Chapter 13 - Brother?!

6 0 0
                                    


Chen's POV.
Tss, ang boring ng klase buti nalang at madaling natapos ang dalawa naming subject so yeah, lunch time..

"Ate Chen, sabay-sabay na tayo!!" Narinig Kong sigaw ni Emman kahit nasa iisang classroom lang kami. Ito talagang batang toh abnormal..

"Oo na, bilisan nyong tatlo at nagugutom na ako!!"

"Yey, mukhang nangangamoy libre ahh. Nakarating samin ang pagiging mayabang mo kanina Ate Chen at syempre ang pagiging astig!! ADIOS MOTHER FUCKE----- OUCH!!" Reklamo ni Brake dahil pinitik ko ang bunganga niya.. Tss, ako lang dapat magsasabi nun at bawal yun sa bata..

"Yan buti nga! Ate Chen si Emman din nagmura kanina. Ang lutong pa.." Pagsusumbong pa ni Liam..

"Sumbungero ka Liam!! Hindi Ate Chen ahh, good boy ako promise!!"

"Siguraduhin mo lang.. Panget sa bata ang nagmumura ng nagmumura!!"

"Baket ikaw Ate Chen? Diba sabi mo panget yun? Edi dapat Di ka rin nagmumura!!"

"Baket bata pa ba ako? Tss, wag mo nga akong sinasagot Brake, makakatikim ka na naman sakin. Kung nandito lang si Shen, kanina ka pa pinagsabihan nun.."

"Shen? Babae? Maganda? Sino yun Ate?" Tanong ni Emman na Hindi man lang hinahayaan akong sumagot.

"Wait, Shen? Chen? Kapatid mo ba yun Ate? Kambal? Aww, gusto ko na siyang makita baka sobrang ganda katulad mo Ate Chen eh.." Pangungulit ni Brake habang naglalakad kami papuntang Cafeteria. Si Liam naman busy sa gadget. Nang makapasok na kami sa Cafe at nakahanap na ng table nagpresinta ang tatlo na sila na ang bibili libre ko naman daw na Hindi ko man lang alam na libre ko pala sila. Hindi ko alam na kapag narinig nilang mayaman ka kailangan mong manlibre kahit pare-pareho lang naman kaming nandito tapos ang hilig magpalibre, tsk tsk tsk..

Nang makabalik sila ay ginulo na naman nila ang diwa ko..
"Ate Chen, kailan namin mamemeet ang kapatid mo?! Excited na ako.." Sabi ni Emman habang kumakagat sa burger niya.

Ms. Chen At Your Service. (Agent Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon