Chapter 24 - Sparrow

2 0 0
                                    

Chen's POV.
Kasalukuyan akong naglalakad sa campus habang palinga-linga sa paligid nung nakaraan ko pa nararamdaman toh, yung pakiramdam na may nagbabantay sayo? Ganitong- ganito yun nung panahong hihilingin ko kay Christian ang gusto kong wish.  There's someone who's looking intently on every move I make, I'm sure of that. Mukhang pagkatapos ng pagpapahinga nila ng ilang linggo, bumalik nanaman sila para manggulo? Hindi ba naging maayos ang pakikipag-usap ko? Ang seryoso ko nga nun eh, sobrang seryoso..

Flash Back
Friday (5:00 pm)
Uwian na at kakalabas ko lang ng ospital kahapon pero heto at nasa eskwelahan na ako, hindi naman ako grade conscious may sadya lang ako na dito ko matatagpuan.

Naglalakad lang ako patungo sa kung saan habang pinagmamasdan ang benda ko, I think I should ask George to buy me the ointment I used to apply whenever I get wounds like this. Hindi naman ganun kalakihan pero, sheett lang! Iniingatan ko kaya balat ko, ni nga lamok di nakakadapo dito eh, magka- scar pa kaya.

Nagpalinga- linga ako sa paligid hoping to catch the snake I need..
Ang BINGO!! Kung sinuswerte ka nga naman oh..

"Ohh, Ms. Chen? What are you doing here?"

"Finishing some errand, Sir Lopez." Nakangisi kong pahayag

"Ahh, ganun ba? Sige bilisan mo na, kanina ka pa dapat naka-uwi dahil kanina pang four ang uwian niyo." Pangangaral pa nito. No need for that old hag..

"Ahh sige ho, tatapusin ko KAYO AGAD!!" Napunta ako sa likod niya ng di niya napapansin.

"What the?!" Sigaw niya..

"Yeah, what the hell did you do to me?"
Pabulong kong wika sa kanya. Naramdaman ko namang ang panginginig niya. Para sa isang matandang traidor masyado siyang matatakutin.

"A-ano ba ang sinasabi mo?!"

"Oh, don't act innocent di kapani- paniwala and it's crepping me out.."
Nakaka-irita at nakakadiri kaya makakita ng umaarte na hindi naman kayang panindigan.

"So na-nalaman mo na? H-hindi ka nga tanga katulad ng i-iniisip ko.."

"Ang talas ng dila mo para sa isang taong mamatay na ngayon.." Bulong kong muli, I know someone is listening..

"Patayin mo nalang ako, agad!!" Sigaw nito, hindi makapaghintay? Atat? Pangarap lang na gustong matupad?

"Easy, I just want to say something!
Alam kong naririnig nyo ko and believe it or not ramdam na ramdam ko ang presensya nyo mula dito. Nga pala mga kaibigan, wag nyong uubusin ang pasensya ko dahil hindi nyo magugustuhan pag ako ang unang kumilos dito sa gyerang idineklara nyoGoodluck with that! Oh by the way, ikaw na nasa trunk ng puno diyan sa kaliwa na may hawak ng ripple, wag kang gagalaw.." Nakangisi kong wika sa may butones ng kanyang polong suot. Matindi ang paningin ko kaya di nila ako maloloko. Agad kong hinagas ang swiss knife na hawak ko at wala pang ilang minuto ay nahulog na yung taong binantaan ko kanina lang...

Ms. Chen At Your Service. (Agent Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon