakilala talaga kami.. Kaya naman nagmamadali akong pumunta sa table ko dahil nandun ang laptop ko habang nakatwalya pa, I need to trace this caller.

"Who are you?!!" Galit Kong tanong habang walang tunog na tumitipa sa keyboard ko.

"Secret!! I just want to know what you are doing. I also have a message, open your email sweety. Kinakamusta lang kita kung ayos ka pa, dahil malapit na akong magsimula. Wait for me, my sweet. Wait for my revenge, Grace.." He said that made me stop. What the fuck?! Nang makabawi ako ay mas binilisan ko pa ang paglalagay ng mga shortcuts and codes then a bar like shape appears. I need to find this bastard.. He knows me and I knew there's something about him.

"Who the fuck are you, asshole?!" I'm getting angrier dahil sa bagal ng loading. 5% palang.

"You'll know me soon, my sweet. I'm counting on you to know me sooner. I have higher expectations of you Chen, so don't make me feel more disappointed. And, oh, sweety. Stop tracing me, you won't make it.." Then the call ends at eksakto din namang tumigil ang pagloading sa 10% and a Gif of a demon appears.. Tumatawa rin ito ng pangdemonyo. Who the hell was that? Shit! Shit! SHIT!! I need to find that dimwit..

Ms. Chen At Your Service. (Agent Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon